♠♠♠



"Kung minsan kung ano pa ang makakapagbigay ng kasiyahan sa atin,
 yun pa ang magiging dahilan kung bakit tayo malulungkot at masasaktan.."


-  Doraemon daw.










Posted by
nin0ybaltazar09

More

Chain Message!



Kanina lang nagbukas ako ng FS ko..May inaabangan kase aqng message nito lang...kanina lang....

Nagtitingin muna ako sa mga latest updates habang iniintay ang reply..nagtingin ng kung cno ang may birthday ngeon araw na i2...(special mention: Marriane...Advance happy birthday! Haha! Paburger ka naman jan! ), kung may mga bagong comments ba saken..at anu-anu pa..Tiningnan ko rin ang mga New Bulletin ko..ayun. ganun parin. labasan ng emotions ng mga ka-FS ko..meron naman mga nakakatawag pansin..na tipong pag binuksan ño,, imbes na gugustuhin ño pa mamatakot na kay0ng magbukas pa ng ibang bulletins..nakakaburaot! Yun bang tipo kaseng may kasama na

"NOW REPOST THIS WITHIN 1 SECOND WITH THE TITLE 'BAKLA AKO' OR ELSE YOU'LL DIE TOMORROW!"

GUSTO ñO bang saksakin ko keo para keo na lang mamatay!! Ha?!!!
Kung di ba naman nakakaasar 'yon lalo na kung wala pang katuturan ang mga pinagsasabi! Minsan papapiliin ka pa ng walang kakwenta-kwentang choices tulad na lang nito

(1) Mas t*nga ako sa'yo
(2) Mukhang kabayo ang bf/gf ko,
(3)Bakit mo inagaw saken ang syota kong mukhang buto? ASO KA BA!!
(4) AkO lang ang dakilang T*nga!!!.

Ang tawag dito, kung di ako nagkakamali, ay "chain message." ito ay isang uri ng message na kung saan may nilalagay na consequences para mapilitang i-p0st din ng mabibiktimang mambabasa ang walang kakwenta-kwentang message at magiging dahilan ng pagka-bored ng mga mambabasa at matatakot na ito sa susunod na magbubukas sila ng bulletin..(O anong problema dun? E sa yan lang ang alam kong magiging dahilan e..baket meron pa ba??)

..Hinde ko talaga alam kung ano ba ang mga dahilan ng walang magawa sa buhay na mga 'to kung bakit siLa gumagawa ng ganung bagay...lalo na ang mga pasimuno nito..oo na't naiintindihan ko rin ang mga biktima nito kaya naman nagpop0st rin sila nito...hinde ko talaga mapag-isip-isipan kung baket niLa ginagawa 2...ANO para wala nang magbukas pa ng bulletin dahil takot na sa mga 'chain messages' na 2 ?!!

Okei na saken kung maglabas sila ng mga sama ng loob sa mga bulletins nila e..o gawin nilang chatroom ang bulletin,, okei lang di ba? Pero kung ganon ang gagawin nila, hay naku!,, Mga panira ng araw!Kaya't hinde na ako nagtitingin pa ng mga bulletin post e, dahil halos lahat ganito! pero,,gayunpaman,,nagpatuloy pa rin ako sa aking pagtitingin. Sa aking pagtitingin, ito kagad ang bumungad sa akin.."Weird 9/11 Facts"...xempre,, nde ko ito babanggitin señ0 kung nde ako nacurious d2! Na-curious kase aq dahil interesado rin akong bata pagdating sa mga facts...at ito ang bumungad saken...


"WiERD 9/11 FACTS"

*ayus mukhang maganda ah..sana nga dahil babatuhin ko ang monitor ko pag panget 2!*


Now listen to me! Read through all of this, and don't stop till you hit the bottom, or you'll regret it!


"UNITED WE STAND"


1) New York City has 11 letters

2) Afghanistan has 11 letters.

3) Ramsin Yuseb (The terrorist who threatened to destroy the Twin Towers in 1993) has 11 letters.

4) George W Bush has 11 letters.

5) The two twin towers make an "11"


This could be a mere coincidence, but this gets more interesting:


2) The first plane crashing against the Twin Towers was flight number11.

3) Flight 11 was carrying 92 passengers. 9 + 2 = 11

4) Flight 77 which also hit Twin Towers , was carrying 65 passengers. 6 + 5 = 11

5) The tragedy was on September 11, or 9/11 as it is now known. 9 + 1+ 1 = 11

6) The date is equal to the US emergency services telephone number 911. 9 + 1 + 1 = 11.

Sheer coincidence..?! Read on and make up your own mind:

1) The total number of victims inside all the hi-jacked planes was 254. 2 + 5 + 4 = 11.

2) September 11 is day number 254 of the calendar year. Again 2 + 5 + 4 = 11.

3) The Madrid bombing took place on 3/11/2004. 3 + 1 + 1 + 2 + 4 = 11.

4) The tragedy of Madrid happened 911 days after the Twin Towers incident.


*lahat puro 11 ang resulta..huhu!*

Now this is where things get totally eerie:

The most recognised symbol for the US , after the Stars & Stripes, is the Eagle. The following verse is taken from the Quran, the Islamic holy book:


"For it is written that a son of Arabia would awaken a fearsome Eagle. The wrath of the Eagle would be felt throughout the lands of Allah and lo, while some of the people trembled in despair still more rejoiced: for the wrath of the Eagle cleansed the lands of Allah and there was peace."


That verse is number 9.11 of the Quran. Still uncovinced about all of this..?! Try this and see how you feel afterwards, it made my hair stand on end:


Open Microsoft Word and do the following, TRY THIS FOR REAL! I DID IT AND IT SCARED THE LIVING CRAP OUT OF ME!!!!!!!


1. Type in capitals Q33 NY. This is the flight number of the first plane to hit one of the Twin Towers .

2. Highlight the Q33 NY.

3. Change the font size to 48.

4. Change the actual font to WINGDINGS {scariest part of all}: Q33NY-- SCARY!!


Extremly scary huh?[[it acc. is scary!!!]]


***

Maganda ang mensahe ng message...okei naman...nakakainteresanteng basahin..nakaka'shocks!'

*kakataas balahibo noh?*

Pero nde ako dyan natakot e....ito ang masaya,, ang kasunod ng message na ito:


***


"NOW REPOST THIS WITHIN 911 SECONDS
WITH THE TITLE "Weird 9/11 facts" OR
YOUR FAMILY'S NEXT PLANE TRIP WILL BE SHORTER"

***

Siguro nga alam ku na ang isa pang dahilan kung baket nila dinagdagan nito...PARA KUMALAT!!



-ninoybaltazar09-



Posted by
nin0ybaltazar09

More

tula para sa hinahangaan

10/16/08 10:18 PM




Dahil sa'yo natuto akong mangarap
Mangarap nang kasing taas tulad mo
Nangarap na abutin ka't maging tulad mo
Isang bituing nagningning sa kaitaas-taasan..


Dahil sa'yo natuto akong mangarap
Mangarap na akyatin ang mataas na bundok
Sisirin ang kalalim-laliman ng dagat
Para lang maabot ka sa kinatatayuan mo..

Dahil sa'yo natuto akong mangarap
Mangarap lumipad nang mataas tulad ng lawin
Ipagagaspas mga pakpak kasamang mga pangarap
At salubungin ang daluyong na aking haharapin

Dumating man mga pagsubok ko sa buhay
Di papatinag makamit lang pinapangarap
Ikaw ang nagbibigay lakas ng loob sa puso ko
Ang nagbibigay dahilan upang ako'y lumaban

Kung di dahil sa'yo wala ako rito
Wala ako rito sa kinatatayuan ko
'Kaw siyang naging tanging inspirasyon ko
Ang aking inspirasyon sa pag-aaral ko

Kung sakaling dumating ang sandaling
Wala kang kasama't ika'y nag-iisa
Nandito lang ako sasamahan ka't dadamayan
Nagmamahal sa'yong humahanga, magpakailanman

Kung sakali man, sana'y magkaroon ka ng oras
Na ako'y makilala mo't makipagkaibigan sa'yo
Dahil kung ito'y dumating man, aking ipapangako
Ang pakikipagkaibigan natin aking pakakaingatan..


-nin0ybaltazar09

Posted by
nin0ybaltazar09

More

Matalino o Bobo?? Sipag lang yan sa pag-aaral..

Sa studies, pagnakakuha ka ng high grades o napabilang ka sa mga outstanding (nde sa labas nakatayo ha? meritorious students ang tinutukoy ko!), masasabing isa kang matalino..pero kung isa ka naman sa mga kabaliktaran nito, isa kang dakilang...'BOBO' ......sa pinakabobo!! *tsakit naman un*....

Kung tatanungin ninyo ako,Nde ako maTalino..inuulit ko po..HumBle Lang ako...este, HinDe Nga Ako Isang matalinO e, na isang estudyante na nerd baga!!.......katuLAd ño lang ako..Genius lang ako (joke lang!)..simpleng estuyante lang din ako. Nag-aaraL lang ang ako..sipagan lang yan sa pag-aaral!

Sa tingin ko, wala namang taong bobo..nasa sipag lang yan sa pag-aaral..wala namang taong pinanganak na bobo, Nde ba?? Lahat ng tao'y pinanganak nanG may kanya-kanyang talino..

huwag ño sanang isipin na hinde ño kaya. Na hinde mo kakayanin yang mga sUbJects na yan. Kaya ba nagpapakasasa na kau lang sa bilyaran, sa paglalaro ng DOTa o anumang computer games pa yan, sa paglalakwatsa o sa anu pa yan...dahiL lang sa dahilan na yan? Pwede ba? huwag mong idahilan sa akin yan! Tinatamad ka lang sa pag-aaral..

Oo, alam ko na nakakatamad na rin minsan ang pag-aaral. Minsan sa buhay estudyante, dumarating talaga sa buhay natin ang ganito. Minsan maiisip mo rin na sana makatapos ka na't magkaroon na ng trabaho. Pero pano ka naman makakakuha ng magandang trabaho kung hinde mo naman tatapusin ang pag-aaral mo? Paano mo tutuparin ang pagiging isang doktor, abogado, inhinyero o isang nurse o direktor ng isang kumpanya kung ngeon pa lang tinatamad ka nang mag-aral?

O anu? Titigil ka na lang ba sa pag-aaral mO't makapagtrabaho na kaagad?.. magpapakasasa na lang sa pagiging isang service crew, janitor, o kahit anu pang trabaho na pwede sa isang 'undergraduate?? Kuntento ka na ba sa buhay ng ganyan ang trabaho mo??

Pero sa ginagawa mong ganyan, makatapos ka ba sa ginagawa mo??..May kinabukasan bang naghihintay sayo kung idadaan mo ang sarili mo sa paglalaro ng bilyar, paglalaro ng computer games, paglalakwatsa o kahit anu pa yan?

Sana isipin mo sana ang mga magulang mo na nagpapakahirap magtrabaho para lang makapag-aral ka. Sana maisip mo na nagpapakahirap sa pagkayod ang mga magulang mo para lang magkaroon ka ng magandang edukasyon. Para makapagtapos ka at magkaroon ng magandang trabaho sa pagdating ng araw. Hinde naman yan para sa kanila ang pagpapakahirap nila, di ba? Para sa'yo yan! at ayaw niLang sa pagdating ng araw ay makikita ka na lang na nagpapakasasa a pagtanim ng 'kamote!!' Ayaw nilang sa pagdating ng araw ay pulutin ka na lang sa kangkungan..

Sana maisip mo ang mga bagay na ganyan. Huwag mong sayangin ang mga bagay na binigay sa'yo Huwag mong hintayin na sa isang araw ay wala ka nang madatnan..wala ka nang makapa. wag mong hintayin na batiin ka ng isang grupo: "WELCOME TO THE SLUMS!"

Siguro naman nde mo inambisyon sa sarili mo ang pagiginG isang squatter? nde ba?? nde mo naman matagal na pinag-isipan 'yon hinde ba??

"Nais kong magsakripisyo para maabot ko ang mga inaasam kong pangarap...
para abutin din ang mga bituin at anihin ang bunga ng aking pagod....
handa na po akong lumipad na parang lawin....at ibuka ang aking mga pakpak...
ipagaspas at salubungin ang mga daluyong tungo sa bagoing liwanag...!!!!

harangan man ako ng sibat kahit anu pang harangan sa akin di ako matitinag...
Nais kong matupad ang aking mGa pangarap...
Gusto kong matupad na maging isang.................

Squatteeer!...
.*toinkz*" Yan ang sabi ni Karding na ginanap ni Ramon Bautista!

Hay naku! ayaw ko pa namang magpatawa dito..dahil seryoso ako d2..Gumising- gising ka na! Mag-aral ka ng mabuti para makamit mo ang mga pangarap at ambisyon mo sa buhay..
Magsipag ka na sa pag-aaral mo.....Habang may oras pa, magbago ka na!..Kaya mo yan mga 'tol!
Dahil ang edakasyon ang magdadala sa'yo ng magandang bukas......


Ang magtataguyod sa buhay mo at makamit ang inaasam m0ng pangarap......




ang pagiging....




isanG.......




successful....



na....



squatter!

-nin0ybaltazar09-

Posted by
nin0ybaltazar09

More

♠♠♠


Posted by
nin0ybaltazar09

More

Tigyawat!

9/24/08 1:45 AM


"Isa...dalawa..tatlo..apat..lima..lima...anim..anim...pito...tatlo...apat...lima.."
*hanggang sa umabot ng bente ang bilang niyang paulit-ulit!*
"Bente......! Yes! bente lang pala ang pimples ko! Haha!"
"Oh talaga? congrats tsong! wala nang i-space ang mukha mo!"

***

Sa bawat araw na paggising ko..hindi na ako nagbabalak na timingin pa sa salaming...Ayoko ko nang tumingin pa, baka bumalik lang ako sa tulog..Binabangungot lang ako..

AARRGGH!! Ayoko ng ganito! ang dami ko namang buwisita sa mukha ko! Ano ba ito?..Sabi ng nanay ko, "Ayan kase puyat nang puyat!" E anu ba naman kaseng kuneksyon ng mga dalawa sa pagpupuyat ko?..

Tigyawat. Anu ba iyon? Saan ba nanggaling ang mga 'to? Paano ba maiiwasan ang mga ito?... ang dami kong mga katangungan sa isipan (pero mas marami pa rin sa tigyawat!) at kaya atat na atat na ko malaman ang mga sagot. Kakagigil! Sarap tirisin! Kung bakit naman kasi wrong timing pa! Saka pa nagsilabasan kung kelan pang gusto mong magpaporma at magpagwapo! Arrghh!!

Sa pagtatanong ko, bigla na lang akong sinagot ng kapatid ko. Nagulat ako at agad akong napanganga sa sinabi niya. Mantakin mong nag-aaral pala ito?

Sabi niya:" A pimple is a result of a blockage of the skin's pore. Inside the pore are sebaceous glands which produce sebum. When the outer layers of skin shed (as it does continuously), the dead skin cells left behind may become 'glued' together by the sebum. This causes a blockage in the pore, especially when the skin becomes thicker at puberty. The sebaceous glands produce more sebum which builds up behind the blockage, and this sebum harbours various bacteria including the species Propionibacterium acnes......"

*Nosebleed and paranoia!* Aray, halos napanganga ako dun ah?...Dahil sa kanyang napakahabang mala-speech na explanation halos napakain na ako ng chichiria nun! Pero nagulat na lang ako nang dugtong niya ay ganito: " Kung meron ka pang tanong kuya, tingnan mu na lang sa wikipedia.com..dun ko nakuha yon! Pag bukas ko nga ng website na 'yon, agad akong napasabi ng "#$%!^" Pambihira! Sinabi niya na lang sana ang website noh? Pero infairness...copy paste talaga ang sinabi niya..Hindi rin nakapagtataka kung bakit nagkaroon rin siya ng interes dun, kase tinitigyawat rin siya..mas maraming di hamak kaysa sakin!  >:)

Tigyawat...isa sa pangunahing prinoproblema ng mga kabataan ngayon..Pero saan ba talaga nanggagaling ang mga 'to...at pano kaya malulunasan ang mga ganito..

To make the explanation of my brother short and understandable, 'Acne is pustular eruptions, localized abscessed formation and local inflammatory conditions of the dermis and epidermis skin layers..' *toinkz! anu ba yun? simula pa lang pina-nosebleed ko na ang mga readers koh? Baka sa susunod langawin na itong page ko...wag sana!*

Tighiyawat..ayon sa aking pagkakaintindi, ito ay resulta ng pagbloblock ng skin ( o libag) sa oil sa mukha natin na tawagin nating 'sebum.' pag oily ang face, doon nagreresulta ng pimples...
Nagiging oily ang face natin pag pinapawisan. bumubukas ang mga pores sa face kaya naglalabasan ang oils sa sebceous gland. Ayon. pag lumabas na ung oil, di ba sticky yun? Parang ung pawis sa kilikili mo? sticky! pag may dumikit na dirt sa face, papapasukan ng dirt ung opened space sa pore, tapos aakalain ng white blood cells natin na foreign body yung dirt kaya lalabanan nila ito.. tapos, magkakaron ng infection..at doon papasok ang pimples..

E ano naman ang kinalaman ng pagpupuyat naman sa pagkakaroon ng tigyawat? Simple lang. Yun ay dahil sa kapag nagpupuyat tayo, nagiging mabilis at active ang metabolism sa katawan natin. Dahil dun, nagiging aktibo rin ang hormones natin at nagiging dahilan ng pagsesecrete ng more oil ng sebaceous sa katawan natin. At pangalawa, dahil na rin sa libagin kayo! Biro lang. May mga libag sa katawan natin at sa mukha natin, nabloblock yung oil at dun na nagsisimula ang pagtutubo ng pimples. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sa likod, may makikita rin kayong mga tigyawat sa ibang tao..tulad rin sa kapatid na wala nang matubuan sa mukha niya...JOKE ULI!!! *Bro, peace tayo!*
So, alam niyo na?

Meron rin nagsasabing may mga iba pang dahilan kung baket nagkakaroon tayo ng pimple. Liban sa puyat, ang stress at oily foods..Oily Foods? dahil ba sa oily ang pagkain kung kaya't bawal ding kumain nun? Sweet foods like chocolates din?...kaya ayaw kong magpapanipaniwala sa mga ganito e, pinapaiwas nila ako sa mga gusto ko! E panu kung mahilig ako sa mga oily food and sweets? May magagawa ba kayo kung gusto ko?!!
Naalala ko tuloy. Pinagsabihan ako ng tito ko na sarap na sarap sa mga chocolates na pinadala galing abroad.
Sabi niya: "Pst! bawal kang kumain nito!"
Ako: Pero, tito bakit ako pinagbabawalang kumain nito?"
Tito: "Nakakautot!"
Ako: "E anung masama kung umutot ako? gusto ninyo ututan ko kayo ngayon eh? hehehe!
Tito: "..........hindi....aamm.....nakakatigyawat ito!! OO! TAMA! kaya wag kang kumain nito..! masama sa iyo 'to! at Wag nang magtanong pa!"

*Diyos ko po! ilang taon pa lang ba ako nun. Magpipitong (7) taong gulang pa ako nun! Magkakatigyawat ba naman ako nun? Bata pa kaya ako..Dahil sa masunurin ako at wala pa ako sa mundo para malaman anag mga bagay na iyon, sumunod naman ako..Naglalaway na ang bibig ko habang siya sarap na sarap sa pagkain ng mga chocolates! Tubuan ka sana ng BAKOKANG!! Huhuhu!...T_T*

Balik na tayo sa usapan. Ayun nga. magpagayunpaman.sinusunod ko ngayon ito kahit wala ito basehan sa scentific research. Wala naman rin mawawala kung sumunod ako hindi ba? Ang nakakapaghinayang lang ay nakakapanglaway lang ang mga 'to...

Pero ngayon ang hirap nitong kalagayan ko. Lalo na nalalapit na ang finals. Magcucultivate na naman ako ng tigyawat nito. Todo sunog kilay to the max ito. Syempre ayaw ko pang mawala sa San Juan uy!...Pero pramis ko rin sa sarili ko, pagkatapos lang nitong Exam na ito, aasikasuhin ko ang mukha ko...naaawawa na ako sa mukha ko palang ngayon..iniisip ko para bang nire-rape ng mga lint*k na mga pimples na ito ang mala-birhen kong mukha! Nakakaawa.

Last na tanong lang, pano naman mapapagaling ito?
Siguro, marami sa atin ang nakasubok nang magtiris ng pimples. Bakit kaya? Kung magtanong ay parang hindi ko ginagawa ah?...akala ng iba, kapag tiniris nila liliit ang pimples nila.. Akala rin ng iba pag natiris na ung pimples, mawawala na ung fluid sa loob, kaya akala nila maaalis na ung pimples! Di ba ganun kadali?! Yun iba naman Operation exterminate tigyawat talaga! Anu ba yan?!! Ang daming kayang namamtay sa Maling Akala?? Di niyo ba alam na imbes na lumiit ito, lumalaki pa lalo pimples ninyo? Saka hindi niyo ba inisip na dindudumihan ninyo lang ang salamin nito sa oras na nagpriprick kayo ng tigyawat??

Pang-asar na pimples! Kung dati inaasar ko ang kapatid dahil sa rami ng pimples niya..ngayon mukhang makikipagkontesan na ako sa kapatid ko....Teka, anung oras na pala? O HINDDEEE! Ala 2:00am na!! Sige na nga hanggang dito na lang ako..

***

PS: "There are common over-the-counter medications for pimples. These are benzoyl peroxide and/or salicylic acid. Both medications can be found in many creams and gels used to treat acne through topical application. Both medications help skin slough off more easily, which helps to remove bacteria faster. A regimen of keeping the affected skin area clean plus the regular application of these topical medications is usually enough to keep acne under control, if not at bay altogether. 1-2% of the population is allergic to benzoyl peroxide treatments."

Kung meron pa kayung mga katanungan sa akin tungkol sa counter medication sa pimples, dun na lang kayo sa wikipedia.com..dun ko lang rin kase nakuha ito e! hekhek!!

^^,



-nin0ybaltazar09-

Posted by
nin0ybaltazar09

More

Kaliwete

9/18/08 8:19 PM


Sabi nila malas daw pag kaliwete.Hinde raw maganda sa pamilya ang kaliwete dahil nagdadala raw ng kamalasan sa buhay.Parang katumbas mo na ang pagiging 'black sheep' kapag isa kang kaliwete sa pamilya mo....

Sa mesa, pag nakita ka ng tatay mo o nanay mo na kaliwang kamay ang ginagamit mo sa paghawak ng kutsara, pipilitin nilang isaksak sa kukote mo na kanan ang gamitin sa paghawak ng kutsara..
Sa eskwelahan naman, pag nakita ka ng titser mong nagsusulat ng kaliwete papaluin niya ang kaliwang kamay mo at pipilitin niyang sanayin ka sa paggamit ng kanang kamay mo sa pagsusulat...
Sa paghawak ng walis dapat kanan..paghawak ng lapis o ballpen, dapat kanan...sa pagpunas ng mesa, dapat kanan...sa pagbubuhat ng isang bagay na kaya ng isang kamay, dapat kanan!....sa pagkaway, KANAN! Kanan! Kanan! Kanan! Lahat na lang puro KANAN!! Pati pa ba sa paghugas ng puwet? dapat KANAN pa rin??

Kaliwete? Ano bang masama sa pagiging kaliwete? Ano naman kayang kamalasan dinala nito sa buhay natin? Parang walang kakonek-konek.. Para mo lang sinabing "para sa ikauunlad ng ating buhay, wag maging kaliwete!" Ano daw?

Sabi nila pag kaliwete ka raw, nangangaliwa ka! Nangangaliwa?! Hindi naman porket magkaparehas ng salitang ugat e nangangaliwa na? Mukha bang mga babaero o lalakera ang mga kaliwete? Mukha lang silang 'Cute" noh? haha. biro lang! (palibhasa kaliwete rin! hehehe! AlphaKapalMuks!)

Kaliwete rin naman sina Albert Einstein, Isaac Newton, Napoleon, Julius Ceasar, Mark Twain, Benjamin Franklin, Picasso, Michelangelo Buonarroti at Leonardo da Vinci. Gulat ba kayo? Oo. Kaliwete sila. Sinasabi nilang malas pero nasan na sila ngayon?....PURO PATAY NA hinde ba?!!

Magbibigay naman ako ng ibang kilalang tao na nabubuhay naman. Baka isipin ninyong wala nang nag-eexist na kilalang tao na kaliwete! Hehehe! Sina Drew Barrymore, Whoopi Goldberg, Keanu Reeves, Pierce Brosnan at Demi Moore ay ilan sa mga Holywood actors and actresses na kaliwete. Si Oscar de la Hoya, boksingero, kaliwete rin..Si Goerge Bush na presidente ng Estados Unidos, kaliwete rin! Teka, wala bang mga pilipino? Meron din naman! Tulad nina Manny Pacquiao at si Aiza Siguerra ay mga kilalang pinoy na kaliwete.

Siguro nagtataka kayo ngayon kung anong pumasok sa utak ko kung bakit napagtripan kong magsearch pa sa internet para makahanap lang ng mga kilalang tao na "kaliwete." Kung iniisip ninyo na interesadong interesado ako sa mga ito..puwes, nagkakamali kayo! pinagtiyagaan ko lang itong hanapin para humanap lang ng kadamay! Para sa oras na sasabunin na naman ako ng magulang ko sa paggamit ko ng kaliwang kamay, may ipapanangga ako! Hahaha! Anong malas kayo jan ha? Yan bang mga kilalang taong yan hinde umunlad sa buhay nila? Oha! Oha!

Magpagayunpaman, huwag ninyo na lang akong pansinin. Sana maisip naman natin na hindi naman sa kanan ka o kaliwete ka ay masasabing isa ka nang 'malas.' Nasa tao naman yan kung pano niya dinadala ang buhay niya. Nasa sarili lang natin kung ano bang kakahinatnan ng buhay natin - kung uunlad ka ba o hinde. Hinde naman hadlang ang pagiging isang kaliwete mo sa pag-unlad ng isang tao. At hinde naman rin sa kanan ka ay swerte ka na at iaasa mo ang pag-unlad mo doon..Nasa tao lang yan kung paano niya dinadala ang sarili niya tungo sa kaunlaran niya. Kaya kung isa kang kaliwete, huwag kang makinig sa mga sabi-sabi..think positive! Swerte ka! Don't let them bring you down in this belief!

Ika nga ni W. C. Fields :
"If the left side of your brain controls the right side of your body, and the right side of your brain controls the left side of your body, then left-handed people must be the only ones in their right minds."


-nin0ybaltazar09-

Posted by
nin0ybaltazar09

More

♠♠♠


"You choose.

A moment of EMBARRASSMENT

or

A lifetime of REGRET?" 




- Jessie Jam J.

Posted by
nin0ybaltazar09

More

Black Sheep

9/9/08 12:33 AM


* * *



Black Sheep


Isang gabing mapayapa
nababalot ang paligid ng kalungkutan
Mga tao'y tulog na
samantalang ako'y gising pa
nandirito nagmumukmok sa silid ko

Sa silid kong maliit
Na tinuturi kong kanlungan
Aking munting mundo
na kung saan nilalabas
lahat ng sama ng loob

Sa isang madilim na sulok
Pinipilit sinisiksik ang sarili
Maitago lang mga luhang pumapatak
at sakit at galit na nangingibabaw
sa nakakaawa kong sarili

Bakit ba ganito?
Wala na ba akong ginawang tama?
dispalinghado ba lahat nagawa sa buhay na 'to?
halos wala na akong marinig sa bawat araw
Puro na lang bulyaw..palaging pinapagalitan

Bawat araw dinaramdam
mga bulyaw at murang natatanggap
sa araw-araw na dumarating
Kaya isipan ko'y gulong-gulo ngayon
Parang gustong magwala'tilabas ang nararamdaman

Cge Na! Tanggap ko na!!
T*Nga na ako!! G*Go!! B*Bo!!
O kahit anu pang mura pa yan
Wag ño lang sanang ulit-ulitin pa
Nasasaktan na ako

Sa aking pagdaramdam
Ako'y napaisip sa isang katanungan
"Ako ba ang MALAS sa pamilyang 'to??
Kaya hanggang ngayo'y pamumuhay
di pa rin maunlad-unlad??"

Gusto ko silang sumbatan
Gusto kong sabihin aking dinaramdam
Pero hindi ko magawa...
Sin0 nga ba naman ako??
Isang hamak na anak lang naman ako, di ba?

Sawang-sawa na kong makinig
sa mga pabulyaw ninyong pangaral
na paulit-ulit na sirang plaka
na sinamahan pa ng malulutong na mura
na nakakasakit na saking damdamin

Inay...Itay...sana'y maunawaan ninyo ako
Alam kong binibigay ninyong lahat sa akin
lahat nga nakbubuti para sakin
Pero naitanong ninyo na ba sa akin?
Ako ba'y masaya sagusto ninyo?

Kaya eto ako ngayon
Inaabangan pagsikat ng araw
Umaasa sa pagdating ng umaga
na mabago ang pagtrato
ni Inay at Itay sa akin...:(


-ninoybaltazar09-



Posted by
nin0ybaltazar09

More





Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger