tula para sa hinahangaan

10/16/08 10:18 PM




Dahil sa'yo natuto akong mangarap
Mangarap nang kasing taas tulad mo
Nangarap na abutin ka't maging tulad mo
Isang bituing nagningning sa kaitaas-taasan..


Dahil sa'yo natuto akong mangarap
Mangarap na akyatin ang mataas na bundok
Sisirin ang kalalim-laliman ng dagat
Para lang maabot ka sa kinatatayuan mo..

Dahil sa'yo natuto akong mangarap
Mangarap lumipad nang mataas tulad ng lawin
Ipagagaspas mga pakpak kasamang mga pangarap
At salubungin ang daluyong na aking haharapin

Dumating man mga pagsubok ko sa buhay
Di papatinag makamit lang pinapangarap
Ikaw ang nagbibigay lakas ng loob sa puso ko
Ang nagbibigay dahilan upang ako'y lumaban

Kung di dahil sa'yo wala ako rito
Wala ako rito sa kinatatayuan ko
'Kaw siyang naging tanging inspirasyon ko
Ang aking inspirasyon sa pag-aaral ko

Kung sakaling dumating ang sandaling
Wala kang kasama't ika'y nag-iisa
Nandito lang ako sasamahan ka't dadamayan
Nagmamahal sa'yong humahanga, magpakailanman

Kung sakali man, sana'y magkaroon ka ng oras
Na ako'y makilala mo't makipagkaibigan sa'yo
Dahil kung ito'y dumating man, aking ipapangako
Ang pakikipagkaibigan natin aking pakakaingatan..


-nin0ybaltazar09

13 comments:

  1. pls po sana po mabasa nyo yong 1st message kko po hanggang sunday lang po ito pls... po

    ReplyDelete
  2. maganda po siya :)D

    ReplyDelete
  3. pwede nyo po ba akong gawan nang tula kung pwede lang namn po kailangan ko na po ngayon kasi bukas po ang pasahan tungkol po sa hinahangaan kong tao.......ang napili ko po ay ang aking ina...........maaari nyo po ba akong tulunga?????????????????

    ReplyDelete
  4. Maraming Salamat at nagustuhan mo ang aking tula. Apir! :)

    ReplyDelete
  5. Sorry ngayon ko lang nabasa yung posts mo..ngayon ko lang nabisita ang aking blog at natuwa ako't nagustuhan mo ang aking tula. Hmm..mga kelan mo kailangan ang tula? Salamat. :)

    ReplyDelete
  6. Ako din po
    pede pagawa po ng tula ?

    ReplyDelete
  7. Kuya Pede pagawa ng Tula tungkol sa mga hinahangaan kahit na ano po basta tungkol sa hinahangaan.
    salamaat po kelangan ko na po bukas

    ReplyDelete
  8. pls kuya ako rin po. papagawa po ako sana ng tula tungkol sa hihangaan kong idolo at si Daniel Padilla po yung napili ko pls po
    bukas na po kasi eh!!!sana po mapagbigyan niyo ako kahit ngayon lang po

    ReplyDelete
  9. hi. just for give me. bigyan mo naman ako ng tula para sa taong naging inspirasyon ko sa araw araw at yun yung girl ng buhay ko.. please naman.. po

    ReplyDelete
  10. you can check dis dude. one of his love poems :
    http://nin0ybaltazar09.blogspot.com/2008/11/papercut_30.html

    ReplyDelete
  11. thank you sa pag-post! may assignment na ako :) :D

    ReplyDelete

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger