8/19/14
2:07 PM
by: Ninoy Baltazar
Yesterday, I decided to end up my agony. I decided to mitigate the pain I've been bearing for almost 9 months. Yesterday I went to the dentist. At sa mga oras na yun hindi na para magpapasta. I just went there para masintensyahan na ang molar tooth ko..
Kahapon buong buo na ang loob ko. Wala nang daga daga pa sa dibdib. No more turning back. Bunutin ang dapat nang bunutin. Alisin ang dapat nang mawala, para wala nang pahirap pa sa loob ko.
Dalawang beses ko na rin kasing napapastahan yung ngipin ko. At sa dalawang beses ring 'yon, hindi rin tumatagal ng tatlong (3) linggo ang pasta. Bumibigay agad sa serbisyo. Namimiss mo pa nga lang at naiisip mo pa lang ngumata ng manamis-namis na roasted spareribs at malutong-lutong na crispy pork chop ee nagresign na agad sa serbisyo! Hindi mo pwedeng sisihin ang mga kinakain mo, kung dekalidad ba yung pastang ginamit sa ngipin mo o kung magaling ba talaga yung dentistang nagpasta. Almost 50% na kase ng crown ng ngipin ko yung nabasag kaya mahirap nang kumapit ang pasta sa sirang ngipin ko. Saka exposed na kasi yung nerve ending ng sirang ngipin ko kayang walang kahumpay-humpay ang panghihilo...
Kung kaya for almost 9 months na naming nagsasama ng ngipin ko at sa ilang araw-gabi ko nang iniinda ang sakit at pangingilo ng ngipin ko, nagpasya na kong i-let go na siya sa buhay ko. Kaya nung tinanong rin ako ng dentista, (kahit na sa loob-loob ko may konting panghihinayang) sabi ko ready na kong pabunot na yung ngipin ko.
Habang binubunot nina doktora ang ngipin ko, pikit mata akong nakahawak sa side ng dentist chair. Nakakapit at taimtim na nagdadasal. Nahirapan sila sa ngipin ko kasi ang tibay daw ng pagkakakapit. Totoo naman kase nasa angkan ng ermat ko ang matitibay na ngipin. Kung meron man sa mga angkan ko ang may kakayahang bumukas ng buko gamit ang mga ngipin nila o bumukas ng mga de lata gamit ang mga ngipin ay di ko na naitanong sa mama ko. Pero may naikwento noon ang mama ko nung nagpa-molar tooth extraction daw yung nakakatandang kapatid niya na Tito ko ay inabot daw ang dentista ng dalawang (2) oras sa pagbunot sa kanya! Pano ba naman kase maliban sa matibay ang pagkakakapit nito ay nakatwist pa yung root ng ngipin niya sa kabilang root ng ngipin din! So it ended up yung dalawang magkabilaang ngipin nadamay din sa pagbunot! At kung ano man ang pinapanalangin ko ay ayaw kong matulad sa tito ko noh?! Ang bata-bata ko pa kaya para magkaroon ng false teeth!
Nitong mga past few weeks lang, I refused to let go of someone because it was really painful and honestly not easy way to do. But I never realized to myself that the more I hold on to that feeling, the more it would make things difficult for me and putting myself in agony.
Kahit na masakit, kailangan pa rin gawin. Dahil sooner or later, ikaw din ang mahihirapan. Ikaw din ang mas masasaktan. Saka nasasaktan ka na rin lang eh bakit mo pa papatagalin, 'di ba? Bakit pa kase kailangan pa nating ipagsiksikan pa ang sarili natin sa isang bagay na hindi naman talaga para sa atin? Bakit pa kailangan ipagpilitan pa ang sarili natin sa isang tao na ayaw naman sa'yo? Alam mo nang antigen na siya sa puso mo, pinoprolong mo pa ang katangahan mo?
May mga bagay kasi sa mundo na kahit na gusto mo, kailangan mo pa ring bitawan. May mga taong kahit na sobrang special sa'yo at napapasaya ka niya, kailangan mo nang iwasan. May mga desisyon sa ating buhay natin na kailangang gawin, kahit na napipilitan. At may mga pagkakataong kahit na pinagsisigawan pa yan ng puso mo, utak pa rin ang dapat pinaiiral para hindi na mahirapan. Dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan mo pa, ikaw rin ang masasaktan.
Di naman tumagal ng kinse (15) minuto at natapos din ang pagbunot sa ngipin ko. Bago kami umuwi, binigyan ako ng isang banig ng mefenamic acid at amoxicillin antibiotic capsules. Masakit. mahapdi. nakakapanghina. pero kailangan pa ring kayanin. Nakakalungkot din kasi at nakakamiss din dahil may isang naterminado na sa mga hanay ng Kongreso ng mga ngipin mo. Hindi na kumpleto tulad ng dati. It leaves a gap in your life and sometimes you see yourself missing it terribly. I know it’s going to take a while. Isipin na lang natin, lilipas din 'to. Darating din ang naman araw, malalampasan natin 'to.
'Wag nang paghinayangan ang isang bagay na nawala na. Kung makakabuti naman para sa atin, bakit di na lang tanggapin?
Just accept the fact and move on... :)
(Source: http://nin0ybaltazar09.blogspot.com/2014/08/letting-go-tooth-sie-guevarra.html)
No comments:
0 comments:
Post a Comment