8/12/08 4:39 AM
"karpintero lang ako..."
"katulong lang ako...."
"isa lang akong hamak na pulubi...."
Ang hirap kayang maging karpintero? Bakit kaya ba ng iba na gumawa ng bahay na walang nirereklamong hirap? Kaya ba nilang magbilad sa arawan sa pagsesemento lang? Kaya ba ng iba na tumulong sa pagtayo ng gusali na di iniindahin sakit ng katawan sa pagpasan ng mga semento, kahoy o bakal at ang tanging kadamay lang ay Alaxan iF-R? Kayo ba nila yan Dong?
Hirap kayang maging katulong? Di kayang madaling maglaba at mamalantsa ng tambak tambak na mga damit ng buong pamilya? Bakit kaya niyo bang gumawa ng mga gawaing bahay na sa'yo lang nakaasa? Kaya niyo bang indahin kung sakaling pagalitan ka na ng amo mong palautos habang siya nman ay wiling-wili sa panunuod ng 'Eat Bulaga' habang kumakain ng tokneneng at nakapatong ang paa sa ibabaw ng mesa? Hindi rin kaya biro ang maging isang 'taga' sa loob ng bahay - tagalaba, tagahugas ng pinggan, tagaplantsa, tagalinis ng bahay, tagalampaso ng sahig, at tagahugas ng pwet ng amo (at kung mamalasin pa ay kung manyakis pa ang amo mo!)? Ikaw kaya, kaya niyo?
At ang hirap rin kayang maging pulubi?!!..hirap magbilad sa arawan para lang may malimos....bakit kaya ba nilang mamalimos sa buong araw para lang may makakain? Kaya ba nilang magmakaawa sa ibang tao na mahihingian ng makakain at tanggapin na lang ang mga pagdedema ng mga taong nakapaligid lang sayo?
Bakit ba minamaliit natin ang mga sarili natin? E kung yan talaga ang nasa atin eh, ipagmalaki mo! wag niyong maliitin ang sarili niyo!...ipagmalaki kung anuman ang meron kayo!
Buti nga marangal ang ginagawa niyo eh, hindi atlis hindi gumagawa ng bagay na nakakasakit sa ibang tao. Hindi gumagawa ng mga masasamang gawain para lang mabuhay sa mundo..Pero kahit na ganun, nauunawaan ko parin ang mga ibang mahihirap na gumagawa ng mga masasamang gawain..Oo nga dahil sa hirap nga ng buhay kaya nila ginagawa yun..ang hndi ko lang matanggap ay yung mga ibang mayayaman, lalo na sa ibang pulitikong na mismong nakaupo na sa gobyerno natin. Kung sino pa ang mga nasa posisyon at may kapangyarihan, yun pa biniyayaan ng mga malilikot at makakating kamay! Di ko lang alam kung binabawi lang nila ang mga nagastos nilang pera sa eleksyon o sadya talagang galing sa angkan ng mga balat buwayang mga 'to! Patuloy paring nagnanakaw mula sa kaban ng bayan..Bakit kaya ganun? Kung sino pa yung mga mayayaman na, yun pa ang garapalang nagnanakaw? Parang ang labo naman ng mundo habang tumatagal? Nakakawindang!!
Sa mga taong hindi makontento sa buhay na tinatamasa nila, abay tumino-tino naman kayo! Makontento kayo kung anuman meron kayo..Wala akong pakialam kung isinilang na talaga kayong balat BUWAYA pero sana inisip niyo rin na marami sa atin ang naghihirap sa mga pinaggagawa niyo! Na nailuklok kasyo dyan sa mga posisiyon niyo dahil tinawala sa inyo ang mga taong bayan at hindi para gaguhin lang ang sambayanang Pilipino! Kaya rin dumarami ang mga kriminal na mahihirap dito dahil na rin sa inyo eh!!
Hindi niyo ba alam dahil rin sa kasakiman na yan ay naging Satanas si Lucifer? Hindi nakontento si Lucifer sa pagigi niyang angel. Gusto niyang maging makapangyarihan tulad ng Panginoong Diyos, kaya nasan na siya ngayon? Pinarusahan siya ng Diyos at binaba sa langit. At doon na siya nagbebenta ng mga ice water, halo-halo, buko juice at electric fan sa impyerno dahil infairness daw talaga ang init sa ibaba!
Alam niyo lahat ng mga bagay sa atin, maliit man o malaki...mahirap man o madali...,ay kailangan nating ipagmalaki..huwag nating ikahiya. kung yan ang binigay ng Diyos sa atin eh, ipagmalaki natin sa sarili naten..baket ung iba ba kayang gawin ang mga bagay na ginagawa niyo? hindi di ba?.
Wag ring gumawa ng bagay na masama...makontento sa anumang bagay na meron tayo.....yun lang!
Brothers and sisters, kindly all stand and pray..
-nin0ybaltazar09-
phototaken by : ejsabandal
No comments:
0 comments:
Post a Comment