Sa pag-unlad ng tao'y kahirapa'y di hadlang. Kahit anu pa siya sa buhay niyang kinatatayuan, ito'y walang kabuluhan hangga't tao'y may pangarap at ambisyon. Pangarap at ambisyong magbibigay ng magandang bukas at nagbibigay dahilan upang lumaban. Sa mga pagsubok na kinahaharap nila sa kanilang buhay...
Ngunit di mo makakamtan mga pangarap at ambisyong ito kung wala sa isa na nagbibigay sa atin ng lakas na lumaban at aking tinutukoy ang matibay na paniniwala sa Diyos na Maykapal.
Sa buhay ng to'y di maipagkaila na maraming dumarating na problema't unos sa buhay. Wag kang susuko sa mga problemang dumarating sa'yo! Magpakatatag ka sa agos ng buhay! Wag mo ring sisihin ang Panginoong Diyos di naman magbibigay ang Panginoong Diyos na problemang di natin makakayanan, Di ba?
Pinapantay ng ating Diyos na Maykapal ang isang tao at problemang kanyang ibibigay dito kaya kung iniisip mo na mas mabigat ang iyong pinapasan ay dapat ika'y matuwa pa nga!! Sapagkat nakikita ng Diyos na malakas ka sa ibang nilalang!!! Oh ayos di ba? Ngiti naman dyan!
Isipin mo na lang ito'y mga pagsubok na magpapatatag sa ating buhay. Malay mo, sa'yong katatagan, pumapaitaas ka na pala sa tugatog ng tagumpay?! Alalahanin mong walang sino mang tao ang nagtatagumpay
na hinde nagdadaan sa anumang pagsubok sa buhay...
-nin0ybaltazar09-
No comments:
0 comments:
Post a Comment