8/8/08 10:04 PM
Hindi ko talaga mapagtanto sa inaaamag kong isipan na kung bakit sa lahat pa ng bagay sa mundong ibabaw na ibibigay ng isang nanliligaw sa nililigawan (bagay na madalas na ibinibigay) ay ang bulaklak (lalo na ang rosas)?.. Dahil ba sa mabango ito kaya ito ang halos na binibigay ng mga karamihan sa mga manliligaw?
Bakit sa lahat ng ibibigay niyo, bulaklak pa? Ano ang meron sa bulaklak na wala sa ibang bagay? Mas okay pa ang necklace at bracelet, atlis na susuot. Mas okay pa ang tsokolate, hindi nga nagagamit pero nakakain naman. Mas okay pa kung manika o teddy bear. Oo nga ang teddy bear o mga manika nde nga nagagamit at nde rin nakakain, pero nde naman ito nalalanta! Pero ang bulaklak, nagagamit ba ito o pangdekorasyon lang?.E kung malanta na, pang-dekorasyon pa rin ba? Kung sa'yo oo..cge ikaw, gawin mong dekorasyon! susuportahan kita!
Di ko talaga alam kung bakit karamihan sa atin, meron pa rin nagbibigay ng bulaklak sa kanilang nililigawan o minamahal. E sa oras na nalanta yan, diretso rin yan sa basurahan di ba? E bumili ka na lang ng artificial flower para nde malanta! Siguro nga sa iba hinde nila gagawin yun. Kalimitan na lang sa mga babae ang nagtatago pa ng bulaklak kahit lanta na ito. Siguro yun tipong gagawin nilang bookmark sa libro ang isang piraso ng bulaklak na binigay mo.Yung tipo namang gagawin nilang "remembrace" sa taong nagbigay sa kanila nito. O yung tipo namang gagawa naman sila ng atlar, ilalagay nila sa altar nila at doon sila magsasamba! SAAAMBBAA!! SAAAMMBBAA!!!
Naalala ko tuloy yung mga panahong nagbi²gay pa ako sa babae ng roses. Siya pa lang ang unang
babaeng bingyan ko ng ganun! Siya kase ang 1st love ko..uuuyy! whatever..! Sa bawat araw na pumupunta ako sa Baclaran, bumibili ako ng roses para a kanya. Kaya everytime na binibigay ko sa kanya yun, masaya na ang araw ko. Parang nasa heaven ang dating lalo na pag siya ngumiti! Pero nung one time, na nagbigay ako sa kanya, sinabihan na ako ng kaibigan ko na huwag na kong magbibigay pa ng flowers. Nagtaka ako sa kanya kung bakit at hanggang sa nalaman ko sa kaibigan ko kung bakit at kung anong dahilan. Nung una ko siyang tinanong, ayaw niyang sabihin sa akin. Hanggang sa nalaman ko na ang dahilan nung kasama ko nang nagpacounsel ako sa guidance. To make his story short, tinatapon lang ng girl ang bulaklak na binibigay ko sa kanya. Sa isip-isipan ko, siguro nga'y sa tuwing pagkatapos niyang pinaparada niya ito sa campus (siguro'y tatakbo atang muse o magpapa-cute sa mga ungaz niyang manliligaw!) ay doon niya ginagawa yun. Siguro nga rin kaya hindi sinabi sakin ng kaibigan ko 'to dahil ayaw niyang masaktan ako o baka hinde ko siya paniwalaan. Naintindihan ko naman siya. At nung malaman ko nga iyon, talagang nasaktan ako. Tinigil ko na nga ang pagbigay sa kanya ng bulaklak. Ayoko na. Natuto na ako.Gusto kong magalit sa kanya pero mahal ko siya. Ayoko na talaga. Kung gusto ko pang magbigay ng bulaklak sa kanya, hindi na rosas. hindi na daisy. Chrysanthemum! Chrysanthemum ang bibigay ko a kanya! Hayup siya!
Yun mga sumunod na araw, PE namin yun. Tinanong ng kaibigan kong babae sa girl kung ano ang ginagawa niya sa mga flowers na binibigay ko sa girl na yun. Sabi ng babaita naman ay inilalagay niya sa FLOWER VASE! Kinwento sakin ang sinabi. Halos matanggal ang mga balahibo ko sa narinig. Hinde ko alam kung anong pakiramdam ko nun. Buti nasa bus kami nung mga araw na yun at wala sa Canteen. Kundi magkakaroon talaga ng mga pakpak ang kutsara'tinidor at plato dun! Sama na natin ang baso! Grabe! Sinabi niya yun?! Buti wala ako dun nung nag-uusap sila kundi sasabihin ko talaga ay ganito: " Wow! ang sweet mo naman! Pwede bang matanong kung saang FLOWER VASE mo ba pinaglalagay ang bulaklak na binibigay ko sa'yo? Sa Biogradable or sa Non-Biogradable? Ang sweet mo talaga!" Para talagang naasar talaga ako sa sinabi niya. Gusto ko nang ihagis yung kundoktor na nangungulit sakin kung estudyante ba ako o hindi. Para bang gusto kong bumaba ng bus at lakarin na lang mula baclaran hanggang sa amin. Para bang gusto kong sumigaw sa bus ng "SH*T!!" pero hindi ko gawain ang magmura. Hinde ako sanay maglabas mula sa bibig ko ang mga ganitong mura. Napakaplastic niya! Haaay....Sinubukan ko na rin nagpakalayo sa kanya. Dahil alam kong may iba na rin siyang mahal.
Kaya kung ako sa inyo, sa mga manliligaw, imbes na bulaklak ang ibigay niyo, mag-isip na lang kayo nga mga bagay na ma-aappreciate naman ng nililigawan niyo. huwag nang idaan lang sa bulaklak lang. nalalanta ang bulaklak at hindi nagagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan natin. Hinde naman sa pinagbabawalan ko kayong magbigay ng bulaklak. E sino ba naman ako sa inyo? di ba? Okay lang naman siguro kung magbibigay ka ng bulaklak. di naman masamang i-try ang magbigay ng bulaklak lalo na kung 1st time mo pa lang. Pero sana mapaghandaan mo na sa sarili mo bago ka magbigay ng bulaklak, na kahit anong bulaklak man ang iyong ibibigay. Mapa-rosas man yan, Daisy, Chrysanthemum, santan o kahit anu pang bulaklak pa yan. Mapasimpleng bulaklak man yan o bouquet. Malalanta rin yan at diretso rin yan sa basurahan pag nagkataon. Pag-isipan mo muna ang bagay na ito bago ka gumawa ng aksyon dahil baka masaktan ka sa huli....
PS: Ishe-Share q lang seno kung bakit nga ba bulaklak ang karaniwang binibigay ng isang manliligaw sa nililigawan...Bakit nga ba? Ay0n sa nalaman ko, matap0s kong suysuyin ang kailailaliman at kaibutu-ibuturan sa katanungangan ito, aking napag-alaman na kaya pala Bulaklak yun ay dahil sa ito'y nalalanta....Ha? So? E ano naman kung nalalanata 'to?
Ang bulakLak pala ay maitutulad sa isang panliligaw..Ang panliligaw ay hindi pangmatagalan...may hangganan din ang isang lalake sa panliligaw sa isang babae...Kaya dapat kayung mga babae, di dapat niyong patagalin ng mga 3 taon pataas dahil walang magtatagal na manliligaw sa inyo kung ganyan ka'yo...yun lang.
-nin0ybaltazar09-
No comments:
0 comments:
Post a Comment