Showing posts with label juan dela cruz. Show all posts
Showing posts with label juan dela cruz. Show all posts

USAPANG VIRGINITY!

10/15/13 12:55 AM



RATED SPG:

Bawal sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan. Maaaring may maseselang tema, lengwahe, sekswal, horror at droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Pero kung makulit ka, anu pang magagawa ko e binabasa mo na? Pilipino nga naman! :))


* * *

Alam kong maselan ang usapin nating 'to. Pero dahil sa may mga nagrerequest ng ganitong topic. Aba'y sige patulan na natin at ating pag-usapan. :)

Ano nga ba ang virginity? Mahalaga pa rin ba sa isang relasyon  ang pagiging birhen ng isang babae o lalaki? Meron pa kayang magkakasintahan na virgin pa? Ikaw, virgin ka pa ba?

Ayon sa diksyunaryong pinauso ko lang, ang virginity ay isang estado na kung saan ang isang tao ay hindi pa nakakaranas o wala pang karanasan pag dating sekswal na pagtatalik.Sa madali't salita kapag hindi pa napapasukan ng kahit sinong junior (na mapa-german frank pa yan, hotdog, sausage or skinless longganisa!)  ang kepyas ng isang babae, virgin ka pa. At vice versa rin sa kalalakihan. Ito rin ay sumisimbolo sa purity o kalinisan ng isang babae o lalaki.

Sabi nga nila, Virginity is the best 'wedding GIFT' a man could receive from his wife as his lifetime partner. Pero sa panahon ngayon na binabasura na ng karamihan ang pagiging konserbatibo at nagiging mapupusok na at mas makati pa sa mga higad ang mga kabataan, ginagawa na lang Birthday Gift aka 'birthday sex,' Monthsary Gift, Anniversary Gift, Christmas Gift, Valentines Gift, at kung minsan pa nga kahit walang okasyon basta TRIP TRIP lang (lalo na kung malamig lamig ang panahon)! Sweldo na pala ngayon. Meron rin kayang 'kinsenas' gift or 'end-of-the-month' gift sa mga mag-irog? hmmm..

Sa panahon ngayon, masasabi mo pa ba talaga na importante sa isang relasyon ang virginity? kung meron man malamang sa alamang, nasa isang hintuturo na lang ng daliri ang kanilang bilang. Ibang-iba na kasi ang mga kabataan noon sa ngayon. Kung dati kapag mag-aakyat ng ligaw si lalaki sa babae, dadaaanin niya ito sa harana, papadalhan ng mga flowers, tsokolate, love letters at tula, tapos pagsasalukan ng baldeng tubig at magsisibak ng mga kahoy para bumilib sina erpat at ermat. Ngayon, iba na. Iba na ngayon sa panahon ng teknolohiya. USAP-KITA-DEAL na ang tema. Hindi na uso ang pagsisibak ng kahoy. Dalaga na ang sinisibak! Ang matindi na kapag nabuntis, Hit-n-Run ang labas! Kahit ano man ang tanggi natin o pagkukubli sa lipunang ating ginagalawan, hindi natin maitatago na talamak na ang pre-marital sex sa lipunan. Para bang normal na lang ang mga ganitong sitwasyon sa mga magkasintahan na nagmamahalan. Kasing normal ng paglalantad sa pagiging tibo ni Charice Pempengco.

Ayon sa pag-aaral noong 2011, mahigit kumulang sa 70% na raw na nasa 13-20 taong gulang na mga kabataang pinoy ay nakaranas na ng premarital sex. Nasa higit kumulang 8% naman ang mga kabataang  nasa relasyon din pero kasalungat sa nauna. Sa madali't sabi, sila ang mga Crisostomo't Maria Clara na di pa rin nila pinupunit ang sedula ng kanilang pagkakonserbatibo at pinaiingatan hanggang sa sila'y ikasal. At meron ring hindi na virgin si bf/gf, pero pinaiingat-ingatan pa rin niya ang pagkabirhen ng kanyang kabiyak. Saludo ako sa mga ganitong kabataan. Habang ang natitirang porsyento naman ay binubuo ng mga single, mga nagdesisyong pumasok sa kumbento, mga NGSB/NBSB at mga forever alone na mga kabataan. Kabilang na dito ang mga kabataang nagtitiyaga na lang aliwin ang sarili sa ibang larangan at sa mga nakikipagromansa pa rin sa 'Mariang Palad' na mga kalalakihan. Mas liberal na talaga ang pananaw ng mga kabataan ngayon ayon sa sex. Sabi nga nila, kung ang partner mo ay 12 taong gulang pa lang, 85% virgin pa yan. kung 13 taon gulang pataas, naglalaro sa 84-25% ang tema. Kapag sumapit na ng 16 gulang pataas , 25% at pababa nang pababa ang chance na virgin pa sya. Kung ikaw ay isang nilalang na naghahanap ng 100% virgin, pwede kang pumili ng dalawang option:
(1) Humanap ka na lang sa kumbento
(2) Kung ayaw mong maging pedophilia, hindi na kailangan malaman pa!
At sa lahat ng nasabi kong pag-aaral, lahat ng yan pauso ko lang.

Sabi nila isa raw sa palatandaan na isang virgin ang isang babae ay ang mismong hymen nila. Ito raw ay isang manipis na membrane na pumapaligid o partially na tumatakip sa pambungad na kepyas ng babae. Kung nakita mo ito sa girl, jackpot ka! Pwede ka nang magpaburger (at samahan mo na lang din ng fries) dyan dahil virgin pa si girl! Kahit naman sino ay matutuwa dahil maliban sa pagkakaroon ng anak sa labas ay wala nang mas sasaya pa sa mga good news na mababalitaan mo kapag malaman mo na ang minamahal mo ay virgin pa! Pero huwag kang ma-disaapoint naman kung walang ganun si girl. Dahil malay mo pinagtataguan ka lang? O di kaya naman pinagbakasyon lang yun ni girl sa San Francisco! O hindi mo lang talaga alam ang itsura ng hymen? Hindi. Biro lang. Hindi porket walang hymen ang minamahal mo ay ibig sabihin hindi na siya virgin? Hindi. Marami rin kasing mga strenuous activities that can destroy the hymen like biking, ballet, motorcycling, horseback riding, o siya yung binaback-riding, hindi ba? Pwede ring dancer siya at mahilig-hilig magsplit-split nang buong maghapon ang lola mo? O di kaya sumasali siya sa mga peryahan or talentado contest na kayang magbukas ng tansan gamit ang kepyas niya! Huwag ka agad maghusga. Tanong tanong ka rin kasi 'pag may time! So the best way to know if your GF/BF is still a virgin is to ASK him/her (pero syempre handa rin ang mukha mo sa posibleng magkabilaang sampal o bigwas na sasagot sa tanong mo!).

Aminin man natin o hindi, may mga kalalakihan talagang sobrang disappointed o frustrated kapag nalamang may mas nauna nang buminyag sa kepyas ni girl. Parang pinagbagsakan ng Colt45 ang mukha nang malaman na hindi na pala virgin ang babaeng pinapangarap niyang pakasalan. Parang yung feeling na 'nasingitan kang makapasok sa elevator at iniwan kang nakatayo habang hinihintay ang pagbalik nito mula 30th floor? Yung feeling na tatlong hakbang ka na nga lang sa finish line nang biglang nagcramps ang mga paa mo kung kaya naman naunahan ka ng mga ungas na nasa likuran mo? Disappointed dahil may mas nauna pa sa'yo. Frustrated dahil hindi na birhen ang babaeng pinapangarap mong makasama panghabangbuhay. Di rin natin masisisi ang ganoong kaisipan ng mga kalalakihan, lalo na kung siya ay virgin din palang. Pero ano nga ba ang mawawala sa pagkalalaki mo kung hindi na virgin ang isang minamahal mo? Kung mahal mo talaga ang isang tao dapat tanggap mo ang lahat lahat sa kanya, di ba? Ultimong sa pagiging maarte niya, na mala AK-47 ang bibig niya kung magtatalak, mahaba ang baba niya, mukhang o hindi nag-aahit ng kilikili ay dapat tanggap mo pa rin siya. Kung ang amoy ammonia niyang hininga natanggap mo, e yun pa kayang wasak niyang hymen di mo pa matanggap-tanggap? Wala namang masama sa ganyan. Kung mahal ka talaga niya, lilipas din yan at matutunan niya rin niyang tanggapin yan kung gugustuhin niya. Wala na rin naman siya magagawa e, kundi tanggapin ang katotohanang di ka virgin. Saka pano na lang rin kung after niyong ikasal malaman mong di na pala siya virgin? Mailuluwa mo pa ba ang mainit na kaning naisubo mo na?

Di ko rin lubos maisip sa mga lalaking naman na hindi makuntento sa isang babae at nakukuha pang tumuhog ng iba't-ibang babae. Mga inaanak siguro ng Haring Solomon wala na yatang iba pa sinumpaang tungkulin ang mga yan kundi 'tumuhog at magparami!'  Labas na dito ang mga Muslim at syempre hindi sa mga nagpapaka-Muslim? May kota ba kayong hinahabol? May trophy ba o medalyang isasakal sa inyo kapag nakatuhog ka ng 5 hanggang pataas na birheng kababaihan at maipagmamalaki mo sa kapwa kalalakihan? Kung iniisip niyong sikat ka na sa ginawa mo sa ibang kalalakihan, ang dapat sa'yo hampasin ng tropeyong hugis ng 'ARI NG LALAKI" (ANL) hanggang sa matauhan. Ang dapat sa inyo pinuputulan ng kinabukasan! Wala kayong karapatang magsabi ng 'sorry, tao lang..." hindi dahil sa gasgas ang linyang 'to. Binigyan tayo ng Diyos ng pag-iisip para malaman kung anong tama't mali at hindi para mag-asal hayop tayo!

Naalala ko tuloy nung mga nakaraang buwan habang nakikinig ako sa radyo, naabutan ko ang isang caller na tumawag sa DJ sa isang programa na madalas kong sinusubaybayan gabi-gabi. Nagpakilala ito at kinwento niya ang nangyari sa kanilang ng bf niya. May nangyari sa kanila ng bf niya. Pero sobrang broken hearted yung girl dahil matapos na may nangyari sa kanila ay nakikipagbreak na sa kanya ang guy. Habang nagkuwekwento siya, na sa di ko malaman laman kung naiputan ba ng kamalasan (singlaki siguro ng hollow-block ang ipot), ay sakto pang nakikinig din ng radyo (at sa mismong programa ding yun) ang ermat niya! Anak ng Wild Confession nga naman! Binaba kagad ng girl ang telepono habang binubungangaan siya ng ermat niya! Ayun matapos binaba ay sinundan ng tawanan. Masakit. Makirot. Mahapdi. Pero walang mas sasakit pa kapag nalaman pa lalo ng magulang mo ang bagay na di dapat malaman!

Sa mga babaeng hanggang ngayon iiniyakan ang virginity nila dahil naibigay nila sa maling tao. Tahan na. Itigil mo na yan, Kahit ano namang iyak mo, hinding-hindi na maibabalik ang virginity mo. Kahit anong hinanakit mo, hindi na mabubuo ang wasak na hymen. Tapos na at nangyari na ang lahat. Lahat ng mapapait na alaala, ibaon mo na sa limot. Pero kung dinadamdam mo pa rin yung sakit na iniwan sa'yo, pwede mo rin naman siyang balikan...tapos ibaon mo na rin sa lupa para wala ka nang problema! Move on, move on din pag may time. Di pa tapos ang kabanata ng buhay mo at lalo na sa pag-ibig. Ipagpaubaya mo na lang sa itaas ang mga taong nanloko sa'yo. Kakarmahin din mga yan! Tamaan sana mga yan ng kidlat at ibigti ang kanilang junior sa puno ng kamatisan! Darating din ang tamang lalaki para sa'yo at tatanggapin ka. Hindi importante kung kanino ka nauna. Ang mas importante ay kung sino ang magiging huli mo at makakasama mo panghabangbuhay. Sa mga babaeng still virgin dyan out there, kung ayaw mong magasgasan ang dangal at pagkatao mo, pakaingatan mo.

Kung tunay kang lalaki at mahal mo talaga ang babae nandyan sa tabi mo, maging virgin man ito o hindi na, papakita mo pa rin na kahit na marami siyang pagkukulang at mga peklat ng nakaraan na nakikita mo sa  babaeng mahal mo ay nandyan ka pa rin para kumpletuhin ang mga pagkukulang na iyon para maging kumpleto't maganda siya sa paningin mo at sa paligid niya. Women should be treated nicely at lalo na ang kanilang virginity ay dapat pinaiingat-ingatan at hindi gagawing sex objects ng mga kalalakihan.  They should deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Kung may toyo man sila, unawain mo na lang para di na humaba pa ang gulo. Lilipas din yan. Sabi nga nila, pasayin mo sila at gawin mo ang lahat lahat iyong makakaya para maging 'scar-free' ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi kailanman pwedeng maging sukatan sa pagmamahalan ang virginity. Dahil ang virginity ng taong mahal mo pinagkaingatan mo man yan ng matagal ay darating din ang araw mawawasak at mawawala yan. Pero ang totoong pag-ibig na pinagkaingatan mo nang matagal ay tumatagal, sumasaya at sumasarap at panghabang-buhay yan..

Ikaw, kung papipiliin ka. What is the greatest gift of a woman can give a to man? Is it her virginity or her heart?  Whatever u choose, don't take it for granted! ;)



-nin0ybaltazar09-


Posted by
nin0ybaltazar09

More

Tamad ba talaga si Juan?

8/28/12 6:57 PM



Minsan sinubukan kong tanungin si Juan dela Cruz kung tamad ba talaga ang mga Pilipino at kung siya rin ba ang 'Juan Tamad' na sumisimbolo sa katamaran ng isang pinoy. Subalit nabigo ako. Abala ito ngayon sa pag-pla'planking' sa ilalim ng bayabasan. Naks! Sumusunod din pala si Juan sa uso ngayon! Kung ano man ang pinaglalaban niya, suportado ko siya. Pero sa harap parin ng bayabasan? Kahit anong sigaw niya diyan, di pa rin siya pakikinggan, papansinin ng puno ng bayabas at kakaawaan. Gaya ng gobyerno at sa nag-iisang rallyistang nagsisigaw sa ilalim ng tirik na araw.Hmm..kanya-kanyang trip lang yan! at baka mabato pa ko ng bunga ng bayabas kapag nagkataon.

Kung kayo ang tatanungin, tamad ba talaga tayong Pilipino? 

Noong panahon pa raw ng Kastila ay batid na raw ang katamaran ng mga Pilipino. Kung ano naman ang mga kadahilanang pinauso't inobserba ng mga prayle sa atin, yun ay di ko alam! (Huwag niyo na kong kulitin, di ako isang Historian!) Kaya naman daw marami sa mga kababayan natin noon ay bumagsak sa kanilang estado ng pamumuhay. Ngunit ito'y iginiit ing ating Pambansang bayaning si Jose Rizal. Isa sa mga kanyang tanyag na sanaysay na naisulat, ang Sobre la indolencia delos Filipinos, pinaglaban niya ang panig ng mga Pilipino. Noon bago pa man dumating ang mga Kastila ay makikitaan mo na ng kasipagan ang mga Pilipino sa larangan ng agrikultura at kalakalan. Di pa uso ang 'siesta' - na sinasabing isa sa mga senyales ng katamaran - dahil mga oras na yan ay busy pa ang mga parekoy nating Igorot sa pagka-'caƱao', mga negritong nakikipagwrestlingan sa mga kakatayin nilang baboy ramo para may kakainin sa hapunan, mga lumad na nagtatanim at nag-aani ng mga palay habang ang mga datu busy-busy-han sa pagtwi-twitter...At pano mo rin masasabing grupo ng mga tamad ang gumawa ng pinagmamalaking magandang tanawin ng Banaue ang Rice Terraces?  

Noon pa man, nakikita nang ginagago na tayo ng mga prayle. At dahil na rin sa pag-aabuso, diskriminasyon ng gobyerno at kurapsyon at maling doktrinang tinuturo sa ating ng mga prayleng Espanyol, bumaba ang kaugalian ng Pilipino at napalitan ng kulturang baluktot at kaya naman naging isang dahilan kung bakit naging tamad rin ang isang Pilipino.

Hmmm..kaya pala..Eh kumusta naman NGAYON ang mga Pilipino? TAMAD pa rin ba?

Sa ngayon lalo na sa mga mahihirap, mas umaasa ang mga Pinoy ngayon sa swerte o bwenas kung tawagin.  Kahit na ang 'maneki-neko'  (money cat or lucky cat kung tawagin) ay gagawing diyos - ilalagay nila sa kanilang altar at sasambahin - maambunan lang sila ng swerte. Ang iba sa gobyerno parin umaasa ng kanilang pag-unlad. Ang iba umaasa naman sa LOTTO dahil sino bang hindi gustong manalo ng jackpot na limak limpak na milyon ang panalo kung sakali mang seswertihin? Ang iba pumupusta sa sugal, kapag panalo may pang-toma! Ang iba nagbabakasali naman sa pagpila sa WOWOWEE o sa EAT BULAGA ng swerte nila. Big Deal na rin sa iba na kapag na'televised' ka, daig pang nanalo ng '1 Million' kapag napanood ka ng pamilya mo, kamag-anakan mo o mga kapitbahayan mo:

"PUTCHA!! KUMARE KO YAN! MABABAYARAN NIYA NA UTANG NIYA SAKIN!"

pwede ka rin ditong umiyak o magdrama. Magkwento ng nagkasakit ang kapitbahay mo kahit wala ka namang koneksyon sa kanya, walang awang pinaslang ang tuta mo at ginawang pulutan ng mga lasenggero sa kanto, namatayan ka ng lolong suicide bomber pala sa Mindanao o di kaya naman namatayan ka ng kuko sa hintuturo. Kailangan mas matindi ang pagdedeliver ng drama mo tipong humahagulgol at tulo uhog dahil malay mo di lang pala pera matanggap mo dito, pwede ka palang mapasama sa mga noon-time dramas ng sinalihan mong estasyon! Teka, napalayo-layo na tayo! 

Ganyan ang buhay ngayon ng mahihirap nating kababayan. Pagkatapos ng kanilang buong araw, then 'tomorrow is another new day to start' na naman! Panibagong araw, panibagong na namang raket o dating gawi parin para makaraos sa kanilang gutom at kahirapan..Cycle lang. 

Mayroon rin namang pinalad rin na magkatrabaho. Na kahit di man nila gusto e kapit sa patalim.Sa hirap ng buhay e, choosy ka pa? Pero di mo na rin masisisi ang iba dahil sa hirap ng kanilang trabaho ay kakarampot lang ang sweldo nila, kulang pa sa gastusin sa kanilang pamilya. Di pa siguro kung mapepermanente dahil sa kontraktuwalisasyon na wlang kasiguraduhan na baka bukas, Byebye ka na sa kumpanyang pinapasukan mo. Kahit sino ay tatamarin kung ganito lang estado, wala na ngang motivation, wala pang kasiguraduhan ang trabaho. Masipag naman tayo kaso wala lang talagang equal opportunities kaya di natin masisisi ang iba kung bakit sinumpong ng katamaran.

So tamad na talaga ang Pilipino sa panahon ngayon?

Masisipag naman ang Pinoy eh?! E paano mo naman masasabi na tamad talaga ang mga Pinoy kung MASISIPAG naman tayo sa paggawa ng bata?! Ang sisipag din nating matulog at humilata sa kama sa buong araw para di raw masayang ang kanilang stored energy? May mga estudyante tayong ang sisipag din kumopya ng homeworks, mag-copy-paste na dinadalangin ko na hindi sana kokopya ang iba niyang classmates dun sa internet site na kinuhanan niya?! May mga masisipag din naman tayong mandurukot na idol ata si 'the flash' at nagmana kay palos kung dumekwat ng cellphone, alahas o anu mang mamahaling gamit at sa pagharurot nang takbo ay pwede na nating gawing pambato sa track & field olympic games! May masisipag rin naman tayong pulis/ MMDA na mangotong sa mga drayber na kanilang huhulihin sa bawat araw na sila'y nag-aabang sa gilid ng kalsada? Ang sisipag rin naman ng mga pulitiko natin sa pagmimina sa ating kaban ng bayan at kaya ilan naman sa mga buwayang 'to ay biglaang yumayaman matapos maluklok sa gobyerno? So, paano mo masasabing tamad talaga ang mga Pilipino?

Ang problema kasi sa atin di natin ginagamit ang kasipagan natin sa kabutihan at ayon sa ganda.

Sa mga pareng mahihirap, huwag nating sanayin rin ang sarili natin sa mga panadaliang tagumpay pero habangbuhay namang kabiguan.Isipin mong UMAHON hindi MAKARAOS lang sa araw-araw na pamumuhay. Hindi mo na kailangan magset ng reminder ng araw, oras at panahon kung kelan ka magsisimula ng pagbabago. Simulan mo na ngayon. Ikaw ang gumagawa at nagpapatakbo sa buhay mo hindi ang tadhana at swerte. Nasa sayo ang ikauunlad ng iyong sarili at disiplina lang ang kailangan.

Sa mga estudyante, mahalin niyo ang edukasyon na binigay sa inyo dahil yan ang susi sa kinabukasan niyo. Huwag mong sayangin.Hindi kayo pinapapasok ng magulang niyo para ilustay lang sa mga computer games, bilyaran, o kung ano mang sh*t ang pinaglilibangan nyo ngayon. Hindi rin kayo pinapag-aral sa paaralan para makipaglandian sa napupusuan o kaharutan mo lang sa buhay estudyante mo. Hindi ka naman pinasali o pinatraining  ng mga magulang mo sa PBB TEEN HOUSE para ka maging ganyan sa eskwelahan. Kung kinakati, ako na lang kakamot sa inyo (biro lang!).

Sa mga pulitikong buwaya naman : CHE!

Di maganda ang magsipag na humilata sa kama sa halip humanap ng paraang ikaunlad nang di tayo mapag-iwanan ng iba. Wag mong karerin ang katamaran. Ikaw rin, kuntento ka na ba sa buhay mong nakatungalngal na lang sa ilalim ng puno ng bayabas? Ikaw naniniwala ka bang hindi talaga tamad ang mga Pilipino at may pag-asa pang umahon tayo sa kahirapan dito sa lupang ating tinatapakan?

Tara planking na lang tayo at damayan na lang natin si Juan sa kanyang pakikibaka!

-nin0ybaltazar09 :)

Posted by
nin0ybaltazar09

More

My first doodle : Pilipinas Kong Mahal :)

8/22/12 1:51 AM


     





I hope you guys will see in this artwork why 'it's more fun in the Philippines'! hehe!


PILIPINAS KONG MAHAL Copyright 2011 by Ninoy Baltazar.

I LOVE PHILIPPINES DOODLE


PS: Mariing pinagbabawal po ng author ang pagkuha ng kanyang dibuho nang walang permiso sa kanya.

"ANG KUMOPYA , MAY TAE SA PWET."

SALAMAT. :)

Posted by
nin0ybaltazar09

More





Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger