8/28/12 6:57 PM
Kung kayo ang tatanungin, tamad ba talaga tayong Pilipino?
Noong panahon pa raw ng Kastila ay batid na raw ang katamaran ng mga Pilipino. Kung ano naman ang mga kadahilanang pinauso't inobserba ng mga prayle sa atin, yun ay di ko alam! (Huwag niyo na kong kulitin, di ako isang Historian!) Kaya naman daw marami sa mga kababayan natin noon ay bumagsak sa kanilang estado ng pamumuhay. Ngunit ito'y iginiit ing ating Pambansang bayaning si Jose Rizal. Isa sa mga kanyang tanyag na sanaysay na naisulat, ang Sobre la indolencia delos Filipinos, pinaglaban niya ang panig ng mga Pilipino. Noon bago pa man dumating ang mga Kastila ay makikitaan mo na ng kasipagan ang mga Pilipino sa larangan ng agrikultura at kalakalan. Di pa uso ang 'siesta' - na sinasabing isa sa mga senyales ng katamaran - dahil mga oras na yan ay busy pa ang mga parekoy nating Igorot sa pagka-'cañao', mga negritong nakikipagwrestlingan sa mga kakatayin nilang baboy ramo para may kakainin sa hapunan, mga lumad na nagtatanim at nag-aani ng mga palay habang ang mga datu busy-busy-han sa pagtwi-twitter...At pano mo rin masasabing grupo ng mga tamad ang gumawa ng pinagmamalaking magandang tanawin ng Banaue ang Rice Terraces?
Noon pa man, nakikita nang ginagago na tayo ng mga prayle. At dahil na rin sa pag-aabuso, diskriminasyon ng gobyerno at kurapsyon at maling doktrinang tinuturo sa ating ng mga prayleng Espanyol, bumaba ang kaugalian ng Pilipino at napalitan ng kulturang baluktot at kaya naman naging isang dahilan kung bakit naging tamad rin ang isang Pilipino.
Hmmm..kaya pala..Eh kumusta naman NGAYON ang mga Pilipino? TAMAD pa rin ba?
Sa ngayon lalo na sa mga mahihirap, mas umaasa ang mga Pinoy ngayon sa swerte o bwenas kung tawagin. Kahit na ang 'maneki-neko' (money cat or lucky cat kung tawagin) ay gagawing diyos - ilalagay nila sa kanilang altar at sasambahin - maambunan lang sila ng swerte. Ang iba sa gobyerno parin umaasa ng kanilang pag-unlad. Ang iba umaasa naman sa LOTTO dahil sino bang hindi gustong manalo ng jackpot na limak limpak na milyon ang panalo kung sakali mang seswertihin? Ang iba pumupusta sa sugal, kapag panalo may pang-toma! Ang iba nagbabakasali naman sa pagpila sa WOWOWEE o sa EAT BULAGA ng swerte nila. Big Deal na rin sa iba na kapag na'televised' ka, daig pang nanalo ng '1 Million' kapag napanood ka ng pamilya mo, kamag-anakan mo o mga kapitbahayan mo:
"PUTCHA!! KUMARE KO YAN! MABABAYARAN NIYA NA UTANG NIYA SAKIN!"
pwede ka rin ditong umiyak o magdrama. Magkwento ng nagkasakit ang kapitbahay mo kahit wala ka namang koneksyon sa kanya, walang awang pinaslang ang tuta mo at ginawang pulutan ng mga lasenggero sa kanto, namatayan ka ng lolong suicide bomber pala sa Mindanao o di kaya naman namatayan ka ng kuko sa hintuturo. Kailangan mas matindi ang pagdedeliver ng drama mo tipong humahagulgol at tulo uhog dahil malay mo di lang pala pera matanggap mo dito, pwede ka palang mapasama sa mga noon-time dramas ng sinalihan mong estasyon! Teka, napalayo-layo na tayo!
Ganyan ang buhay ngayon ng mahihirap nating kababayan. Pagkatapos ng kanilang buong araw, then 'tomorrow is another new day to start' na naman! Panibagong araw, panibagong na namang raket o dating gawi parin para makaraos sa kanilang gutom at kahirapan..Cycle lang.
Mayroon rin namang pinalad rin na magkatrabaho. Na kahit di man nila gusto e kapit sa patalim.Sa hirap ng buhay e, choosy ka pa? Pero di mo na rin masisisi ang iba dahil sa hirap ng kanilang trabaho ay kakarampot lang ang sweldo nila, kulang pa sa gastusin sa kanilang pamilya. Di pa siguro kung mapepermanente dahil sa kontraktuwalisasyon na wlang kasiguraduhan na baka bukas, Byebye ka na sa kumpanyang pinapasukan mo. Kahit sino ay tatamarin kung ganito lang estado, wala na ngang motivation, wala pang kasiguraduhan ang trabaho. Masipag naman tayo kaso wala lang talagang equal opportunities kaya di natin masisisi ang iba kung bakit sinumpong ng katamaran.
So tamad na talaga ang Pilipino sa panahon ngayon?
Masisipag naman ang Pinoy eh?! E paano mo naman masasabi na tamad talaga ang mga Pinoy kung MASISIPAG naman tayo sa paggawa ng bata?! Ang sisipag din nating matulog at humilata sa kama sa buong araw para di raw masayang ang kanilang stored energy? May mga estudyante tayong ang sisipag din kumopya ng homeworks, mag-copy-paste na dinadalangin ko na hindi sana kokopya ang iba niyang classmates dun sa internet site na kinuhanan niya?! May mga masisipag din naman tayong mandurukot na idol ata si 'the flash' at nagmana kay palos kung dumekwat ng cellphone, alahas o anu mang mamahaling gamit at sa pagharurot nang takbo ay pwede na nating gawing pambato sa track & field olympic games! May masisipag rin naman tayong pulis/ MMDA na mangotong sa mga drayber na kanilang huhulihin sa bawat araw na sila'y nag-aabang sa gilid ng kalsada? Ang sisipag rin naman ng mga pulitiko natin sa pagmimina sa ating kaban ng bayan at kaya ilan naman sa mga buwayang 'to ay biglaang yumayaman matapos maluklok sa gobyerno? So, paano mo masasabing tamad talaga ang mga Pilipino?
Ang problema kasi sa atin di natin ginagamit ang kasipagan natin sa kabutihan at ayon sa ganda.
Sa mga pareng mahihirap, huwag nating sanayin rin ang sarili natin sa mga panadaliang tagumpay pero habangbuhay namang kabiguan.Isipin mong UMAHON hindi MAKARAOS lang sa araw-araw na pamumuhay. Hindi mo na kailangan magset ng reminder ng araw, oras at panahon kung kelan ka magsisimula ng pagbabago. Simulan mo na ngayon. Ikaw ang gumagawa at nagpapatakbo sa buhay mo hindi ang tadhana at swerte. Nasa sayo ang ikauunlad ng iyong sarili at disiplina lang ang kailangan.
Sa mga estudyante, mahalin niyo ang edukasyon na binigay sa inyo dahil yan ang susi sa kinabukasan niyo. Huwag mong sayangin.Hindi kayo pinapapasok ng magulang niyo para ilustay lang sa mga computer games, bilyaran, o kung ano mang sh*t ang pinaglilibangan nyo ngayon. Hindi rin kayo pinapag-aral sa paaralan para makipaglandian sa napupusuan o kaharutan mo lang sa buhay estudyante mo. Hindi ka naman pinasali o pinatraining ng mga magulang mo sa PBB TEEN HOUSE para ka maging ganyan sa eskwelahan. Kung kinakati, ako na lang kakamot sa inyo (biro lang!).
Sa mga pulitikong buwaya naman : CHE!
Di maganda ang magsipag na humilata sa kama sa halip humanap ng paraang ikaunlad nang di tayo mapag-iwanan ng iba. Wag mong karerin ang katamaran. Ikaw rin, kuntento ka na ba sa buhay mong nakatungalngal na lang sa ilalim ng puno ng bayabas? Ikaw naniniwala ka bang hindi talaga tamad ang mga Pilipino at may pag-asa pang umahon tayo sa kahirapan dito sa lupang ating tinatapakan?
Tara planking na lang tayo at damayan na lang natin si Juan sa kanyang pakikibaka!
-nin0ybaltazar09 :)
Sa mga estudyante, mahalin niyo ang edukasyon na binigay sa inyo dahil yan ang susi sa kinabukasan niyo. Huwag mong sayangin.Hindi kayo pinapapasok ng magulang niyo para ilustay lang sa mga computer games, bilyaran, o kung ano mang sh*t ang pinaglilibangan nyo ngayon. Hindi rin kayo pinapag-aral sa paaralan para makipaglandian sa napupusuan o kaharutan mo lang sa buhay estudyante mo. Hindi ka naman pinasali o pinatraining ng mga magulang mo sa PBB TEEN HOUSE para ka maging ganyan sa eskwelahan. Kung kinakati, ako na lang kakamot sa inyo (biro lang!).
Sa mga pulitikong buwaya naman : CHE!
Di maganda ang magsipag na humilata sa kama sa halip humanap ng paraang ikaunlad nang di tayo mapag-iwanan ng iba. Wag mong karerin ang katamaran. Ikaw rin, kuntento ka na ba sa buhay mong nakatungalngal na lang sa ilalim ng puno ng bayabas? Ikaw naniniwala ka bang hindi talaga tamad ang mga Pilipino at may pag-asa pang umahon tayo sa kahirapan dito sa lupang ating tinatapakan?
Tara planking na lang tayo at damayan na lang natin si Juan sa kanyang pakikibaka!
-nin0ybaltazar09 :)
walang masama sa pagiging tamad, wag mo lang aaraw-arawin. :)
ReplyDeleteei i'm jennifer marquez, a high school teacher teaching Filipino, may i use this article for my class? please?
ReplyDeletesure. no problem. I'm glad you choose this article to use it for your class.
ReplyDeleteHave a nice day :)
pwede ko po bang gamitin to na primary reference sa paper ko??
ReplyDeletesure. no problem. basta wag lang ipa-plagiarize or i-sotto copy, ok? thanks!
ReplyDeletepa share idol...
ReplyDeleteSure idol! Spread the article hehe! Salamat :)
ReplyDelete