"JESUS LOVES ME. THIS I KNOW"

drawing created :2/27/09 4:51 AM



Tingnan niyo ang larawan. Maganda ba? Kung pangit, i-comment niyo na lang sa ibaba kung ano sa tagalog ng 'dinosaur', 'escalator', 'elevator', 'xylophone', 'x-Ray' at 'CT Scan' para malaman kong convincing ngang pangit nga drawing ko. Hindi biro lang. Nasa sa inyo yun kung hahangaan niyo yan o hindi, kung magugustuhan niyo ba ang gawa ko o sadya talagang magandang pangtapal sa butas na bubong o di kaya nama'y pang-display sa loob ng banyo, katabi ng basurahan. Pero kung titingnan niyo ang larawang 'to, di sa pagbabasehan sa ganda o istilo ng guhit, nailalarawan niyo ba kung anu itong naiguhit ko?

Isang tinedyer na nakaupo sa isang matibay na sanga. Isang sanga na kung saan nakaukit ang mensaheng "Jesus Loves Me. This I Know".. Isang tinedyer na nilalaro ang isang munting paru-paro na nakadapo sa kanyang daliri habang may ibon sa kanya na nakadapo sa kanyang balikat. Simple lang. Walang kulay pero may dating....

Gaya ng ginuhit ko. Ito ang ako. Nakikita ko lang dito kung sino ako. Kung ano ang nasa loob ko. Kung ano ba ang tunay na ako. Simple lang akong tao. Wala akong hangad sa buhay kundi mabuhay sa isang mundo na kung saan tahimik, kung saan nandun ang saya..walang away. walang gulo. Isang tao na may malakas na pananampalataya sa Diyos. Nature Lover akong tao. Di ko hangad ang mundong puro teknolohiya. kung saan nandun ang maraming makakbagong gadgets. Pero kung bibigyan niyo ko ok lang. ok na sakin ang Bugatti Veyron. Isa rin akong taong hilig maglakbay. Gusto kong lumayo mag-isa. hindi naman sa gusto kong lumayo sa king mga minamahal. gusto ko lang magpakalayo dahil gusto ko lang maramdaman ang kalayaan. gusto ko magpakalayo sa isang lugar na walang nakakakilala sakin. di ko alam kung pano ko naisipan ang ganito nun nung mga bata bata pa ko. Siguro napaimpluwensyahan lang ako noon sa mga napapanuod kong mga anime at napapalala lang dahil habang sa bawat taong pagtanda, gusto mong mag-isa. Di naman sa di mo na makayanan, masikmuraan ang pagsesermon, papagalitan, pagiging 'PALamunin sa 'yong pamilya o pagmumura sa'yo ng 'yong magulang.  Siguro umay ka na rin sa buhay mo na kinagigisnan sa ngayon, parang ritwal na lang sa araw-araw mong ginagawa...paulit-ulit.

Gusto ko maglakbay at manirahan sa isang lugar na tahimik. Lugar na mapayapa. Na sa umaga, makikita mo kagad ang pagsikat ng bukang liwayway. nakakarinig na mga nagkakantahang mga ibon. Dinadamdam ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi saking mukha. isang paraiso. parang nakikita mo lang sa sine. isang bagong mundo na magbibigay sakin ng bagong buhay. kapayapaan...




Dami-dami kong sinabi.Walang naman talagang meaning 'to. Echos lang ko 'to.



-nin0ybaltazar09

No comments:

0 comments:

Post a Comment






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger