PRAYER SESSION KAY SAN MIGUEL

Unang Pabati: Isang pasasalamat sa grupong UNGAZpress, kung di dahil sa kanila, di ko magagawa ang kauna-unahan kong  transgressive fiction. Maraming Salamat.


BABALA : RATED SPG


- - - - - - - - - - - - - - - -

11/23/12 6:15PM
PRAYER SESSION WITH SAN MIGUEL
Ninoy Baltazar

Alas-nuebe y medya na ng gabi. Lahat kami ay halos namimikit mikit na ang mga mata dala ng pagkakababad namin sa alak simula pa nung alas-kwatro y medya ng hapon. Ganito kami magprayer session kay San Miguel. Nagsimula sa dalawang tore ng wengweng ng hapon tapos sinundan pa ng mga muchong bote ng Pulang Kabayong panghimagas. Mag-iisang taon na  rin nakalilipas simula nung makainuman ko uli mga kabarkada ko. Mga matatalik kong kabarkada noon pang hayskul. Hindi ko na rin matandaan kung kelan pa yung huling inuman naming magkakabarkada. Pero ang pagkakanda ko nag-iinuman kami nun dahil kaarawan noon ng isa rin namin tropa, si Anthony. At ngayon naman ay ang matalik kong kaibigan na si Kenneth, na nagdiwang ngayon dahil sa dalawang kadahilan: Una, ngayon ang ika-21 taon na niya. Debut niya ngayong araw na 'to. Pangalawa,  nakapasa siya sa CPA Board Exam at ngayo'y ganap na siyang certified public accountant.

Ayun nga. Inuman namin. Antok na ko gusto ko nang tungkuran ng palito ang mga pilik-mata ko sa antok. Bawat sandali tinitingnan ko ang aking orasan. Mabagal ang takbo ng oras. Mas mabilis pang umikot ng tagayan sa mesa kaysa sa orasan. Ang iba ay nasipa na ng mga kabayo sa kanilang ulo na pero dinadaan pa rin sa biruan at hagikgikan ang lahat.

Masayang masaya si Kenneth nung gabing yun. Bawat kalahating oras, may pumupunta. Hawak pa niya ang kamay ng kanyang kasintahang si Mylene habang pinapakilala niya ito sa kanyang magulang. Masaya rin ako nung gabing yun dahil katabi ko naman sa Jhen, ang prinsesa ng buhay ko. Friends with benefits kami. Pero sa pagkakataong 'to, sinagot niya rin ako nung araw ring yun matapos ang isang't kalahating taon kong sinusuyo si Jhen at ngayon ay 'officially' kami na!

Mag-aalas onse y medya na ng gabi. Nagyayaya na rin akong umuwi para maihatid ko na rin si Jhen sa kanila ng bahay sa may Bacoor. Kasama ko rin ang bestfriend kong adik na si Mark na ka-village ko lang din naman sa may Casimiro. Nagpaalam na kami kay Kenneth at lumabas na ng kanilang bahay. Tahimik ang kalye Hernandez ng oras na yun. Isang kalye na nababalot ng nakakabinging katahimikan. Sa aming paglalakad, may tumambad sa amin isang pulis na pasuray suray sa paglalakad sa kahabaan ng isang tahimik na kalye ng Hernandez. Hindi gaanong kapandakan, maigsi ang buhok, bilugan ang tiyan at naglalaro sa kwarenta ang edad. Pansin kong namumula mula ang mukha niya at nangangaligasaw ang espiritu ng alak na nilalabas mula sa kanyang katawan. Hindi na namin siya pinansin. Hindi na namin siya inalintana. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalampas lang kami sa paningin ng mamang 'yon.

"Hoy! Saan kayo pupunta? Gabing-gabi na nandito pa rin kayo sa kalsada?!!" bulyaw ng pulis mula sa aming likuran.

Lumingon kami sa likod at tinugunan ang kanyang tanong sa amin.

"Pauwi na po kami boss. Galing lang kami sa handaan ng katropa namin mga 10 minuto lang ang layo rito.."

"Ganon' ba? Sige! umuwi na kayo.... "

 Kala namin ay tapos na siyang magsalita. Subalit may dinugtong pa ito.

"Mapanganib pa naman dito. Maraming mga masasamang loob. Ako na lang ang maghahatid diyan sa kasama niyong babae."

"Ah, sir magkakalapit lang po ang mga bahay namin. Kami na lang po ang hahatid sa kanya." sumbat agad ni Mark sa kanya.

Napakamot ng ulo ang mama. Halata ang kanyang pagka-iritable sa kanyang mukha ng mga oras na 'yun. Wari mo sinusulsulan na siya ng nag-iinit na espiritu ng alak sa kanyang utak. Inis at galit ang pumipinta sa mukha ng pulis.

"Hindi ko ba hinihingi ang suhesyon mo? Sabi ko iwan niyo na lang ang babae kung ayaw niyong sabay sabay ko kayong pagdadalhin sa presinto!"

Lumitaw ang pagkalabis na kaba namin. Lalo na alam kong kakahithit lang ng ganja ni Mark kanina. Tangina. Baka nga makulong nga kami ng dahil dito.

"Sir, baka pwede naman mapakiusapan 'to. Kasama ko naman ang boyfriend ko at friend ko. Mas komporatable po akong sila ang maghahatid sakin sa bahay." nagmamakaawang sinabi ni Jhen sa lasing na pulis.

"Miss, walang problema sa akin 'yon..kahit isang gabi lang ang hinihingi ko sa'yo eh..." Ito ang pangising tinugon ng gagong pulis sa girlfriend ko, na siya namang nanggising sa mga diwa namin nung mga oras ding yun. Tinaas niya ang isang daliri habang kinakausap ang girlfriend ko.

Nagulat kami sa sinabi niya. Tangina. Nalaman din namin kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak nung mga oras na yun. Gaya ng espirito ng alak na pilit umaalingasaw sa kanyang katawan, nag-iinit at kumukulo ang libog sa katawan ng tarantado. Dumating ang kinatatakot kong mangyari. Kung bakit sa lahat ng mga mambabastos pang lalaki ay isang pulis pa na siyang kaharap pa namin sa oras na yun. Kinuha niya ang braso ni Jhen.

"May pinag-aralan po akong tao, sir! Maawa po kayo sakin!" nagmamakaawang tugon ni Jhen. Pinipigilan din namin ang pulis ng mga oras ring yon.

Nagalit ang mamang pulis sa sinabi ni Jhen. May hinugot siya sa kanyang likuran. Isang kwarenta'y singkong baril. Winawasiwas niyang tinutok sa aming mga mukha ni Mark.

"Anong kala niyo sakin walang pinag-aralan? Putangina! Sa tingin niyo magiging pulis nang wala man lang pinag-aralan?!! Ginagago mo ba ko?!! Gusto mong pasabugin ko mga bungo ng mga kasama mo?!!!"

Wala kaming nagawa. Putangina. Kung bakit sa lahat pa ng oras na nagdaan ay ito pang gagong putapeteng 'to ang sumalubong pa sa amin! Putangina! Sa ganitong oras pa ay wala akong magawa para mapangtanggol si Jhen. Nasaan na ang pangakong proprotektahan ko siya mga lalaking babastos sa kanya? Nasan na ang pinagpaguran kong mga braso sa gym para maprotektahan ko lang siya?! Kingina! Kayang kaya ko naman ang pulis na'to pero WALANG AKONG MAGAWA SA MGA ORAS NA YUN KUNDI ANG MAGHINTAY SA MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI! Gising brad! Gising!!

Hinablot niya ang kamay ni Jhen na humahagulgol nung mga oras na yun.

"Huwag po manong! Wag po!"

Inakbayan niya ito at hinawakan ang dibdib ni Jhen at sabay halik sa pisngi ng kaawa-awa kong girlfriend. Kitang kita ang pagkakahayok sa libog ng gago! At kitang kita ko rin kung paano binaastos ng tarantado ang girlfriend ko! Hindi ko na kinaya!  Nandilim ang paningin ko ng mga oras yun!

"PUTANGINA MO! WAG MONG BABASTOS BASTUSIN ANG GIRLFRIEND KO!"

Sabay niyang tinutok ang baril sa akin pero nalihis ko kaagad ang pagtutok sakin nito at tinangka ko itong agawin sa putapeteng motherf*cker! Wala na kong inisip sa mga oras na ding yun kundi maprotektahan ko lang ang prinsesa ko. Ang mahal kong si Jhen.

Dalawang beses pumutok ang baril. Sa oras ding 'yon nawalan ako ng malay. Di ko maigalaw ang naninigas na katawan ko. Hindi ko maidilat ang mga mata ko. Parehas kaming humilata sa kalsada ng mamang pulis.  Mamatay na ba ko? Sa mga oras ding 'yon wala na rin akong ibang narinig kundi ang sigaw. Sigaw ng isang babaeng nagmamakaawa. Niyakap niya ko habang nakahiga ako sa kalsada. Duguan ako. Hinahaplos niya ang aking mukha, humahagulgol  at sumisigaw. Gusto ko siyang mahawakan pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang kausapin pero walang boses mailabas ang bibig ko sa mga aras na yun. Hinalikan niya ko at nadama ko ang mga luhang pumatak saking mukha. Yun na ata ang pinakahuling halik na dadampi sa aking mga labi.

"TARA NA! NANDYAN NA ANG MGA PULIS!!"

Di ko rin masisisi si Mark dahil lulon rin siya sa ganja nung mga oras na yun. Naririnig ko pa ang sigaw ni Jhen. Pahina nang pahina hanggang sa wala na kong marinig.. Iniwan nila akong nag-iisang kasama ang putapeteng mamang pulis na gumawa nito.

Binuksan ko ang aking mga mata. Medyo hilo pa dahil sa tama ng alak. Kala ko panaginip lang ang lahat pero hindi pala. Katabi ko parin ang mamang pulis na nanggago sa amin. Kasama kong nakahilata sa kalsada. Duguan. Nakapatay ako ng isang tao. Nakapatay ako ng isang alagad ng batas. Nakapatay ako ng isang pulis.

Parang eksena lang sa pelikulang Pinoy ang tema, lalabas lang ang mga pulis sa oras na nangyari na ang lahat. Tangina!

Hindi ko na nagawa pang tumakas dahil nanghihina rin ako at alam kong mahuhuli din ako. Di na ko pumiglas pa nang dinampot na nila ako. Wala rin akong ibang inisip nung mga oras ring 'yon kundi ang kaligtasan ng minamahal kong prinsesa. Nasan na kaya sina Jhen at Mark, ligtas kaya sila?

Hindi na ako kumibo nung dinala na ko ng mga pulis. Kahit ano namang rason ko ay di rin nila ako pakikinggan. E' pano Hepe pala ng mga tarantado 'to ang pinatay ko. At isa pang nagpabigat ay ang isang supot ng marijuana na nakaipit sa wallet ko. Inipit ng bestfriend kong si Mark. Tangina. Di ko durugista at tanging alak at yosi lang ang bisyo ko. Kung ano pang kasalanan ng iba ay ako pang sumalo. Nasa Cebu ang mga magulang ko kaya wala silang kaalam-alam na hinuli ako. Ang alam nila nasa mabuti akong kalagayan at natutulog na sa mga oras na yun. Walang nakakaalam na nasa preso ako nung mga oras na yun. Walang pamilya. Walang kamag-anak. Walang kaibigan. Wala rin ang prinsesa kong si Jhen. Walang nagpunta para tulungan at damayan ako..

Ngayon ako'y nakapiit sa bakal na rehas na madilim, maingay at mabaho. May liwanag rin namang nasisilayan kahit paapno. Liwanag na nagbibigay pag-asa sa pag-layang ninanais pero sa likod ng kadiliman nagtatago ang kamandag ng mga tampalasan. Kamandag na hihila sa'yo ng pababa patungo sa lugar ng mga makakasalanan...

Hindi ko na rin mabilang kung gaano ako katagal sa loob ng piitang din 'yon. Hindi gumagalaw ang orasan. Tanging gumagalaw lang ang walang humpay na panggugulpi sa akin ng mga preso. Tanging mabibilang mo lang kung ilang beses kang momolestiyahin ng mga naglilibog na mga ka-preso. Sobra sobrang niyurakan ang aking pagkatao. Hindi ko naman masasabing impyerno ang bilangguan. Naging impyerno lang ito dahil sa mga demonyong nakapaligid sa'yo. Mga demonyong bilanggong makasalanan na umaalipin sa mga kapwa nilang bilanggo na naparatangan lang ng parusa kahit na wala namang kasalanan.  Mga demonyong bilanggong naghahangad na maghahari-harian sa likod ng rehas. Mga alagad ng batas na tanging may kapangyarihang mambaboy at mangyurak sa dignidad ng isang bilanggo at mga suhulang drug pusher na mga warden na walang ginawa kundi magsabong ng bawat preso kung kelan nila gusto.  Mga tao lang ang gumagawa ng sariling impyerno at hindi ang bilangguan. Sa oras na 'to wala na akong ibang hangad kundi ang makalaya. Makalaya sa mga demonyong humihila sa akin pababa. Makalaya sa loob ng mga kalawangin rehas ng pagdurusa...

Di naglao'y bumisita rin ang nakababata kong kapatid na babae. Apat na buwan nang buntis. Binenta niya ang sarili niya sa mga pulis para mabawasan daw ang sintensya ko at magkaroon na rin ako ng parol na matagal ko nang inaasam asam. Dumating siya para sa dalawang bagay: Una, para kamustahin ako at nagbigay ng mga damit at kakainin ko sa loob. Pangalawa, para ibalita sakin na wala na si Itay habang si Inay namam ay comatose pa matapos banggain ng isang humaharurot na 10 wheeler truck, na minamaneho ng isang lasing na gagong driver, ang kanilang sinasakyang owner noong nakaraang linggo lang nangyari. Wala akong nagawa nung mga araw na yun. Walang lumabas na boses sa bibig ko kundi luha mula sa aking mata ang lumabas nung mga araw na yun. Agad ko siyang niyakap nang sobra. Mahigpit na mahigpit. Dusta at hinagpis ang naramdaman ko nung mga araw ding 'yon. Tinanong ko rin kung ano nang balita kay Jhen, pero di umimik ang kapatid ko. Wala siyang binanggit miski isa tungkol sa gf ko..Kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya ang tropa kong si Mark? Bakit di man lang nila ako binisita? Bakit nila ako iniwan at pinabayaan?

Hindi nagtagal nakalaya na rin ako. Hindi ko na rin mabilang at di ko na rin alam kung ilang taon na rin ang lumipas at nagdaan sakin. Kung ilang taon akong nakaratay at namuhay sa dilim. Hindi ko alam kung naka ilang oras ba kong nagsikap ng bumangon mula sa kumunoy ng dilim. Kung nakailang araw ba akong nagtiyaga't nagtiis sa mga dusa at paggugulpi't pagyuyurak sa aking pagkatao sa loob. Kung nakailang buwan na 'kong naghihimas ng rehas kung saan ako nakaratay, na umaasa pa rin sa liwanag na darating ang isang umaga na ako'y makakalaya pa. Tagal ko na rin hindi nasilayan ang mundo sa labas. Ang importante nakalaya ako. Nakalaya na ko sa isang malaimpyernong bilangguan...

Maraming nagbago sa paligid. May mga bagong gusaling nakatayo. Ang malaking lupa 'non na maraming puno ay ngayo'y napalitan na ng isang malaking shopping mall. Tinayuan na rin ng mga malalaking buildings at mga night clubs. Ang daming nagbago. Ang hindi lang nagbago ay yung tambayan ng mga matatabang pulis na ang mga pusod ay nakakabit pa rin sa matris ng ilalim ng tulay, habang naghihintay ng mga mabibiktima nilang drayber.

Una kong pinuntahan ang bahay namin. Pero nang dumating ako, walang tao. May nagsabi saking tsismosa na umalis raw ang kapatid ko papuntang Cebu. Wala na rin daw si Inay. Nung nakaraang buwan lang daw ito binawian ng buhay at dinala ang labi sa Cebu. Masakit ang iniwan sakin ng kalaparan. Ninakaw sakin ang kinabukasan. Ang mga panahon na dapat nandoon ako ay pinagkait sakin ng pagkakataon. Gusto kong lumuha pero tinatagan ko ang loob ko't sinilid muna ang mga luhang malapit nang umagos sa aking mukha.

Sinunod kong pinuntahan ang bahay ni Mark na ilang kilometro lang naman ang layo namin sa kanilang bahay. Kailangan ko rin muna sa ngayon ang pakikiramay.  Kailangan ko ng dadamay saking pagluksa't lumbay. Agad kong pinindot ang buzzer ng bahay nila. Ilang minutong nagdaan, agad namang may nagbukas ng gate. Si Mark ang bumungad sakin. Gulat kami sa isa't-isa. Malaki ang pinagbago ng pangangatawan ni Mark. Kung dati ang payat payat ngayon may laman na at tama lang ang pangngatawan...

"OI PRE! IKAW NA BA YAN?!  MUSTA NA? KELAN KA PA NAKALAYA?"

"TARANTADO KA PRE! INIWAN MO KO! Pero ayos lang! Nakaraan ay nakaraan. Ang mahalaga nakalaya na ko at buhay na buhay" Ang tugon ko sa kanya. Niyakap niya akong mahigpit dahil na rin sa labis na tuwa.

"TAEENNA!!! Laki na ng pinagbago mo! Musta ka na?!!!"

"Ito ayos lang! May pamilya na. Nagbago na ko at tinalikuran ko na mga bisyo ko sa buhay, hehe!" Masayang tugon niya sa akin. "Tara pasok ka muna"

Ang dami na ngang nangyari at nagbago sa ilang taon kong nakakulong sa bilangguan. Nasabi na nga niya sa akin na may pamilya na siya kaya tinalikuran na niya ang mga bisyo sa kanyang buhay. Bilang matalik niyang kaibigan at naturing ko na ring utol, masaya ako sa kanya. Masayang masaya. Nung araw ring 'yon, wala ang mag-ina niya. Nasa graduation kasi ng panganay niyang anak at ngayon hahantong na ng college.

"Graduation ng anak mo ngayon? Bakit wala ka 'dun? Dapat nandoon ka di ba? Tatay ka pre' dapat nandoon ka!" tanong ko sa kanya.

Umiling lang ito sa akin. "Ayaw niya eh..."

"Bakit naman ayaw? Nagkaroon ba kayo ng tampuhan ng panganay mo?"

Di na niya ako sinagot sa tanong ko at iniba niya ang usapan. "Namiss ka talaga namin pre! Pre, gusto mo ng beer? Teka lang kuha lang ako ng beer sa kusina at mapupulutan! Tutal kakatapos ko lang maghanda ng mga pagkain para sa salo salo mamaya."

"Sige, pre! Go lang," tugon ko sa kanya habang nagmamasid masid ako sa bahay niya.  Umakyat ako sa hagdan para magtungo sa master bed room nila. Habang paikot ikot sa bahay nila ay napansin ko sa loob ng kwarto.

"Pre Kumusta nga pala si...." Hindi ko na naituloy ang tanong ko. Nakita ko ang litrato ng kanyang pamilya. NAKITA KO DOON SI JHEN. SIYA PALA ANG ASAWA NIYA. PUTANGINA. Magkahalong gulat, galit at poot ang naramdaman ko kanina nung mga araw ding 'yon. Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako sa nakita ko. Kung anong gagawin ko sa mga oras ding 'yon! TANGINA! Masakit. Gumagapang ang aking mga mata. Tagos sa buto ang nadarama kong sakit! Naghalo halo na ang mga sakit na naramdaman ko nung nasa loob pa ko ng bilangguan, nung namatay ang nanay at tatay ko, nung binenta ng kapatid ko ang kanyang puri para lang ako'y makalaya; at pati na rin nang malaman kong asawa na pala ni MARK ang prinsesa ng buhay kong si JHEN!

Sinabog ko lahat ng nasa loob ng kwarto. Pinagbabasag ko ang mga vase. Binasag ko ang mga litrato. Hinagis ko ang mga lahat ng gamit sa drawer at cabinet. Binaboy ko ang kwarto gaya ng pagbababoy nila sa pagkatao ko. Hanggang sa may nakita akong swiss knfe sa loob ng cabinet. Nandilim na ang mata mga ko ng oras ding 'yon.

Pinuntahan ako ni Mark sa taas matapos niya siguro marinig ang ingay na ginawa ko sa loob. Nang makapasok siya sa loob, lumabas ako sa likod ng pintong pinagtataguan ko. Sinaksak ko siya sa kanyang likod. Narinig ko ang kanyang sigaw. Tulad ng sigaw na naririnig ko sa loob ng piitan. Mga sigaw ng mga inaalipin at inaalipusta. Tulad ng sigaw na aking hiniyaw nang ako'y ginugulpi't nilalapastangan ng mga kapwa ko preso.

Sinaksak ko ulit siya nang sinaksak! Nilagay ko ang hustisya saking mga kamay. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana magiging ganitong ka-impyerno ang buhay ko! Hindi sana nasira ang kinabukasan ko. KUNG DI DAHIL SA KANILA HINDI AKO MAGIGING GANITO!

"PRE! Tinuring kitang kaibigan! Inako ko ang mga parusa na dapat sana kasama rin kitang dumadanas sa loob ng bilangguan! MASAKIT! TANGINA KA! Sa lahat ng mapapangasawa mo BAKIT SI JHEN PA BAKEEEEET?!!!"

Sinaksak ko ulit siya. Alam kong hindi pa yun sapat yung nararamdaman niya ngayon. Mas masakit yung ginawa nila sakin! Trinaydor nila ako!

Wala na ring buhay si Mark matapos kong sasakin ng 69 beses ang kanyang katawan. Yukot ang mga balikat at ang katawan ay niratrat ko ng mga saksak ng swiss knife! Duguan ang kwarto. Pati ang peach na carpet ay nagkulay pula dahil sa dugong dumanak at nagwaraak sa kwarto. Hinang hina ang katawan ko, Dun ko nalasap ang pagiging isang kriminal. Nararapat lang ang hustisyang yan para sa kanya! TRAYDOR!

Nagulat ako nang tumambad sa akin si Jhen na nakatayo sa labas ng pintuan. Kitang kita ang nerbyos sa kanyang mukha at nanganngatog ang mga tuhod nito sa gulat. Nakita ako ni Jhen na parang isang mabangis na hayop na lumapa sa duguang katawan ng kanyang asawa, Nagulat kami sa isa't isa. Tumakbo agad siya at inabutan ko siya sa may hagdaan.

"BAKIT MO GINAWA YON ANTON?! BAKIT MO GINAWA YON?!!!" Humahagulgol na tanong sakin ni Jhen.

"TRINAYDOR NIYO KO JHEN! PANO NIYO NAGAWA SAKIN 'TO?!! PAANO NIYO NAGAWANG SAKTAN AKO??!! BUONG BUHAY KO WALA AKONG NINAIS KUNDI MAPROTEKTAHAN KA'T MAKAPILING KA! PERO ANONG SINUKLI MO SAKIN? PUTANGINA! NASAN KA NUNG PAGKATAPOS KITANG PINAGTANGGOL SAMANYAK NA PULIS? NASAN KA NUNG ILANG TAON AKONG NAKAPIIT SA BILANGGUAN? NASAN KA JHEN? NASAN KA?!! TRINAYDOR NIYO KO JHEN! TRINAYDOR NIYO KO NG MISMONG BESTFRIEND KO!!!"

Nadulas ang pagkakahawak ko kay Jhen dahil sa dugo na bumahid saking mga kamay. Nahulog siya pababa ng hagdanang marmol na  naging mitsa ng kanyang buhay. Kinuha ko ang kutsilyong binagsak ko sa lapag at pinuntahan ko ang katawan ni Jhen sa ibaba ng hagdan.

Lumuhod ako sa kanya't umiiyak. Hindi ko sinasadyang mabitawan ko ang pinakamamahal kong babae sa lupa. Pero kahit anong luha ko ay hindi ko na rin maibabalik ang lahat. Kinuha ko ang swiss knife at di na ako nag-alinlangang sinaksak ito sa sarili kong dibdib. Masakit pero kung ito lang ang tanging paraan para matapos ang paghihirap ko, tinuloy ko. Alam kong magkakasama na kami ni Jhen nang tuluyan sa impyerno. Tuluyan nang dumidilim ang paningin ko. Sa puntong 'yon may lumapit sa aking isang binatilyo. Anak ata yun nina Jhen at Mark. Lumuluha itong lumalapit sa amin ni Jhen.

"Tay, ikaw ba yan? Nakalaya ka na? Tay, namiss ka namin ni Mama. Wag mo kaming iiwan! Please! Magkakasama na rin tayo nina Mama. Wag mo kaming iiwan Papa!!!" humahagulgol na sinabi sakin ng bata. Hawak niya ang litrato na kasama ko si Jhen,

Bakit tinawag niya kong 'Papa'? Hindi ba anak nila Mark at Jhen yung bata? Buntis kaya si Jhen nung mga araw bago ako nakulong? Tanging si Jhen lang ang makakasagot ng katanungan kong yan....tanging ang mahal ko lang ang makakasagot sa tanong ko...tanging siya lang...

Tuluyan nang dumilim ang paningin ko.
...
...
...

Biglang dumilat na ang aking mga mata.

Alas dose y medya na pala ng madaling araw at hanggang ngayon ay na kina Kenneth pa rin kami. Ginising na lang ko ni Jhen. Humihilik na raw kasi ako sa gitna ng mesa at ilang shot glass na ang lumagpas sa akin. Lahat sila nagtatawanan dahil ako lang daw ang senglot nakatulog sa kaarawan ni Kenneth...

Ako lang.

Teka, hindi pa pala tapos ang prayer session natin kay San Miguel. Akin na ang susunod na tagay...

Tumatakbo by Mojofly

8/21/11 3:37 PM


emo mode

2/26/11 11:16 PM

I'm starting to hurt myself again. bakit ba ko nagkakaganito. bakit kailangan ko pang saktan ang sarili ko? pero pag sa picture niya lang naman, kahit na malusaw ang pic niya ng buong oras kong tinititigan ok lng naman? pero when it comes to a point na makakaharap ko na siya, nasasaktan na ko..gusto ko siyang yakapin coz' i've already fell for her...di ko naman hinangad ding saluhin niya ko, and at the first place nasabi ko sa kanya na confessing my feelings for her lang naman ang goal ko at di na ko sosobra pa dun..
Amf lumugar ka nga?! bakit sino nga ba ko? di man ako qualified para sa kanya para umasa pa but ngayon i'm forcing myself to move on..ang hirap pa rin.. ang sakit.. parang naghahanap pa rin ang puso ko ng dahilan, dahilan para siya kalimutan..sa ngayon di ko pa talaga kayang makalimutan..and only thing i could do is to ask God for guidance and save me from this agony..






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger