"ANG ALAMAT NG IBONG ADARNA" (PARODY)

NI NINOY BALTAZAR

PAALALA: pwedeng i-like, comment and share. MAHIGPIT NA PINAGBABAWAL ANG SOTTO-COPY. SALAMAT :)
nin0ybaltazar09©2001
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - 
Feb 2001



"ANG ALAMAT NG IBONG ADARNA" (PARODY)
- ninoy baltazar



Kabanata 1 - Kaharian ng Berbanya

Noong unang panahon, sa isang mapayapang lugar ng Berbanya  ay may isang magiting na mandirigmang barbaro na ang pangalan ay Conan. BARBARO po hindi BARBERO. Pagod na siyang manakop at kumitil ng mga buhay at kaya naman napagpasyahan niyang magtayo na lang ng Mister Donut na puro Bavarians lang ang paninda sa may Berbanya branch. Sa unang kwento palang alam niyo nang jinojoke time ko lang kayo.Wala naman talaga siyang kinalaman sa kwento. Pagtuunan nalang natin ng pansin ang kaharian ng Berbanya.

Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, ay mayroon  isang mabuting hari na ang pangalan ay Haring Fernando at ang kanyang kabiyak na asawang si Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak na mga prinsepe ng nasabing kaharian.  Si Don Pedro, ang panganay anak na kamukha ni Paquito Diaz na wala nang gagawing kabutihan sa kwentong ‘to, si Don Diego, ang pangalawa na walang gagawin kundi magpauto sa kapatid niyang si Don Pedro at ang huli ay si Don Juan, ang bunso at syempre siya ang bida sa kwentong ‘to. ‘ Oh, siya tama na muna magpa-cute. Mamaya pa kayo eeksena sa kwento.’

Gaya na lang ng inaasahan sa kwento na tulad na lang ni Haring Talangka ng Alamat ng Gubat at ng maraming marami pang hari na wala namang ibang papel sa kwento kundi ang magkasakit, e yun nga at nagkasakit nga si Haring Fernando. Tumawag sila ng mga doctor pero wala silang magawa sa kanyang sakit. Tanging ang albularyong si Dong Abay, na binigyan ng maliit na role ng direktor na magpayo, ang nagsabing tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng amang hari. Sa ngayon ay nakaconfine sa PGH  ang nasabing hari.



Chapter 2 : Ang Pagpapapogi ni Don Pedro sa  Amang Hari

Dumating na nga ang panahon na kinahihintay ni Don Pedro para magpacute sa amang hari. Syempre dagdag pogi points niya ito para matupad ang pangarap niyang maging susunod na hari! At yun nga ang nangyari, nagpost muna siya sa FB bago mag-log out bago umalis ng kaharian. Naglakbay nga ito patungong Bundok Tabor kasama ang kanyang kabayo na hindi rin nagtagal ay nagresign sa serbisyo dahil sa layo ng nilalakbay nila. Hindi naging hadlang yun kay Don Pedro para maglakbay patungong Bundok Taborkung saan makikita ang Piedras Platas na kung saan nagkukuta ang ibong Adarna.
Limang buwan  rin siyang naglakbay na kung tutuusin kung nagMRT siya tiyak na makakadating kagad siya sa kanyang inaasam na Bundok Tabor. Hayaan niyo na trip niya yun eh at nagtitipid lang din siguro.

Di rin nagtagal ay nakadating na rin siya  pinapangarap niyang destinasyon. Nakita niya sa Mt. Tabor ang isang punong kumikislap na tila diamante. Hindi sa nag-iimagine siya o sa lulon lang sa pinagbabawal na gamot. Nakita na talaga niya ang Piedras Platas – isang punong kumikislap na tila diamante!

“Wow! Pang –facebook!” (Mukhang ang pangit pakinggan sa istorya. Pinoy na Pinoy ang reaction. Rephrase. Rephrase. )
“Wow! ang ganda naman ng Piedras Platas! Kayganda naman ng punong ‘to,  kumikislap na parang diamante!...Pang-facebook!” sabi  niya sa sarili niya habang naglalakad sa ilalim ng puno. “Magkano kaya kung i-export ko ‘tong troso na ‘to?”

Napaupo muna si Don Pedro dahil sa sobrang haba ng kanyang nilakbay. Good timing dahil wala pa naman ang Ibong Adarna,  nagpicture-picture muna siya sa bawat anggulo ng puno para may maipost rin sa Instagram at Facebook! Ilang oras na rin ang lumipas at inabot na rin siya ng gabi ng lagim. Nangalay na ang panga sa kakangiti at pudpod na mga daliri nito sa kakapindot ng cellphone niya na mas makunat pa sa gulong ang keypad. Ilang minuto lang ay dumating na nga ang ibong Adarna . Kakatapos lang nitong maki-jamming with her friends na angry birds at makipagdate sa Agila. Ayun nga. Syempre as usual na mangyayari, mamamangha muna si Don Pedro sa ibon. Hindi yung mismong nakita mo lang yung ibon, huli agad? Hindi ganun! Di ba pwedeng bubuksan mo muna yung zipper bago mo hawakan (Oops! Sorry mali! Rephrase.Rephrase.) Di ba pwedeng pagplaplanuhan muna bago hulihin? At gaya uli ng mga nakaugaliang Pinoy, pipichuran na naman niya ito para may mailagay sa Instagram at Facebook. Pero sa kasawiang palad, di na niya maitutuloy pa ang gusto niyang gawin (kasi wala rin naman talaga yun sa script!).Kinantahan na siya ng ibon na nging dahilan para antukin siyang bigla.  “Ken Lee tulibu dibu douchoo, Ken Lee mejuu moorree,  Ken Leeeeee ilibu dibu douchoo, Ken Leee, I can’t ive anymooree!” (Kung di niyo alam ang kantang ‘to i-google niyo nalang!) 

Ayun, nahulog ang cellphone ng prinsipe. Rerequest pa sana siya ng kantang ‘Baby ni Justin Bieber’ pero di na niya nagawa.Sa masamang palad at naaayon na rin sa kapalaran sa script (kahit na hindi niya ring gustong maiputan), ginawang inidoro ng ibon ang bunbunan ng prinsipe na siya namang naging dahilan kaya siya maging isang matigas na bato. Sa gandang klase ng batong ‘to ay pwede ring i-export sa ibang bansa!



Chapter 3: Don Diego “ako naman ang magpapacute!” sa Amang Hari!

Umuso na ang “Call Me Maybe” ni Carl Japsen ay hindi pa rin nakakabalik ng palasyo si Don Pedro.
Kahit na nabasa na ng mga ‘to ang mga pangyayari sa script na maiiputan sa bunbunan ang panganay na prinsipe at dahilan para maging bato, nagawa paring umarte na nababahala ang buong kaharian. Kung bibilangin mo ang bawat minuto, nasa "five-hundred-twenty-five thousand-six-hundred-minutes.." (kailangang may tono habang binabasa niyo yan) nang di pa nakakabalik ang panganay na prinsipe. Dahil dito, di man kagustuhan ng hari pero kailangan paring sundin ang script, inatasan niya ang ikalawang prinsipe na si Don Diego na magvacation trip muna papuntang Mt. Tabor pero dapat bumalik siyang may pasalubong na Ibong Adarna at ang kanyang kapatid na si Don Pedro. Tulad din ng inaasahan. Di rin siya sumakay ng MRT para mapabilis ang kanyang paglalakbay. Syempre dumaan din sya sa hirap tulad ng kanyang kapatid,  bago makarating man dumating sa Mt. Tabor. Gaya ng inaasahang mangyari sa script, nakapunta rin siya sa Mt. Tabor at nasa harap na ngayon ng Piedras Platas.

“Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa mata!… Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna”  wika ni Don Diego.
Sa pagkahaba-haba ng kanyang nilakbay, dinala siya ng mga paa nito sa harap ng isang malaking bato para umihi. Ga-gripo niyang binomba sa bato nang di niya namalayan na nakakatandang kapatid pala niya yung iniihian niya. Eew. Huli niya na lang din pinaghinayangan nung maisip niya na ang ganda pala ng kwaliti ng batong inihian niya. Pwedeng pag-export sa ibang bansa!

 Di ko na rin papahabain ang kwento pa dahil doon rin naman ang punta nito. Pipicture-picture. Makakatulog sa kanta at maiiputan ang loko. Ang song for the day naman na kinanta ng ibon : ‘Eto akoooooo…Basang basa sa ulaaann, walang masisilungaaann, walang makakapitaaannn..



Chapter 4: Don Juan : ‘Kung papogian lang ang laban ay wag kayong maghahamon!’

Sa loob ng silid ng amang hari ay nandoon ang magkakapamilya.

”Mahal ko, masama ang kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Ano ba ang dapat gawin natin? Hindi na rin sumasagot sa mga calls ko si Don Diego?  OMG!! I’m really worried right now, Amang Hari!” tugon ni Reyna Valeriana na nababahala na.

Tumingin ang hari sa bunsong anak. Magsasalita palang ang hari, sinapawan kagad ni Don Juan ang hari.

“Ay BONGGA! Kalorkey! Mukhang ibang iba na ata yan tingin niyo sakin father. Kinakabahan ako dyan!!

“Huh? Anong pinagsasabi mo dyan prinsipe? Hihingi lang ako sa’yo ng tubig..”

“Father, katabi niyo lang po ang basong tubig”

“Wag kang tamad, kunin mo dito at ibigay saking kamay..”

Umikot nga si Don Juan sa kabilang side ng kama para kunin at ibigay sa ama ang basong tubig.

“Salamat. Anak. Anak, kabisado mo pa ba yung script na sasabihin ko?”

“Ay, ganun? nahiya naman ako sa inyo, Tay! Pero sige, ito.” Nag-pumilit boses Mic Enriquez si Don Juan at nagsabi, “Anak, ikaw nalang ang aking pag-asang ako’y gumaling na, sa pamamagitan ng paghahanap sa mahiwagang Ibong Adarna”

“Magaling Anak. At ano ang ‘yong tugon mo para dyan?”

Ama, gagawin ko po ang aking makakaya. Kahit na labag man sa loob ko tong gagawin ko, Kung bakit hindi na lang mga kawal pa natin ang pag-utusan niyo sa pagkuha ng ibong yan at kailangan AKO PA,titiyakin ko po sa inyong huhulihin ko ang LINTIK na ibong adarnang yan na magiging mitsa at dahilan para pag-gugulpi-gulpihin ako nang todo max ng aking mga SH*T na mababait at masunurin kong kapatid, na sumusunod lamang sa bwakanangamang script ‘to. Makakaasa kayo gagawin ko lahat ng makakaya ko alang alang sa ikagaganda ng kwento.Paalam po sa inyo.” Sagot ni Don Juan.

“Maraming Salamat, Anak! I’m so proud of you!”  

Wala nang seremonya pang ginawa si Don Juan. Handa ang mga maleta at umalis na agad ito ng kaharian sakay sa isang donkey.
Tumutugtog ang favorite niyang background song habang paalis siya ng kaharian: "Sino si Ramon Bautista, Yung Pogi! Sino si Ramon Bautista, Yung Pogi!" (Repeat 2x then fade)



Chapter 5: Hangad na makatulong

Sa kalagitnaan ng kanyang misyon, habang naglalakbay sa kalagitnaan at masukal na kagubatan. Nakita niyang nakagapos pa rin ang kanyang longtime BFF (bestfriends forever) na si Florante sa isang puno. Syempre dahil matalik na kaibigan niya ito at nanalaytay sa kanyang dugo ang pagiging makatao, di niya ito tinulungan dahil hindi nga naman kasama sa script ng kwento ‘yon! Kung aabutan man si Florante ng mga mababangis na leon e di busog lusog ang mga leon! Tapos ang kuwento ng ‘Florante at Laura!’ Gugustuhin ba yun ni Aladin? Syempre hinde! Kaya papaubaya na lang niya sa Bumbay na si Aladin ang pagtulong sa kaibigan nito habang busing busy pa ito sa paglalako ng mga piratang DVDs malapit sa masukal na gubat ng Albanya.

Sa paglalakbay ng bunsong anak ng hari, nakasalubong nito ang isang matandang ermetanyong nasa ochenta (80) na ang edad. Una, hindi niya alam kung seseryosohin niyang kausapin ang matanda. Paano mo nga naman seseryosohin ang isang matanda na naka-brief na pula tapos may heart symbol sa gitna? Tapos may hawak na Blackberry sa kaliwang kamay at sa kanan naman ay ang Starbucks na may lamang Mocha Cookie Crumble frappucino. Di mo alam kung ermitanyo o nanggagago lang! Tinanong niya pa rin ito.

Gaya ng di inaasahang mangyari, hindi tinapay ang hinihingi ng loko. P100 daw for Starbucks! Anak ng Kamote! Kung siya nga ay hindi niya magawang mailibre ang sarili niya ng Starbucks at nagtyatyaga lang sa 3-in-1-na Nescafe, tapos hihingian siya ng P100 for that?

“Are you drugs?” sabi ni Don Juan sa loob loob niya.



Chapter 6: Ganti ng Matandang Ermitanyo

Sa  bandang huli at alam naman nating dun din pupunta ang kwento,  napilit din ni Don Juan na bigyan na lang ang matanda ng isang tinapay from Pande de Manila, gift certificates from SM at P21 pesos Globe Pasaload (yung bente pesos pang unli nalang niya).

Bilang ganti binigyan siya ng mapa na shortcut daw patungong Mt. Tabor papuntang Piedras Platas. Pero binilinan siya ng matanda na bago siya pumunta sa Piedras Platas ay daan muna raw siya sa ‘bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari-sari.. (Ituloy ang kanta)’ na malapit lang dun at may tutulong sa kanyang matanda kung pano huhulihin ang ibon.

Sinunod ni Don Juan ang payo ng matanda. Nakarating nga siya doon sa ‘bahay kubo kahit munti ang halaman doon ay sari-sari.. (Ituloy ang kanta)’ na tinutukoy ng matandang ermitanyo. Nagulat siya na ang ermitanyong kumotong tinulungan niya ay mismong yun din ang matandang bumungad sa kanya. Sabi niya hindi daw siya yun at mali ang iniisip ni Don Juan sa kanya. Walang nagbago sa matanda kundi ang suot niya. Ngayon nakabow tie sa leeg tapos nakasuot ng itim na brief na may drawing na rabbit logo sa may pwetan. Di na lang pinansin yun ni Don Juan sa halip sinabi niya pa rin kung ano ang talagang sadya niya sa oras na yun sa matanda.

“Papunta po ako sa Piedras Platas para hulihin ang Ibong Adarna, para sa aking may sakit na amang hari.” Sagot naman ni Don Juan.

Dahil sa busilak na puso na nakikita ng matanda kay Don Juan, tinulungan niya ang bunsong prinsipe. Pinayuhan si Don Juan ng matandang ermetanyo tungkol sa mahiwagang ibon.

“Ang punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan, ay doon nga namamahay ang Ibong Adarna. Ang ibon ay dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at magpapalit ng itsura ng balahibo hanggang ika’y aantokin. Bawat kantang pakinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong pigaan ng kalamansi ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa, ika’y matulad sa iyong mga kapatid na sina Don Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong sintas, itali mo pagkahawak sa Ibong Adarna.”

Inabot ng matanda ang mga kailangan ni Don Juan para mahuli lang ang lintik na ibon – isang Swiss knife, 1 gintong sintas, 3 na kalamansi at 3 Pancit Canton calamansi flavor powder.

Napatanong ang prinsipe kung bakit may 3 calamansi flavor powder pang binigay sa kanya. Naubusan pala ng calamansi ang lokong matanda! Kaya tiis tiis na lang daw muna dyan at di pa raw nasusubukan din ng matanda kung mabisa daw ang calamansi powder. Ayos!

 “Wait! Bago ka pala umalis, kailangan mo rin ‘to?”

“Para saan po yan, tatang? Baka ijojoke time mo na naman ako nito eh?!”

“Ihi ko ESTE mahiwagang tubig ito! para maibalik sa dati ang mga kapatid mong naging bato dahil sa ipot ng Ibong Adarna.Gusto mo ihian mo muna sila bago mo ibuhos yan sa kanila! Para makabawi ka rin kahit papano kapag ginulpi ka nila! Hehe!”

“Oo nga noh?  Maraming Salamat Tatang! Sige po ako’y lalarga na! Siguro di ko na rin kailanganin yung iba rito. Icucut din naman ni direk ang eksena kung sakaling maiputan ako! Hehe!”

“YAN ANG GUSTO KO! APIR! TEKA, WALA PA NAMAN ANG IBON ADARNA..SHOT MUNA KAHIT ILANG BOTE LANG”

“KANINA KO PA HINIHINTAY YANG LINYANG YAN TATANG. RAKENROLL!!”



Chapter 7: Ganti ng Matandang Ermitanyo

Sumapit na ang gabi. Naubos na nga dalawa ang isang case ng Red Horse at nakapagbonding na sa isa’t-isa. Umalis na si Don Juan na pasuray suray na namaalam sa matanda.  Nung marating ng bunsong prinsipe ang lugar, nakita nya nga ang dalawa nyang kapatid na ngayon ay bato na at nakapose parang modelo lang ng hog feeds at brief. Syempre dahil sa dami rin ng alak na nainom, Parang hose ng bumbero niyang winasiwas si Junior sa mga pagmumukha ng mga kapatid niyang alam na alam niyang bubugbugin siya pagkatapos ng kabantang ‘to!

“BWAHAHAAHHA! MGA BUWAKANANGINA NIYO! DI PA KO TAPOS MAMAYA IIHI PA KO!”

Bumalik na rin ang ibong Adarna. Nagsimula na rin itong kumanta, kaya sinunod kagad ni Don Juan ang payo ng matandang ermetanyo. Ginilitan nya ang kanyang bisig at pinigaan ng kalamansi ang sugat nito (Maganda siguro ‘to para sa mga EMO). Dahil sa hapdi nga gising siya, pero hindi naman maiwawala nun ang pagkawasak niya sa alcohol. Pasing-along sing-along lang ang ibon. Unang kinanta ng ibon “Naghihinayang, naghihinayang ang puso ko! Sa piling ko’y luluha ka lang, masaktan lamang kita. “ Natapos ang kantang hindi inantok si Don Juan! Inaasar pa niya ang ibon ng MORE MORE! Tapos naglabas ng lamesa at bangko mula sa bahay ng ermitanyo. Kala mo nasa loob ng night club ang loko! Halos lahat ata ng kanta ni na Renz Verano at April Boy Regino ay nakanta na ng ibon.

Naimbyerna ang ibon, nag-shift siya ng song, “It’s Friday, Friday Gotta get down on Friday Everybody’s lookin’ forward to the weekend, weekend” Sumakit ang tenga ng prinsipe sa kanta ni Rebecca Black. Pero infairness, nalalabanan pa rin ito ni Don Juan. Ultimong mga ipot ng ibong adarna naiilagan niya. Parang Matrix lang. Cool!

Pero mas lalong sumakit ang tenga ng prinsepe nang marinig niya ang kanta ni Justin Bieber!  “Baby baby baby ooh, like baby baby baby noh”. Hindi na kinaya ng prinsipe matiis ang kanta. Ultimong natitirang kalamansi at kalamansi powder binato niya sa ibon! Gaya ng writer na sumusulat nito, Justin Bieber hater din ang bida natin. Ayun. Minabuti nya na lang na hulihin ang Ibong Adarna nang sa ganuon ay matigil na ang kahibangan ng ibon.

Nahuli nya nga ang ibon, at nilagay niya ito sa loob ng isang hawla. Binuhusan nya rin ang kanyang mga kapatid ng mahiwagang tubig para bumalik na ang mga 'to sa normal, pero bago pa man yun mangyari ay inihian niya uli ang mga ‘to ng mas BONGGANG BONGGA PA BONGGANG BONGGANG BONGBONG!  Bumalik na sa normal ang dalawa – dalawang mapapangheng prinsipe!



Chapter 8: Ganti ng Dalawang Kaptid na Loser..

Nagpasalamat si Don Juan sa matanda. Kung di dahil sa tulong nito ay malamang sa malamang isa na rin siya sa magiging bato (at maiihian!).  Napaalam siya sa matanda pero sinabihan siya ng matanda, “Wag ka munang mamalam, magkikita pa tayo..’ sabay ngiti ang matanda.

Hindi lubos mawari ni Don Juan kung anong ilab sabihin ng pagkakasabi ng matanda sa kanya, “Hey, yow! man I don’t get it?’

‘Magbasa ka ng script, tanga!’ sabi ng matanda at pumasok na sa loob ng bahay.

Pauwi na ang tatalo sa kaharian, ngunit isang masamang balak ang nabuo sa script isipan ng nakatatandang kapatid na sinang-ayunan sa bandang huli ng ikalawang kapatid na bugbugin ang kapatid at nakawin ang hawak nitong hawla sa kanya

Don Pedro: “Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at mamatay. Nakawin natin ang ibong Adarna, tapos ibigay natin kay ama para ipagmalaki tayo ni ama at sa huli’y tayo’y magiging hari ng Berbanya. Ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin sa huli”

Don Diego : “Adik ka ba kuya? Halatang hindi ka nagbabasa ng script eh! Kahit na kunin natin ang ibon ay hindi kakanta yan! Paos yan!”

Don Pedro: “Huh? Panong nasabing paos? Baka hindi ito kakanta dahil hindi naman tayo ang humuli talaga sa ibon? Saka wala namang masama dib a kung di natin susubukan? Malay mo makalusot??”

Don Diego :  “Alam mo kuya di ko lang talaga alam kung adik ka o maluwag lang talaga ang tornilyo sa utak mo? Ilang beses at ilang taon na natin ‘to ginagampanan, hanggang ngayon di ka parin nadadala? Basta di ako makakapayag diyan sa binabalak mo! E ANO NGAYON kung siya nga ang makahuli ng ibon at maging hari ng Berbanya? LOSER!”

Don Pedro: “Ano bang gusto mo? Ang mapunta ang Korona kay Juan para siyang magmumuno sa buong Berbanya o mapupunta sakin ang korona at pa-uulanin ko ng mga VIVA Hot Babes at Vixens sa kwarto mo araw-araw!!?”

Don Diego : Kaya nga kinukulit na kita kuya eh! Ano?! Now na?!  Ano gulpihin na natin at kunin ang hawla sa kanya?!

Don Juan : “Alam niyo pwede naman kayong mag-usap ng pagplaplano niyo sakin basta malayo kayo sakin eh. Di niyo man lang hinintay ang eksenang iihi lang ako sa tabi at doon na kayo mag-uusap ng plano? Di ko lang maintindihan KUNG BAKIT PUMAPAGITNA NA NGA AKO SA INYONG DALAWA EH YUN PA ANG TOPIC NA PINAG-UUSAPAN NIYO? MGA ATAT NA ATAT KAYO SA EKSENANG ‘TO EH? ALAM NIYO YUN?!!

Syempre nangyari na nga ang hindi inaasahan at pinakahihintay na sandali ng dalawa.Ginulpi ng dalawang nakakatandang kapatid ang kanilang bunsong prinsipe. Threesome Malupit na pangyayari. Parang Wrestling lang. Undertaker & Big Show na ginugulpi ang kawawang katawan ni Rey Mysterio. Ganun na ganun ang eksena. 

At nang magtagumpay na ang dalawa sa kanilang plano, eh’ pumunta na sila sa Berbanya dala ang ibon na lumuluha nang makitang ginulay , binugbog at na-hazing ang lasog lasog na katawan ng kawawang bunsong prinsipe.

Nung pagdating nila sa kanilang kaharian eh’ hindi nila mapakanta ang Ibong Adarna. Ang dating makukulay na balahibo ng ibong adarna ay di mo na kailangan paghinayangan na isama sa walis tambo. Ang dating kasingkulay ng balahibo ng parrot ay parang kulay lansones na.

Dun na lang naisip ng panganay sa huli na ……

hindi talaga yun ang tunay na ibong adarnang nadala nila.

‘Ay , shungarks!’


(Itutuloy. . . )

Si Dumot . . .

10/15/12 10:56 AM


Si Dumot, aking matalik na kaibigan
kayumanggi siya't katawa'y katamtaman
Namumukod tangi siyang masasabi ko sa iba
Kung ihahanay mo sa mga Cebuanong tulad niya

Si Dumot, aking matalik na kaibigan
sumabay siya sa paglaki saking kabataan
unang pinakilala sakin ng tatay ko
kaya ganun na lang kami magkasundo

Si Dumot, aking matalik na kaibigan
isinilang na tahimik at di namamansin
ewan ko ba kung bakit siya ganoon?
gayunpaman di ko parin siya kayang tiisin

Si Dumot, aking matalik na kaibigan
kailangan pang suyuin para ika'y kausapin
pero wag ka, pag ika'y kanyang dinamayan?
sarap kausap, boses niya dala'y lambing at gaan

Si Dumot, aking matalik na kaibigan
laging nasa aking tabi, di nang-iiwan
dadamayan ka sa oras ng 'yong kalungkutan
at sasabayan ka pa sa oras ng saya't kaligayahan

Si Dumot, aking matalik na kaibigan
Siyang nagbigay kulay saking kabataan
nagbigay tono sa mundong balot ng katahimikan
at sasaluhin ka lahat ng 'yong nararamdaman

Si Dumot, ang aking munting gitara
Isang matalik kong kaibigan at kababata
mga masasayang alaala ay ituturing kayamanan
at lagi ko siyang pakakaingatan magpakailanman



-nin0ybaltazar09






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger