Letting Go Tooth-sie Guevarra...:(

8/19/14
 2:07 PM

by: Ninoy Baltazar

Yesterday, I decided to end up my agony. I decided to mitigate the pain I've been bearing for almost 9 months. Yesterday I went to the dentist. At sa mga oras na yun hindi na para magpapasta. I just went there para masintensyahan na ang molar tooth ko..

Kahapon buong buo na ang loob ko. Wala nang daga daga pa sa dibdib. No more turning back. Bunutin ang dapat nang bunutin. Alisin ang dapat nang mawala, para wala nang pahirap pa sa loob ko.

Dalawang beses ko na rin kasing napapastahan yung ngipin ko. At sa dalawang beses ring 'yon, hindi rin tumatagal ng tatlong (3) linggo ang pasta. Bumibigay agad sa serbisyo. Namimiss mo pa nga lang at naiisip mo pa lang  ngumata ng manamis-namis na roasted spareribs at malutong-lutong na crispy pork chop ee nagresign na agad sa serbisyo! Hindi mo pwedeng sisihin ang mga kinakain mo, kung dekalidad ba yung pastang ginamit sa ngipin mo o kung magaling ba talaga yung dentistang nagpasta. Almost 50% na kase ng crown ng ngipin ko yung nabasag kaya mahirap nang kumapit ang pasta sa sirang ngipin ko. Saka exposed na kasi yung nerve ending ng sirang ngipin ko kayang walang kahumpay-humpay ang panghihilo...

Kung kaya for almost 9 months na naming nagsasama ng ngipin ko at sa ilang araw-gabi ko nang iniinda ang sakit at pangingilo ng ngipin ko, nagpasya na kong i-let go na siya sa buhay ko. Kaya nung tinanong rin ako ng dentista, (kahit na sa loob-loob ko may konting panghihinayang) sabi ko ready na kong pabunot na yung ngipin ko.

Habang binubunot nina doktora ang ngipin ko, pikit mata akong nakahawak sa side ng dentist chair. Nakakapit at taimtim na nagdadasal. Nahirapan sila sa ngipin ko kasi ang tibay daw ng pagkakakapit. Totoo naman kase nasa angkan ng ermat ko ang matitibay na ngipin. Kung meron man sa mga angkan ko ang may kakayahang bumukas ng buko gamit ang mga ngipin nila o bumukas ng mga de lata gamit ang mga ngipin ay di ko na naitanong sa mama ko. Pero may naikwento noon ang mama ko nung nagpa-molar tooth extraction daw yung nakakatandang kapatid niya na Tito ko ay inabot daw ang dentista ng dalawang (2) oras sa pagbunot sa kanya! Pano ba naman kase maliban sa matibay ang pagkakakapit nito ay nakatwist pa yung root ng ngipin niya sa kabilang root ng ngipin din! So it ended up yung dalawang magkabilaang ngipin nadamay din sa pagbunot! At kung ano man ang pinapanalangin ko ay ayaw kong matulad sa tito ko noh?! Ang bata-bata ko pa kaya para magkaroon ng false teeth!

Nitong mga past few weeks lang, I refused to let go of someone because it was really painful and honestly not easy way to do. But I never realized to myself that the more I hold on to that feeling, the more it would make things difficult for me and putting myself in agony. 

Kahit na masakit, kailangan pa rin gawin. Dahil sooner or later, ikaw din ang mahihirapan. Ikaw din ang mas masasaktan. Saka nasasaktan ka na rin lang eh bakit mo pa papatagalin, 'di ba? Bakit pa kase kailangan pa nating ipagsiksikan pa ang sarili natin sa isang bagay na hindi naman talaga para sa atin? Bakit pa kailangan ipagpilitan pa ang sarili natin sa isang tao na ayaw naman sa'yo? Alam mo nang antigen na siya sa puso mo, pinoprolong mo pa ang katangahan mo?

May mga bagay kasi sa mundo na kahit na gusto mo, kailangan mo pa ring bitawan. May mga taong kahit na sobrang special sa'yo at napapasaya ka niya, kailangan mo nang iwasan. May mga desisyon sa ating buhay natin na kailangang gawin, kahit na napipilitan. At may mga pagkakataong kahit na pinagsisigawan pa yan ng puso mo, utak pa rin ang dapat pinaiiral para hindi na mahirapan. Dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan mo pa, ikaw rin ang masasaktan.

Di naman tumagal ng kinse (15) minuto at natapos din ang pagbunot sa ngipin ko. Bago kami umuwi, binigyan ako ng isang banig ng mefenamic acid at amoxicillin antibiotic capsules. Masakit. mahapdi. nakakapanghina. pero kailangan pa ring kayanin. Nakakalungkot din kasi at nakakamiss din dahil may isang naterminado na sa mga hanay ng Kongreso ng mga ngipin mo. Hindi na kumpleto tulad ng dati. It leaves a gap in your life and sometimes you see yourself missing it terribly. I know it’s going to take a while. Isipin na lang natin, lilipas din 'to. Darating din ang naman araw, malalampasan natin 'to.

 'Wag nang paghinayangan ang isang bagay na nawala na. Kung makakabuti naman para sa atin, bakit di na lang tanggapin?

Just accept the fact and move on... :)

(Source: http://nin0ybaltazar09.blogspot.com/2014/08/letting-go-tooth-sie-guevarra.html)



COFFEE, TEA OR ME?

-Ninoy Baltazar

COFFEE

I'm not used to drink coffee. Since I was a child, never kong sinanay ang dila ko sa kape. Ewan ko ba, hindi naman sa ayaw ko ng lasa ng kape dahil mapait. Ayaw ko lang siguro 'to dahil sabi ng mga nakakatanda sakin ang pag-iinom ng kape ay nakakaadik at magiging nerbyoso daw ako. For that reason, pinanindigan ko sa sarili ko na di ako magiging adik at ayaw kong maging nerbyoso nang dahil sa pagkakape. Kaya tuwing almusal, mas hinahanap pa ng taste buds ko ang gatas o tsaa.

Pero nung nagtratrabaho na ko, dun ko na sinanay ang dila ko sa kape. Mahirap rin kasi lalo na kung ang duty mo palaging night shift. I used it as an emergency drug. Na kapag gusto kong labanan ang antok ko at wala akong tsaa, energy drink or softdrinks na kadamay - magkakape ako. Pero mas nabawas-bawasan sa buhay ko ang pag-iinom ko ng kape nung nakilala kita. Wala palang sinabi ang kapeng barako sa'yo. Dahil aanhin ko nga naman ng kape, kung sa mga titig mo pa lang bumubuhay na agad ng dugo't isipan ko? Aanhin ko nga naman ang lasa ng kape, kung sa mga ngiti mo pa lang nagiging masigla kagad araw ko at di nakakaramdam ng pagod sa duty? Aanhin ko pang amuyin ang bango ng aroma nito kung sa mga araw tumatabi ka sakin ay bumibilis na kasing bilis ni Lydia De Vega ang tibok ng puso ko? Aanhin ko pa ang Kopiko, Nescafe o San Mig coffee kung nandiyan din naman ang presensya mo? Nung minsan nga kinumpara ko kung ano ba ang mas nakakaadik at nakakanerbyos, yung kape o ikaw? 

Yun nga lang may mga gabi ring di rin ako makatulog-tulog siguro dahil nasobrahan na rin ata ako sa'yo...


TEA

Mahilig ka rin pala sa tsaa. Kahit ako, hilig ko rin ang tsaa. Mapa-Lipton man, Black Tea, Green Tea o  kahit Salabat, solve na agad mga taste buds ko sa umaga. Kahit sa tuwing napagtritripan kong sumulat, hindi mawawala ang isang tasang tsaa sa tabi ko. Ibang iba rin kasi ang panlasa sa akin ng tsaa kung ikukumpira ko 'to sa kape. Pakiramdam ko mas nabubuhayan ang isipan at dugo at mas nagiging alerto ako kapag nag-tsa-tsaa. Hindi na bale nang makarami ako sa tsaa sa isang upuan. Hindi na bale nang kasingtigas na ng hollow blocks at mala-taeng kambing ang dumi ko, hindi ko pa rin pagpapalit ang tsaa sa kape. Mas gusto ko talaga ang tsaa kesa sa kape. Ikaw, bakit di natin i-try mag-usap over tea kahit minsan?

Pero nang minsan, may napuna sa'yo yung co-staff natin na senior ko naman. Napansin kasi niya na naninilaw na ngipin mo dahil na rin siguro sa napapadalas mong pag-inom ng tsaa. There's a higher tannin content din kasi sa tsaa na may potential to erode enamel and causes tooth staining. Di naman sa sobrang naninilaw ang ngipin mo dala ng dalas-dalas mong pag-iinom ng tsaa. Pero ayaw mo nun? Malamig pala mga ngipin mo dahil nag-yeyelo(w) na mga 'to? haha. biro lang at sorry kung medyo korni. Mas ok nga yan kesa naman kung tinga ang napansin sayo hehe. Di bale nang medyo naninilaw, naidadaan naman yan sa tooth whitening yan. 

Saka oks lang yan, maganda ka naman ee...


ME

Yes. It was all started nung na-meet kita sa unit na pinagtratrabuhan natin ngayon. Trainee pa lang ako nun nung una kitang nasilayan. Senior ka na namin. Nagpakilala kami sa inyo at ginantihan mo naman ng iyong pagbati at matamis mong ngiti. At dun na nga nagsimula ang lahat.

Nang dahil rin sa'yo, napansin ko na rin na mas nagiging excited na kong pumasok araw-araw. Mas nagiging bibo-kid ako at walang kapaguran sa trabaho. Ewan ko ba ano bang sustansya ang meron ka at nakukumpleto mo ang araw ko? Sa'yo ko lang din kasi nararamdaman yung nagliliwanag ang buong unit kapag dumarating ka. Parang ikaw na ata nagdadala ng kuntador ng kuryente? Mas binigyang liwanag mo pa ang buhay ko kaysa sa Meralco. Tapos additional 'kilig' pa kapag nagkukrus ang mga mata natin sa isa't-isa at sasabayan mo ng ngiti. Haaaay buhaaay... Nasa unit pa ba ako o nasa langit na ako?

Gusto kita pero hindi pa pwepwede...
Mahal na siguro kita yun nga lang hindi pa tama...


Naitanong mo na naman ang 'coffee, tea or me?' Hindi naman sa bentang benta sakin ang tanong mong yan kahit na gasgas na gasgas na linyang yan sa tenga ko. Mas gasgas pa sa matres ng nanay na nakapagluwal na ng 2 team ng basketball! Ewan ko ba malakas kasi ang sipa lalo na kung manggagaling sa'yo ang banat. Ewan ko ba, makita ko nga lang din ang maamo mong mukhang nakangiti, sumasaya na ko. Daig mo pa ang pulang kabayo kung sumipa. At damang dama ko dahil rekta pa sa puso ko nung sinipa mo ko. Pero kung papipiliin man ako sa tatlo, mas pipiliin ko ang Kape. Weird ko noh? Hindi nga ako nagkakape, tapos yun pa ang pipiliin ko? Adik lang? Hindi dahil sa ayaw kong 'ikaw' mismo pipiliin ko sa choices mo. Ayaw ko kasi ng pleasure lang na panandalian lang din mawawala. Ang gusto ko happiness na forever lasting. Meron kasi akong natikman na kape na nagpa-luvstruck di lang sa dila ko, kundi sa puso ko. Walang wala ang espresso, Ice caramel macciato o captain crunch frappucino. Maging available man 'to handang handa akong tanggapin 'to sa buhay ko. Araw-arawin ko pa ito, hindi magsasawa at hahanap-hanapin ng puso ko hanggang sa pagtanda. 'Di na baleng mas pumait ka pa o mas sumarap, huwag ka lang tumabang sa timpla.


..."COFFEE, TEA OR ME?" Sa kape nga ako.

Siya nga pala, ang gusto ko nga palang kape....



yung ma'KAPE'ling ka panghabangbuhay! . . .

Korni ko noh?
Tara, makapag-tsaa na nga lang. :)





Excerpt from my upcoming book, "Kung Pano Sinipa ni A*DRE*NALINE ang puso ko!"

ABANGERS song (2014)

By: Ninoy Baltazar


G-D-Em-C

ABAAANGERS!!
Yan ang tawag nila sa amin
Mga torpe't hopeless na romantiko
Umaabang pa rin sa hangal na pag-ibig

Inaamin ko noon pa man may pagtingin na sa'yo
Pero ang kupido'y sadyang mapaglaro
Pinaibig ako sa 'taken' na tulad mo

Refrain:
Pero hanggang kelan na lang bang gan'to?
Abanger na lang ba forever?

Chorus:
Bumibilis tibok ng puso ko
Sa twing sumusulyap-sulyap sa'yo?
Oh, hanggang gan'to na lang ba,
 itong aking nadarama?

Kinukumpleto mo ang araw ko,
Sa twing laging ikaw kasama ko
Hanggang kelan pa ba ititiis at maghihintay sa'yo!
Abangero nga ako.. yan ang totoo!

II
Nagpayo sa akin mga kabarkada ko
Wag na raw ako magpakatanga sa tulad mo
Marami pa namang iba para sa puso ko

'Sang araw nabalitaan kong nagbreak na kayo
Anong saya aking naramdaman,
is this the sign na pwede na pero di pa ready?

Refrain:
'Basted now' na lang kaya o 'Abanger forever'??

Chorus:
Bumibilis tibok ng puso ko
Sa twing sumusulyap-sulyap sa'yo?
Oh, hanggang gan'to na lang ba,
Itong aking nadarama?

Kinukumpleto mo ang araw ko,
Sa twing laging ikaw kasama ko
Hanggang kelan pa ba ititiis at maghihintay sa'yo
Abangero nga ako..yan ang totoo!

Bridge:
Oo, inaamin ko, noon pa'y inlab na sa'yo
Handa akong maghintay, makasama ka lang sinta
Kung si Barocca nga ng San Mig
Sa abanger moves, nakajackpot sa pag-ibig
Wala namang mawawala, kundi magbabakasakali

Di naman sa nagmamadali
Ayoko ko lang na maunahan ng iba!
Sa mga babaero, manloloko't mapagsamantala
Kaya eto na, sasabihin ko na
At wala nang paligoy-ligoy pa

Chorus:
Bumibilis tibok ng puso ko
Sa twing sumusulyap-sulyap sa'yo?
Oh, hanggang gan'to na lang ba,
itong aking nadarama?

Kinukumpleto mo ang araw ko,
Sa twing laging ikaw kasama ko
Hanggang kelan pa ba ititiis at maghihintay sa'yo!
MAHAL KITA at yan ang totoo!

MAHAL KITA at yan ang totoo..

- - - - - - - - - - - - - - - - -








Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger