"Karlanesa in my Heart"

12/23/08 1:15 PM




My 2nd portrait

Bakit kaya ganon ang pag-ibig?

Kuya, Ate...nag-aaraL ba kayo ngeon? (ngek! kita mung nagbabasa ng blog mo, nag-aaral! toinkz!) Pede ba kayong maistorbo kahit sandali? Naisip ñu na ba ang mga katanungan na ito sa isip ño?

Bakit kaya ganon noh? ang daling sabihin na mahal mo ang isang tao....ang daling sabihin na 'sasabihin ko na sa kanya!'...pero inabot ng pasko, di pa rin magawa-gawa..ang hirap gawin..lalo na kung harap-harapan m0 sa kanyang sasabihin..

Bakit kaya gan0n? ang dameng torpe pagdating sa pagmamahal? Di nila masabi-sabi sa minamahal niLa na mahal nila yon. Napakadali ngang sabihin pero ang hirap gawin! Gusto niyang lapitan, pero hinde na magawa. nahihiya pag gagawin na..Gustong makausap, pero di naman malapit-lapitan. wala namang mapag-usapan. At pagkakausapin na, di malaman-laman kung ano ang sasabihin, nabubulol na sa pagsasalita. At dagdag pa niyan nilalamig pag nasa tabi na ng crush niLa! Kaya I hate torpe talaga! At proud ako na sabihing ISa Ako Dun!! Haha! Nung una, naiinis ako sa mga taong nde man lang maipagtapat ang nararamdaman nila sa isang tao. pero nung naranasan ko, ang hirap pala. lalo na kung 1st time mo palang..nde ko maitatanggi, naranasan ko ang mga ito..lalo na nge0n! at masaklap pa, 1st year na yun! tin0torpe pa! meju close q na nga...tin0torpe pa! Bakit kea ganun?!

Bakit kaya ganon? hirap pumili kung saan susundin mo - ang sinasabi ng utak mo...o ang sinisigaw ng puso't damdamin mo? Ang utak na nagsasabi ng " Itigil mo na yan, masasaktan ka lang.." o ang puso mo na sumisigaw na "cge, ituloy mo yan! go for the gold!" (ang sarap di ba, chinicheer ka pa!)? Pero kung puso ang susundin mo, pede kang masaktan..pede kang masaktan sa sakit na dulot ng pagmamahal mo sa isang tao..kaso mararanasan mo naman ang magmahal..Pero kung isip naman ang susundin mo, di ka nga masasaktan, pero di mo naman makakasama ang taong mahal mo.
Anu ba ang dapat gawin? Sundin ang sinasabi ng puso o ang utak?
Pero kahit na rin sinasabi ng utak mo na 'itigil mo na yan,' di naman mawala sa isipan mo ang pangalan ng taong minamahal mo. patuloy pa ring tumutugtog sa isipan mo ang pangalan niya..di maErase Erase..parang xia na ang laman ng utak mo..
At isa pa. bakit ganun? pag pinipigilan mu naman ang nararamdaman mo sa isang tao, lalong tumitindi. Anu un parang alak? habang tumatagal lalong tumitindi ang tapang? lalong sumasarap? So, paniniwalaan ko pa ba ang utak ko niyan?
Liver, Spleen, Buto, atbp., may maikoComment ba kau maliban sa dalawang 2?!

Bakit kaya ganito..napakahirap magmahal ng taong di mo gusto pero gusto ka niya..at mahal ka niya.. pero ang mas mahirap lalo ay yung magmahal ka ng taong gusto mo, pero wala namang gusto seo..iba ang gusto niya..Bakit ganon? ang gulo ah? Ganito ba pag umiibig? Parang napakadaya? Di mo alam kung sino mamahalin mo..yung bang may gusto seo o yung sinisigaw ng puso mo? E pano na lang kung 2 ang umiibig sa isang tao..idadaan na lang rin ba sa 'may the best man wins?'
di mo rin alam kung sino pipiliin mo, ang taong nagkakagusto seo o ang taong nagmamahal seo..Pero mas mabuti kung pipiliin mo ay ang taong mahal ka..kase kung pipiliin mo ang taong gusto mo, kahit na may gusto rin yan seo, di tatagal ay iiwan ka niya para sa minamahal niya..saket nun di ba?
Pero gulo rin minsan..dahil di mo rin alam kung yung tao ba yon ay gusto mo o mahal mo na.. Di mo alam qng gusto mo lang siya dahil sa maganda siya, matalino o maganda ang pangangatawan..o mahal mo na xia dhil tanggap mo n rin qng anu siya.at khit n maganda xia o panget, mamahalin mo pa rin xia.
Ang hirap din pumili ng mamahalin. di mo alam kung ang taong nagsasabi seo ay mahal ka na talaga o gusto ka lang..lalo na ang dameng matatamis ang dila..kala mo 'pagmamahal' na ang nararamdaman nila..di mo alam masama pala ang intensyon nila. di yan maitatanggi dahil napakaraming tao dito sa mundong ibabaw ang ganito. kaya ang hirap at nakakatakot umibig dahil baka malinlang ka ng mga matatamis nilang pambobola..
E pano naman kung parehas kang mahal, sinop ang pipiliin mo?...siguro, mas maganda rin qng iisipin mo - san ka ba mas magiging masaya??

Baket kea ganon? Kung minsan, kung cno pa ang sobrang magmahal yun pa ang umuuwing talunan. Kung sino pa ang hinde, d mxadong nag-eeffort yun pa ang sinasagot! Baket, dahil ba sa guwapo siya o maporma siya kea mas pinili mo xia? Kea naman ang saket talaga sa mga taong umuuwing talunan lalo na sa mga taong binigay na ang lahat-lahat para lang masagot xia. Mas pinili pa ang mga mukhang 'babaero'.. Kea nga mahirap ring ipaglaban ang isang pagmamahal na alam mong sa una pa lang ay "talo" ka..

Hinde ko talaga alam kung baket ganito ang buhay pag-ibig. Di mo alam kung sino talaga ang talagang magmamahal seo. Di mo alam kung sino talaga ang right person sa buhay mo. San mo ba makikita ang taong hinahanap mo..ang taong talagang iibigin ka rin ng husto na katulad ng pag-ibig mo sa kanya? Napakarameng kayang tao sa mundo..Nasa pinas ba xia? Nasa States? Nasa Australia ba, Japan, Korea, o Africa? o nanjan lang sa kanto? sa tabi ng kaLye?? kea naman, Lord wala ba kayong maipapakitang sign jan kung yun na ba talaga ang taong mamahalin mo?

Bakit kaya ganon? kapag nahulog naman ang loob mo sa isang taong malapit seo, marami kang dapat isipin - ang pagkakaibigan niyo, ang iisipin niya. ang iisipin ng iba at ang sinisigaw ng puso mo? Dagdag pa dyan ay yung damdamin niya rin seo, ang magiging reaksyon ng iba, kung may masasaktan kang ibang tao, ang kinabukasan niyo..kulang na lang pati ang pambayad sa kuryente, sa tubig, mga pinansyal isama mo na! Ang daming mga agam-agam na naglalaro sa isipan mo.
pero kung ang problema mo ay yung iisipin ng iba, mahirap talaga yan... lalo na't alam mo na madami kang masasaktan pag pinilit mo ang gusto mo o ituloy mo yang sinasabi mong kasiyahan ,, pero iisipin mo pa ba ang iba sa mga bagay na kung saan nagiging masaya ka?
Minsan natatakot rin tayong aminin sa taong malapit sa atin na mahal mo xia. takot kang baka masaktan ka. Takot kang baka mag-iba ang pagkakaibigan niyo pag nalaman niyang may gusto ka sa kanya. Kulang na lang rin gawing theme song mo na ang 'Paano na kaya?' ni Bugoy ng PDA.
Totoo nga naman. masakit rin pag-basted ka ng kaibigan mo. at ang mas pangit pa niyan, magkakaroon ng gasgas ang pagkakaibigan niyong dalawa. pero akala mo ba di ka niya mahal dahil pinili niyang maging magkaibigan na lang kayo? Ang hindi mo alam, higit ka niyang mahal dahil pinili niya kung saan kayo mas magtatagal?!

Masakit nga ang umibig. Darating nga ang point na masasaktan ka sa pag-ibig. Pero kung hinde tayo magmamahal, di naman naten mararamdaman ang kakaibang kasiyahan na dulot ng pag-ibig.Saken naman, okei lang ang umibig..baxta ready ka sa mga consequences at ready ka ring masaktan. ready ka sa mga sitwasyon tulad ng break-up. Ikaw gusto mo pa bang umibig?

Hay naku, pag-ibig nga naman..Sakit sa ulo. Bakit nga ba nilikha pa ni Lord ang ganito?


Ano ba itong mga naglalaro sa isipan ko, puro katanungan..wag ñu nalang isipin yon! Mag-aral na lang kau! hekhek! xP



12/10/08 9:00 PM
"Ang Slumbook ni Ninoy Baltazar"
(slumbook na di dapat pag-aksayahan ng minuto sa pagbabasa!)
-director of nin0ybaltazar09 productions





Name :
Ninoy Baltazar

Parents:
Benigno "Ninoy" Aquino & Francisco Balagtas
(di ko alam kung sino talaga dyan ang tunay na lalaki!)

Sex:
Male. Bakit may Ninoy bang babae?

Zodiac Sign :
zodiac sign?..ako pa tinanong?! kabisado ko kaya lahat ng zodiac signs?!..medyo nakalimutan ko lang nang onte e..teka..Libra [hindi]... Cancer? [hindi rin]...Goiter [medyo malapit na!]...Herpes[mukhang napapahiya na ko rito]
teka lang ah...iniisip ko pa eh..alam ko hayup yun..sheep [hindi may sungay yun!] Kambing..?..Ahh! GOAT! SURE na SURE NA KO DYAN!

Nationality :
Filipino

Religion :
Christianity?... *napakamot ng ulo*  
Roman Catholic pala..sorry guys!

Status :
❒ single [di pwede magmumukha lang loner or NGSB pag nagkataon!]
❒ taken [taken, taken? taken mo lelang mo!]
❒ married [I'm too young for that..]
❒ in a relationship [asa ka pa boi!]
✔ its' Complicated  [dagdag sa ibaba]
*Complicated na lang pwede? hinayupak na mga choices yan! i'm STILL in a stage of DENIAL!! XD



|Course:
Kursong di man lang sumagi sa isipan ko.Di ko gusto pero gusto ng nanay at tatay ko...sila na lang kaya kumuha ng kursong 'to?.

Hobbies:
Kumain..Matulog ng 3 oras!..Gumawa ng video animations...Magbasa ng Libro..Tumulong sa Gawaing bahay...Playing computer games.. Surfing the net...Checking Email...Watching Radio, Listening to TV!..? (Oo na, dala yan ng tatlong oras na tulog, BASAG!)...Magpatawa at Blogging..
playing chess and other board games...
gumawa ng tula? (dati yun, pero di na ngayon)

Interest:
Magbasa ng mga libr0ng interesanteng basahin)...soundtrip..drawing.. 
learning different Philippine dialects & foreign languages..cooking..writing poems, writing short stories..writing novels...become an author...playing musical instruments..hanging out with my friends...& making video animations. :)


|Favorite Books::
Bible, Bob Ong books, Jose Rizal's Noli & El Fili

Favorite Subjects::
Chemistry, Literature, R.L.E., Anatomy & Physiology, Logic...O siya wala nang plastikan!

"BREAK TIME at UWIAN!!" woohoo! Di ba? feel na feel ko pa?

|Favorite Number::
Numero 9! [di naman obvious sa screen name ko noh?]

Favorite Games::
*Ahem* 
Sa mga bruskong katulad ko..isAng mACho [*toinkz!*]e anu pa bang paborito ko? Tanong pa ba yan??mahilig akong magLaro ng jacKstOne at chiNese Garter![*toinkz!*] (pero meron kaya nun? machong naglalaro ng chinese garter? ROFL.)
board games like chess, scrabble, saka hampasan ng tabla sa mukha libang na libang ako dyan! More on computer games din like DOTA, Battle Realms, hampasan ng mouse, keyboard, sampalan ng kable ng net at batuhan ng monitor! Mas maganda kung sa internet shop mo pa yan gagawin..'more players the merrier ika nga'..
mas maganda isama mo rin yung may ari, mas maganda, nakakalibang! PROMISE! :)

Favorite Cartoon Character::
sorry, di ako masyadong mahilig manood ng mga cartoons e..mga pang mature ang pinapanood ko..gusto ko si Dora the Expolorer at si Spongebob Squarepants na inaabangan ko sa TV. Astig di ba? 

Favorite Actor::
yung Hollywood actor.. bida ng Terminator 123..
c Arnold Swach [*erase*]
ArnoLd Schwatzen[*erase*]
Arnold Swatzene..[*erase*].......
ARNOLD CLAVIO na lang!

Favorite Movies:
 Okei lang saken ung mga movies na nakakatakot baxta nde brutal...gusto ko ung Saw 123, American Psycho at Texas Chainsaw Massacre!!Gus2 ko rin ung tipO ng movie na suspense-thriLLer (yung sobrang nakakatakot na parang aatakihin ka na sa puso..ung ganon!) namay kaxamang comedy (yung mapapaihi ka sa tuwa!)..at drama(mapapaluha ka..) na may advEnture! Saya noh? mer0n kaya nun?? Ö


|Most Favorite Band:
Die hard fan ako ng Eraserheads. favorite kong kanta nila yung 'Huling El Niño". The Best yun!
hindi pwera biro, die hard fan ako ng Eraserheads. :)

Favorite Music:
Kahit anong songs basta hindi maingay na pakinggan..gusto ko ung mga love songs ng Slipknot, Slapshock, Metallica, The Kiss, Cradle of Filth..woohooo! The best ang mga sentimental songs ng mga yan! Rakenroll! Yan yung mga tulad ng mga yan' di naman masakit sa tenga yung mga kanta nila, medyo lang!

Favorite Toy:
Gusto ko MANIKA..tapos may karayom, tapos samahan na natin ng buhok mo..at papakulam na kita!
[Buhay naman oo! pati ba naman toy pagdiskitahan?! sows!] (kanina ko pa to pinagloloko tong slumbook ko HAHAHAH! wag niyo nalng basahin PLS!! :))) ]


Favorite Pet:
Barney? ROFL
Dog...nDe naman sa paborito ko ang mga AsO,, ung mga garapata niLa OO! HAHAAHA! joke! 
Noon pa man,, pangarap ko nang magkaroon ng asO, yung cross breed ng  Bulldog  at  SHIT Tzu ! Anu kayang itsura yun noh? Mukha ba talagang  'B**l$#!T?! I luv that breed! hekhek!

Gusto ko rin mag-alaga ng Baby Phoenix! siguro nagtataka kayo kung anu yun?.. miski ako nagtataka kung anu yun at kung saan makakahuli nun, pero may friend nagturo saken at nagpatunay na ang baby phoenix ay nag-eexist talaga (kilala mo na tol kung sino ka kung mabasa mo man ito!)..simple lang pala yun basta sundin mo lang ang code nito:

ibon/sisiw/tandang  +  gas  +  posporo  =  Baby Phoenix!
*tandaan ang baby phoenix ay may napakaiksing buhay lamang..pwede mo siyang haplusin kung gugustuhin mo lng*

Favorite TV Show/s:
 Di naman ako, mahilig manood ng TV e...sa katunayan nga mga 12 hours lang akong nanunuod ng TV e...di ako nanunuod ng mga korning TV shows..kaya nga ang paborito kong pinapanuod sa linggo ay yung Lovely Day! Naiinis ako sa mga TV Shows na tungkol sa mga tsismis-tsismis! Naasar lang talaga ako sa mga baklang pumapakealam sa mga buhay-buhay ng mga artista..! NakakabakLa lang sila!...

the BUZZ at Startalk ang inaabangan ko sa Linggo ng hapon.

Ambition:
TuLad niyo, napakadami niya ambisyon ring sa buhay..una rito ay ang maging isang Christian professional nurse..naks banal! makapagtravel around the world...maging isang MILYONARYO (bakit sino bang hindi?)..to meet some of the famous people around the globe, to become a doctor, to become a magician, to become an author of a famous book, to become a scientist, to become a psychologist, to become a psychic, to become a painter, to become a chef, to become a linguist,to become an architect, to become a famous musician, to become a drug dealer, to become a drug lord, to become a serial killer, to become a criminal, to become a suicide bomber,to become a terrorist! ang saya saya noh..ang ganda na nga ng buhay pinaworst pa!..HAHAHA!

YUNG maayos na nga.....napakadami niya ambisyon ring sa buhay..una rito ay pagiging isang maunLad na SquAtter......isang drug lord!...maging isang tanyag serial killer!..criminal! suicide bomber!(sa edad na may bulak na ako sa ilong! hekhek!)....at maging isang sikat na terorista! May patutunguhan tong mga ambisyon 'to..sa hukay!


Favorite Qoute:
" TRY & TRY until you Cry!"



(wag niyo na lang paniwalaan ang mga nandito! HAHAHA! sorry sa mga nagtiyagang magbasa nito...kung anu yung nakikita niyong walang kapilosopohang sagot..matino yun.. pero MERON ba? HAHAHAH! :))

Salamat sa pagtyaga. Have a nice day! 

TWILIGHT Edward Fever!!


I wish normal people have a heart that vampires do..
once they fall in love..
they never fall OUT of love..


Yan ang isa sa mga linya na nakuha ng ilan sa movie na TWILIGHT. At napagtripan namang gawing text qoutes sa cellphone! Ayos di ba? at masaya pa niyan ay puro mga babae ang nagsesend nito sakin! Waaaa!!!!

Kahit saan ako makipag-usap, hindi mawawala sa pag-uusap ang TWILIGHT. lalo na ang darating na movie nito na napalabas nga noong nakaraang Sabado sa MOA. Sa mga ibang kaklase ko, TWILIGHT ang binubukang bibig. Sa isang kaklase ko, bumili siya ng magazine ng TWILIGHT na nagkakahalaga ng P700! Wow! ginto! kaya naman pasilip-silip lang siya sa loob ng magazine (bawal raw buklatin kase masisira ang SPINE! Haha!). At pati ba naman sa mga powerpoint presentation ng mga C.I. namin, TWILIGHT din! Wow! TWILIGHT FEVER ba 'to?

Tulad rin ng Chronicles of Narnia at Harry Potter, nagsimula rin ito sa isang kilalang librong nobela na isinulat naman ni Stephanie Meyer. Nagpapatungkol ito sa isang bampira (Edward Cullen) na nagkagusto sa isang dalaga (Bella Swan) na isang normal na tao at tumatakbo ang istoryang ito sa pagtatanggol ng bampirang ito sa kasintahan nito laban sa mga kapwa ring nitong mga bampira! Wow! Napaka-romantic naman nito..at kaya naman maraming nahuhumaling na mga babae kay Edward Cullen. Isang dreamboy talaga ng mga karamihan. Kaya naman din nang pinalabas na ang movie nito, marami ang mga tumili kay Robert Pattinson, ang gumanap ng Edward Cullen sa movie.



di ko talaga alam kung bakit marami ang nahuhumaling sa movie na ito. At sa ibang babae nga ay halos maghubad na ng kani-kanilang mga panty dahil lang sa sobrang pagka'fanatic' nila dito. Sobrang fanatic sa Twilight!
(nagring uli ang cellphone ko, 1 message recieved)



women nowadays still dream of a fairytale ending..
but what they want is not a knight on a white horse..
but a vampire with a shiny silver volvo!


Waaa! anu ba yan! pati ba naman jan!! Sa tingin niyo kaya nag-eexist ang mga yan? At kung nag-eexist man, sa tingin niyo kaya ay mala-Edward Cullen ang dating niyan? nde ah?! Sa mga messages na 2, parang gusto niyo nang ma-inlove na lang sa mga bampira ah? Gusto niyo ba ung tipong naninipsip ng dugo ha?
*May isang sumumbat na babae*
Babae: OO! xempre naman! gusto ko yung tipong sisipsipin niya ang dugo ko na hinde ako nasasaktan! may benefits pa! at gusto ko may pakpak na parang anghel *nagdeday dreaming*
Ah ganon?! E di magsama kayo ng sanitary napkin mong with wings! Hanap mu pala ang ganun e,, E sa yan ang nag-eexist ngeon. Baket palag? Haha!

Basta't ako nde ako kailanman magkakagusto o hahanga sa mga yan.. likhang isip lang ang mga yan! At saka di ako tipo ng tao na maghihilig panoorin ang fiction movie na yan! (pero kung ililibre niyo ko manood ng TWILIGHT, ok lang! Libre eh!)

Ang sakit sa bagang ng mga kababaihang nahuhumaling dito (at lalo na sa mga kalalakihan! na bumibigay na sa pagkalalaki para lang manood nito). E bakit nga ba tayo nahuhumaling sa ganitong love story? Do we really need to seek for the impossible? We can't have vampires as lovers..and if vampires do exist, sa tingin niyo kaya mababait yan? We can't be immortal. We can't be perfect and aside from that, they're all fiction! It's only in our minds & in the mind of the author/s who created them. Bakit saan ka ba naman nakakita ng mabait na bampira sa movie maliban dito? Na ganito magmahal? What only we can do is to stick with the reality.Have our own TWILIGHT love story!

Kaganina lang may nabasa ako sa FS bulletin,, gani2 ang mensahe:



if onli he is true to life..!!
i can offer my human life for him..
i lab him n..nyahahaha..
edward !!!!!!!!!!!
aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. ......
crazy over him...ihhihihih...
inspired.!




***


Anak ng PAtola naman oo! kagatin kea kita jan! Anu bang meron sa bampirang yan na wala sa iba? *biglang pinagtripang titigan ang picture ni Robert Pattinson..*


"Kala mo madadala mo ako sa mga titig mo... Edward!.....Bite ME!! I Love you! [sabay kiss sa picture!] *toinkz! uy, jowk lang un! di ako ganun kadesperado! Haha*

Anu bang pinagsaabi ko dito? baka langawain na ko ng mga fans na nagbabasa ng blog ko after nilang mabasa ang post ko..O cge hanggang d2 na lang aq...Di na ata 2 Twilight fever e...Edward Fever!










Edward...BITE ME!!
Nyahaha! XD






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger