Bakit kaya ganon ang pag-ibig?

Kuya, Ate...nag-aaraL ba kayo ngeon? (ngek! kita mung nagbabasa ng blog mo, nag-aaral! toinkz!) Pede ba kayong maistorbo kahit sandali? Naisip ñu na ba ang mga katanungan na ito sa isip ño?

Bakit kaya ganon noh? ang daling sabihin na mahal mo ang isang tao....ang daling sabihin na 'sasabihin ko na sa kanya!'...pero inabot ng pasko, di pa rin magawa-gawa..ang hirap gawin..lalo na kung harap-harapan m0 sa kanyang sasabihin..

Bakit kaya gan0n? ang dameng torpe pagdating sa pagmamahal? Di nila masabi-sabi sa minamahal niLa na mahal nila yon. Napakadali ngang sabihin pero ang hirap gawin! Gusto niyang lapitan, pero hinde na magawa. nahihiya pag gagawin na..Gustong makausap, pero di naman malapit-lapitan. wala namang mapag-usapan. At pagkakausapin na, di malaman-laman kung ano ang sasabihin, nabubulol na sa pagsasalita. At dagdag pa niyan nilalamig pag nasa tabi na ng crush niLa! Kaya I hate torpe talaga! At proud ako na sabihing ISa Ako Dun!! Haha! Nung una, naiinis ako sa mga taong nde man lang maipagtapat ang nararamdaman nila sa isang tao. pero nung naranasan ko, ang hirap pala. lalo na kung 1st time mo palang..nde ko maitatanggi, naranasan ko ang mga ito..lalo na nge0n! at masaklap pa, 1st year na yun! tin0torpe pa! meju close q na nga...tin0torpe pa! Bakit kea ganun?!

Bakit kaya ganon? hirap pumili kung saan susundin mo - ang sinasabi ng utak mo...o ang sinisigaw ng puso't damdamin mo? Ang utak na nagsasabi ng " Itigil mo na yan, masasaktan ka lang.." o ang puso mo na sumisigaw na "cge, ituloy mo yan! go for the gold!" (ang sarap di ba, chinicheer ka pa!)? Pero kung puso ang susundin mo, pede kang masaktan..pede kang masaktan sa sakit na dulot ng pagmamahal mo sa isang tao..kaso mararanasan mo naman ang magmahal..Pero kung isip naman ang susundin mo, di ka nga masasaktan, pero di mo naman makakasama ang taong mahal mo.
Anu ba ang dapat gawin? Sundin ang sinasabi ng puso o ang utak?
Pero kahit na rin sinasabi ng utak mo na 'itigil mo na yan,' di naman mawala sa isipan mo ang pangalan ng taong minamahal mo. patuloy pa ring tumutugtog sa isipan mo ang pangalan niya..di maErase Erase..parang xia na ang laman ng utak mo..
At isa pa. bakit ganun? pag pinipigilan mu naman ang nararamdaman mo sa isang tao, lalong tumitindi. Anu un parang alak? habang tumatagal lalong tumitindi ang tapang? lalong sumasarap? So, paniniwalaan ko pa ba ang utak ko niyan?
Liver, Spleen, Buto, atbp., may maikoComment ba kau maliban sa dalawang 2?!

Bakit kaya ganito..napakahirap magmahal ng taong di mo gusto pero gusto ka niya..at mahal ka niya.. pero ang mas mahirap lalo ay yung magmahal ka ng taong gusto mo, pero wala namang gusto seo..iba ang gusto niya..Bakit ganon? ang gulo ah? Ganito ba pag umiibig? Parang napakadaya? Di mo alam kung sino mamahalin mo..yung bang may gusto seo o yung sinisigaw ng puso mo? E pano na lang kung 2 ang umiibig sa isang tao..idadaan na lang rin ba sa 'may the best man wins?'
di mo rin alam kung sino pipiliin mo, ang taong nagkakagusto seo o ang taong nagmamahal seo..Pero mas mabuti kung pipiliin mo ay ang taong mahal ka..kase kung pipiliin mo ang taong gusto mo, kahit na may gusto rin yan seo, di tatagal ay iiwan ka niya para sa minamahal niya..saket nun di ba?
Pero gulo rin minsan..dahil di mo rin alam kung yung tao ba yon ay gusto mo o mahal mo na.. Di mo alam qng gusto mo lang siya dahil sa maganda siya, matalino o maganda ang pangangatawan..o mahal mo na xia dhil tanggap mo n rin qng anu siya.at khit n maganda xia o panget, mamahalin mo pa rin xia.
Ang hirap din pumili ng mamahalin. di mo alam kung ang taong nagsasabi seo ay mahal ka na talaga o gusto ka lang..lalo na ang dameng matatamis ang dila..kala mo 'pagmamahal' na ang nararamdaman nila..di mo alam masama pala ang intensyon nila. di yan maitatanggi dahil napakaraming tao dito sa mundong ibabaw ang ganito. kaya ang hirap at nakakatakot umibig dahil baka malinlang ka ng mga matatamis nilang pambobola..
E pano naman kung parehas kang mahal, sinop ang pipiliin mo?...siguro, mas maganda rin qng iisipin mo - san ka ba mas magiging masaya??

Baket kea ganon? Kung minsan, kung cno pa ang sobrang magmahal yun pa ang umuuwing talunan. Kung sino pa ang hinde, d mxadong nag-eeffort yun pa ang sinasagot! Baket, dahil ba sa guwapo siya o maporma siya kea mas pinili mo xia? Kea naman ang saket talaga sa mga taong umuuwing talunan lalo na sa mga taong binigay na ang lahat-lahat para lang masagot xia. Mas pinili pa ang mga mukhang 'babaero'.. Kea nga mahirap ring ipaglaban ang isang pagmamahal na alam mong sa una pa lang ay "talo" ka..

Hinde ko talaga alam kung baket ganito ang buhay pag-ibig. Di mo alam kung sino talaga ang talagang magmamahal seo. Di mo alam kung sino talaga ang right person sa buhay mo. San mo ba makikita ang taong hinahanap mo..ang taong talagang iibigin ka rin ng husto na katulad ng pag-ibig mo sa kanya? Napakarameng kayang tao sa mundo..Nasa pinas ba xia? Nasa States? Nasa Australia ba, Japan, Korea, o Africa? o nanjan lang sa kanto? sa tabi ng kaLye?? kea naman, Lord wala ba kayong maipapakitang sign jan kung yun na ba talaga ang taong mamahalin mo?

Bakit kaya ganon? kapag nahulog naman ang loob mo sa isang taong malapit seo, marami kang dapat isipin - ang pagkakaibigan niyo, ang iisipin niya. ang iisipin ng iba at ang sinisigaw ng puso mo? Dagdag pa dyan ay yung damdamin niya rin seo, ang magiging reaksyon ng iba, kung may masasaktan kang ibang tao, ang kinabukasan niyo..kulang na lang pati ang pambayad sa kuryente, sa tubig, mga pinansyal isama mo na! Ang daming mga agam-agam na naglalaro sa isipan mo.
pero kung ang problema mo ay yung iisipin ng iba, mahirap talaga yan... lalo na't alam mo na madami kang masasaktan pag pinilit mo ang gusto mo o ituloy mo yang sinasabi mong kasiyahan ,, pero iisipin mo pa ba ang iba sa mga bagay na kung saan nagiging masaya ka?
Minsan natatakot rin tayong aminin sa taong malapit sa atin na mahal mo xia. takot kang baka masaktan ka. Takot kang baka mag-iba ang pagkakaibigan niyo pag nalaman niyang may gusto ka sa kanya. Kulang na lang rin gawing theme song mo na ang 'Paano na kaya?' ni Bugoy ng PDA.
Totoo nga naman. masakit rin pag-basted ka ng kaibigan mo. at ang mas pangit pa niyan, magkakaroon ng gasgas ang pagkakaibigan niyong dalawa. pero akala mo ba di ka niya mahal dahil pinili niyang maging magkaibigan na lang kayo? Ang hindi mo alam, higit ka niyang mahal dahil pinili niya kung saan kayo mas magtatagal?!

Masakit nga ang umibig. Darating nga ang point na masasaktan ka sa pag-ibig. Pero kung hinde tayo magmamahal, di naman naten mararamdaman ang kakaibang kasiyahan na dulot ng pag-ibig.Saken naman, okei lang ang umibig..baxta ready ka sa mga consequences at ready ka ring masaktan. ready ka sa mga sitwasyon tulad ng break-up. Ikaw gusto mo pa bang umibig?

Hay naku, pag-ibig nga naman..Sakit sa ulo. Bakit nga ba nilikha pa ni Lord ang ganito?


Ano ba itong mga naglalaro sa isipan ko, puro katanungan..wag ñu nalang isipin yon! Mag-aral na lang kau! hekhek! xP



No comments:

0 comments:

Post a Comment






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger