Usapang "BALOT"


4/16/10 10:10 AM





Mga tsong at tsang, alam niyo ba ang pagkaing ito? Hmm...yummy ba? Haha! Balut ang tawag dyan. kung hindi ka isang Pinoy, pandidirihan mo ito. Pero kung isa ka namang Pinoy kaso nandidiri ka....eeew, arte mo!

Ang balut isa sa mga kilalang pagkain dito sa Pilipinas. Ito ay isang pagkain nanggaling sa kontinenteng Asya, lalo na sa Pilipinas, Tsina at Vietnam. Sa Vietnam, ito ay kilala sa tawag na 'Trứng vịt lộn o Hột vịt lộn.' Isa itong itlog ng bibe na dumaan sa fertilization kasama ang isang halos na nabuong embryo (o fetus ng bibe) sa loob na pinapakuluan at kinakain kapag nabalatan. At bakit balut? Kase nagmula ito sa salitang Tagalog na "balot".

Kadalasang binebenta ito tuwing gabi at di ko alam kung bakit. Ito ay madalas na kinakain ng mga pinoy na mahihina ang tuhod at dahil sa mataas ang protina nito, ito ang nagiging dahilan upang maging isa sa mga pulutan ng mga umiinom ng alak (yun din kaya ang dahilan kung bakit sa gabi nilalako ang balut? Oo alangan namang maglasing ka sa umaga o sa tanghaling tapat hindi ba?) Syempre kadalasang binibili rin ito ng mga lasenggero na walang mapagtripang pulutan sa kanila! (Na kadalasan kapag naparami rami ng kain ang mga lasenggero, iyak tawa na lang ang mambabalut kapag di na nila mabayaran ang kinain nilang isang buong basket na nilalako ng mambabalut!). Sa iba naman, sinasabi tinuturing itong isang pagkaing 'aphrodisiac' o pagkaing nakapagpalakas ng sexual desire ng isang tao. Kinakain ito kadalasan ng may asin, suka at o sili sa iba para magkaroon ng lasa at pampagana sa pulutan. Pero pwede rin atang asukal kung gusto niyo, ako hindi ko pa nata-try yun! Balitaan niyo na lang ako kung anung lasa tapos dagdagan niyo pa ng paminta at all-in-one magic sarap para cool!

Sabi ng  iba, ang pinakamasarap raw na balut ay ang 'balut sa puti' na kung saan ini-incubate ang itlog hanggang 16-17 na araw. Ito ay kung saan di pa masyadong nagdedevelop ang fetus na bibe sa loob ng itlog. Wala pang tuka, balahibo, at mga buto ng bibe ang naglalabasan dito. Sa ibang balut kase, halos sa karamihan, may makikita ka nang tuka, balahibo, at mga buto ng bibe. Kaya naman naging dahilan ito upang pandirihan ng mga ibang lahi. Tinuturing ito bilang isa sa mga kadiring pagkain dito sa buong mundo. Kahanay ito sa exotic foods tulad ng inihaw na daga, piniritong palaka, sinabawang bayag ng baka, piniritong ipis at alupihan ng thailand, shinopao na pusa at hotdog ni Aljur Abrenica. Kaya di naman di rin ako nagtaka kung bakit nasama ang pagkain ng balut sa Fear Factor! Pero kung ako sa kanila, kung gusto nila gawing Fear Factor yan ang ipakain sana nilang itlog ay yung mapipisa nang itlog ng bibe..tulad nito:





Sarap niyan pag kinain mo! Yung tipong gumagalaw na pag kinain mo. Madugo. Yun ang masasabi kong Fear Factor talaga: Ang Kumain ng Bibeng buhay na kakapisa pa lang! Hhhmm! Yum! Yum! Yum!

Dito sa Pilipinas, kilala ang Pateros bilang industriya ng paggawa ng balot. Naging kilala ang lugar na ito sa paggawa ng Balut na minana pa nila mula pa noong mga sinaunang panahon pa lamang. Kaya naman kilalang kilala na ito sa Pilipinas kapag pinag-usapan ang 'balut.'

Pero kung iisipin mo rin noh? Nakakalungkot rin ang mga bibeng 'to...hindi pa sila lumalabas, pinapatay na sila.hindi man lang nila nasilayan ang kagandahan sa labas ng mundo.Nakakaawa talaga sila..

*Naaawa habang sarap na sarap sa pagkain ng balut*

"Infairness, masarap siya...huh?....Ubos na? Pahingi pa nga!"

Habang kumakain ng balot, mayroon akong narinig na balita tungkol sa pagtutol ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng contraceptives dito sa pinas..Against daw sila sa Abortion..Abortion? Anung abortion dun? Wala namang pinag-usapang abortion dun ah? Iba po ang Contraceptives sa abortion! Saka sa term pa lang ay alam mo nang ang layo-layo ng koneksyon ng bawat isa. Sa abortion, pinapatay mo na dito ang fetus na nasa sinapupunan pa lang, na kung saan may buhay na. Pero sa contraceptives naman, pinipigilan mo rito ang pagmeet-up nina Boy tamod at ni Ovum girl. E di walang nabuong naganap. So ano naman ang koneksyon 'nun sa abortion?

Sa pag-iisip ko tuloy, nagkaroon tuloy ako ng interes sa abortion. Ano nga ba aborsiyon o pagpapalaglag?

Ito ay isang sadyang pagtatanggal ng fetus (nabubuo pa lang na sanggol) sa loob ng matris ng babae at nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang babae ay aksidenteng nakunan or spontaneous abortion kung tawagin. At pwede ring desisyon talaga ng babae na ipalaglag na talaga ang batang nasa sinapupunan niya (induced abortion). Sa kadahilanan ring di pa siya ready o gusto niyang takasan ang responsibilidad bilang isang magulang.

Ito rin ang problema sa atin e, gagawa-gawa tayo ng aksyon na wala tayong pinanghahawakan na responsibilidad. Inuna ang kasarapan kaya ayan tuloy nang bumukol na sa tiyan at nagbunga na, ang inosenteng bata na ang isasakripisyo nila sa ginawa nila. Hindi na rin kayo naawa. Paano na lang kaya kung kayo ang nasa sitwasyon ng fetus na nasa sinapupunan ng ina. tapos gagawin sa inyo ang abortion? Gugustuhin niyo pa kaya?

Karamihan na rin sa mga gumagawa nito ay mga tinedyer. Mapusok kasi ang stage na ito na kung saan lahat ng bagay ay pag-eexperimentuhan ng mga kabataan para lang ma-experience nila ang bagay na yun. Sa dinami raming 'Bagong Taon' na dumaan at lumipas, sa kama lang pala mapuputukan?! Tapos di nila malaman laman kung anu ang gagawin nila sa huli sa oras na nagbunga na ang lahat. Haay, buhay nga naman.!

Wala rin dapat sisihin sa isa sa kanila kundi sila ring dalawa. Hindi kasalanan ng bata yun kung bakit siya nabuo! Anong malay ng mga batang yan? Biktima lang sila. Ang mga magulang nito ang dapat sisihin. Ginawa nila yun e. Maliban na lang kung tipong ni-rape ang babae, natural ang gumahasa ang may kasalanan. Di mo rin pwedeng sabihing aksidente lang ang lahat? Dahil wala pa akong napapanuod sa TV o nababasang balita sa dyaryo (pero baka sa Tiktik meron!) ang tungkol sa "Pekpek na nabundol ng Hit-and-Run na Titi, BUNTIS." Pero ang dapat sisihin dyan ay ang lalaki na gusto ang kasarapan sa pagtatalik. Mga alpha kapal muks na mga lalaking magyayakag sa gf nila na kapag nagbunga ang lahat, hindi na nila pananagutan pa. Mga hindi tunay na lalake, hindi marunong managot at tumindig sa ginawa nila. Bihasa lang mambutis! Kakapal ng Mukha. Parang nasama ata ang mukha sa pagtapal ng aspalto sa kalsada na proyekto ni Mayor. Alpha Kapal Muks di ba?

bf and gf were blaming each other for the unwanted pregnancy of the girl...

bf: u must take care of that baby she'll be coming out from us, so that's yours..

after along moment of silence...

gf: so if u put a dollar into a vending machine and a pepsi comes out, does pepsi belongs to u or to the machine??

Ouch! Make sense di ba?

Kaya kung ako sa'yo pre, panindigan mo ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi naman sa kagustuhan rin ng girl yan di ba, kagustuhan mo yun! Kung iisipin mo, sino ba ang nasasarapan sa pakikipagtalik? di ba ang lalake? sa side ng girl masakit, madugo at mahapdi yan. At masaklap pa niya tinanggalan mo siya ng virginity dahil pinenetrate mo sa babae ang junior mo! nilacerate mo pa ang hymen niya. Totally, di na siya ganap na virgin sa ginawa mo. Ikaw ang salarin. Lagot ka kay Bongang Bong Bong at sa hotdog ni Aljur! Kaya kung ako sa'yo panindigan mo yan...Kaya rin karamihan sa mga babae ang nagpapalaglag dahil sa inyo e..Hindi niyo inaako ang responsible sa magiging anak niyo..!

*Biglang may humirit na lalake*

Lalake: Anung paninindigan ko dyan? di naman babae yun e..bakla yun! Tapos sasabihin niyang buntis? Manigas siya! *toinkz!*

Wala naman problema sa paggamit ng contraceptives e lalo na kung ituturo mo sa mag-asawa ang family planning. Pero nauunawaan ko rin kasi ang side ng Simbahan kung ano ang kanilang pinaglalaban. Sagrado ang bawat punlay ni Adan at di dapat sayangin. PRO-Life ang Simbahang Katoliko kaya tutol talaga sila rito.  Pero di naman natin pwede iasa ang lahat sa 'abstinence' at kay Maria's Palm ang lahat (pero masama rin daw ang masturbation, tsk!) at sa aral na ' humayo kayo at magparami'. Sobrang dami na ng mga Pilipino ngayon na mahihirap. Ang karamihan sa kanila ay wala na ngang trabaho, magsisipag pang gumawa ng bata. Kawawang nanay na laging nilalapastanganan ng kanyang asawa. Nabungal na sa kakaluwal ng mga sanggol na pwede nang makabuo ng cheeering squad team! E buti kung sana nabibigyan ng sapat na trabaho at kinabubuhay ang bawat Pilipino ay ok sana. Masaya nga ang magkaroon ng maraming pamilya yun ay KUNG ANGAT ang mga ito sa kanilang BUHAY. Hindi naman masaya ang isang pamilya kung hindi mo rin naman matugunan ng sapat na pangangailangan at nutrisyon ang mga bata. Di lang sila ang kawawa, pati na ang buong pamilya.

Napalayu-layo na tayo sa topic natin. Nagkekwento ako tungkol sa balut tapos napunta tungkol sa abortion. Pambihira kase 'tong nasa Simbahang Katoliko e. Napunta tuloy sa usapang Abortion. Saka hindi na rin dapat sila makialam sa desisyon ng gobyerno dahil hindi naman din sila pinapakialaman di ba? Saka anu na lang ang silbi ng Philippine Constitution natin kung nde nila susundin ang Article II. Sec 6 : "The Separation of Church and State?" Saka ang Abortion ay Abortion! at hindi Conceptives ay Abortion! Ang problema kasi sa atin eh gumagawa na nga ng paraan ang gobyerno tapos pipigilan niyo pa. Parang PRO pa ata kayo sa overpopulation dito sa atin e. Buti kung sana lahat ng mamamayan ay nabibigyan na sapat na trabaho ay pwede sana.

Anu ba yan..isyu na naman tuloy ang Contraceptives at Abortion..Panu ba naging kontrobersyal ito sa atin? Ano ba ang rason kung bakit nagiging isyu pa ang 'Abortion' sa Pilipinas? Ang dahilan kung bakit patuloy pa ang pagdedebate naten tungkol dito? Habang kumakain ng balut. Bigla akong napaisip-isip.........


"ALAM KO NA ANG SAGOT SA KATANUNGAN KO!..."


-nin0ybaltazar09-

About the Artist

nin0ybaltazar09 PRODUCTION ©


Richard Garcia (born April 4, 1991 in Abu Dhabi, UAE), widely known as Ninoy Baltazar, is a Filipino video animator in YouTube. He makes video animations of different songs from local/foreign singers/band, out from MS Paint & Windows Moviemaker. His video animation music videos were songs from Parokya ni Edgar & Kamikazee. Aside from this, he is also comic strip creator, a DeviantARTist (non-premium member); and a director and producer on his own production, nin0ybaltazar09 PRODUCTIONS in YouTube.

The pseudonym Ninoy Baltazar came about when the artist was at his high school days. He was at his 2nd year high school when he heard it from a group of his classmates who were fond of mentioning a name Ninoy Baltazar, which was came from a combined name of a Philippine senator Benigno Simeon "Ninoy" Aquino, Jr. and Filipino poet Francisco Baltazar. And there he used it as his pseudonym in his artworks (but he was not officially use it during his high school days). He used that pen name when he entered in college at San Juan de Dios Educational Foundation Inc., College (2007) due to the fact that he doesn't want to reveal himself to his 1st puppy love name Cammyl and there his famous pseudonym was born.

Pseudonym
Ninoy Baltazar was 1st used in his literary works like poems and short stories but sad to say, his career being a poet had been ended after he was basted by his 1st love.
May 2008 when Ninoy Baltazar created an account in Youtube and become a part of a Youtube community. Ninoy got interested in video animating on April 2009 after he saw many video animations out from stick figures in Youtube. The works of 'firstkissgoodbye' made him motivated to do also video animation and through this, he challenged himself to do a cartoon instead of stick figure. His first experimental video animation, I Wish You Knew This Song Was About You by Daphne Loves Derby, was successfully made and through this, he started to continue to make another video animations. He also make his own logo for his official production, nin0ybaltazar09 PRODUCTIONS and this is the start of his career.

Early life and education

Ninoy was born in Abu Dhabi, UAE, to Antonio Garcia and Evelyn Catenza. At 12, Ninoy, the eldest among the 2 children, was already participating in different poster making contest and board games in LAPPRISA palaro. He finished his secondary education at Camella School in Las Piñas City. During his high school days, he bacame a cartoonist in their school publication, D' Camellans. He was mostly assigned at Editorial cartoons & comics. He is also fond to draw different Philippine Mythical Creatures like tikbalang, santelmo, aswang, etc. He is presently studying at San Juan de Dios Educational Foundation Inc., College in his BS Nursing.

Works
Year Title of Works
2009 I WISH YOU KNEW THIS SONG WAS ABOUT YOU by Daphne Loves Derby
2009 CHIKSILOG by kamikazee
2009 AMBISYOSO by kamikazee
2009 THE LONGEST STORY by DaphneLovesDerby
2009 LABSUNG by PNE
2009 SAYANG by PNE
2010 MAHAL KITA KASE by NicoleHyala
2010 SOMEBODY by DepcheMode
2010 NGITI by JakeVargas
2010 SORRY NA by PNE
2010 YOUFIRSTBELIEVE by Hoku

Salamat sa mga bumati! ^_^


Sa Mga friends ko, paxenxia na kung di ko kau maiimbitahan..sabado de gloria ngayon..bukas pa pwede magsaya..
Pero nagpapasalamat parin ako sa inyo, dahil kahit na ganito, nand2 parin kau para bumabati saken sa akin ng 'maligayang kaarawan'

MAraming Salamat sa inyo ! ^_^

PS: Nagbago na pala ko ng website design ko sa blog ko..haha! para naman new look di ba? haha! kaya lang wala pa kong maipopost d2 sa blog ko..hehe! cge po, Have a great day sa inyo & God Bless to all of you! ^_^

Somebody by Depeche Mode [REQUEST]

4/1/10 5:42 PM








Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger