USAPANG VIRGINITY!

10/15/13 12:55 AM



RATED SPG:

Bawal sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan. Maaaring may maseselang tema, lengwahe, sekswal, horror at droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Pero kung makulit ka, anu pang magagawa ko e binabasa mo na? Pilipino nga naman! :))


* * *

Alam kong maselan ang usapin nating 'to. Pero dahil sa may mga nagrerequest ng ganitong topic. Aba'y sige patulan na natin at ating pag-usapan. :)

Ano nga ba ang virginity? Mahalaga pa rin ba sa isang relasyon  ang pagiging birhen ng isang babae o lalaki? Meron pa kayang magkakasintahan na virgin pa? Ikaw, virgin ka pa ba?

Ayon sa diksyunaryong pinauso ko lang, ang virginity ay isang estado na kung saan ang isang tao ay hindi pa nakakaranas o wala pang karanasan pag dating sekswal na pagtatalik.Sa madali't salita kapag hindi pa napapasukan ng kahit sinong junior (na mapa-german frank pa yan, hotdog, sausage or skinless longganisa!)  ang kepyas ng isang babae, virgin ka pa. At vice versa rin sa kalalakihan. Ito rin ay sumisimbolo sa purity o kalinisan ng isang babae o lalaki.

Sabi nga nila, Virginity is the best 'wedding GIFT' a man could receive from his wife as his lifetime partner. Pero sa panahon ngayon na binabasura na ng karamihan ang pagiging konserbatibo at nagiging mapupusok na at mas makati pa sa mga higad ang mga kabataan, ginagawa na lang Birthday Gift aka 'birthday sex,' Monthsary Gift, Anniversary Gift, Christmas Gift, Valentines Gift, at kung minsan pa nga kahit walang okasyon basta TRIP TRIP lang (lalo na kung malamig lamig ang panahon)! Sweldo na pala ngayon. Meron rin kayang 'kinsenas' gift or 'end-of-the-month' gift sa mga mag-irog? hmmm..

Sa panahon ngayon, masasabi mo pa ba talaga na importante sa isang relasyon ang virginity? kung meron man malamang sa alamang, nasa isang hintuturo na lang ng daliri ang kanilang bilang. Ibang-iba na kasi ang mga kabataan noon sa ngayon. Kung dati kapag mag-aakyat ng ligaw si lalaki sa babae, dadaaanin niya ito sa harana, papadalhan ng mga flowers, tsokolate, love letters at tula, tapos pagsasalukan ng baldeng tubig at magsisibak ng mga kahoy para bumilib sina erpat at ermat. Ngayon, iba na. Iba na ngayon sa panahon ng teknolohiya. USAP-KITA-DEAL na ang tema. Hindi na uso ang pagsisibak ng kahoy. Dalaga na ang sinisibak! Ang matindi na kapag nabuntis, Hit-n-Run ang labas! Kahit ano man ang tanggi natin o pagkukubli sa lipunang ating ginagalawan, hindi natin maitatago na talamak na ang pre-marital sex sa lipunan. Para bang normal na lang ang mga ganitong sitwasyon sa mga magkasintahan na nagmamahalan. Kasing normal ng paglalantad sa pagiging tibo ni Charice Pempengco.

Ayon sa pag-aaral noong 2011, mahigit kumulang sa 70% na raw na nasa 13-20 taong gulang na mga kabataang pinoy ay nakaranas na ng premarital sex. Nasa higit kumulang 8% naman ang mga kabataang  nasa relasyon din pero kasalungat sa nauna. Sa madali't sabi, sila ang mga Crisostomo't Maria Clara na di pa rin nila pinupunit ang sedula ng kanilang pagkakonserbatibo at pinaiingatan hanggang sa sila'y ikasal. At meron ring hindi na virgin si bf/gf, pero pinaiingat-ingatan pa rin niya ang pagkabirhen ng kanyang kabiyak. Saludo ako sa mga ganitong kabataan. Habang ang natitirang porsyento naman ay binubuo ng mga single, mga nagdesisyong pumasok sa kumbento, mga NGSB/NBSB at mga forever alone na mga kabataan. Kabilang na dito ang mga kabataang nagtitiyaga na lang aliwin ang sarili sa ibang larangan at sa mga nakikipagromansa pa rin sa 'Mariang Palad' na mga kalalakihan. Mas liberal na talaga ang pananaw ng mga kabataan ngayon ayon sa sex. Sabi nga nila, kung ang partner mo ay 12 taong gulang pa lang, 85% virgin pa yan. kung 13 taon gulang pataas, naglalaro sa 84-25% ang tema. Kapag sumapit na ng 16 gulang pataas , 25% at pababa nang pababa ang chance na virgin pa sya. Kung ikaw ay isang nilalang na naghahanap ng 100% virgin, pwede kang pumili ng dalawang option:
(1) Humanap ka na lang sa kumbento
(2) Kung ayaw mong maging pedophilia, hindi na kailangan malaman pa!
At sa lahat ng nasabi kong pag-aaral, lahat ng yan pauso ko lang.

Sabi nila isa raw sa palatandaan na isang virgin ang isang babae ay ang mismong hymen nila. Ito raw ay isang manipis na membrane na pumapaligid o partially na tumatakip sa pambungad na kepyas ng babae. Kung nakita mo ito sa girl, jackpot ka! Pwede ka nang magpaburger (at samahan mo na lang din ng fries) dyan dahil virgin pa si girl! Kahit naman sino ay matutuwa dahil maliban sa pagkakaroon ng anak sa labas ay wala nang mas sasaya pa sa mga good news na mababalitaan mo kapag malaman mo na ang minamahal mo ay virgin pa! Pero huwag kang ma-disaapoint naman kung walang ganun si girl. Dahil malay mo pinagtataguan ka lang? O di kaya naman pinagbakasyon lang yun ni girl sa San Francisco! O hindi mo lang talaga alam ang itsura ng hymen? Hindi. Biro lang. Hindi porket walang hymen ang minamahal mo ay ibig sabihin hindi na siya virgin? Hindi. Marami rin kasing mga strenuous activities that can destroy the hymen like biking, ballet, motorcycling, horseback riding, o siya yung binaback-riding, hindi ba? Pwede ring dancer siya at mahilig-hilig magsplit-split nang buong maghapon ang lola mo? O di kaya sumasali siya sa mga peryahan or talentado contest na kayang magbukas ng tansan gamit ang kepyas niya! Huwag ka agad maghusga. Tanong tanong ka rin kasi 'pag may time! So the best way to know if your GF/BF is still a virgin is to ASK him/her (pero syempre handa rin ang mukha mo sa posibleng magkabilaang sampal o bigwas na sasagot sa tanong mo!).

Aminin man natin o hindi, may mga kalalakihan talagang sobrang disappointed o frustrated kapag nalamang may mas nauna nang buminyag sa kepyas ni girl. Parang pinagbagsakan ng Colt45 ang mukha nang malaman na hindi na pala virgin ang babaeng pinapangarap niyang pakasalan. Parang yung feeling na 'nasingitan kang makapasok sa elevator at iniwan kang nakatayo habang hinihintay ang pagbalik nito mula 30th floor? Yung feeling na tatlong hakbang ka na nga lang sa finish line nang biglang nagcramps ang mga paa mo kung kaya naman naunahan ka ng mga ungas na nasa likuran mo? Disappointed dahil may mas nauna pa sa'yo. Frustrated dahil hindi na birhen ang babaeng pinapangarap mong makasama panghabangbuhay. Di rin natin masisisi ang ganoong kaisipan ng mga kalalakihan, lalo na kung siya ay virgin din palang. Pero ano nga ba ang mawawala sa pagkalalaki mo kung hindi na virgin ang isang minamahal mo? Kung mahal mo talaga ang isang tao dapat tanggap mo ang lahat lahat sa kanya, di ba? Ultimong sa pagiging maarte niya, na mala AK-47 ang bibig niya kung magtatalak, mahaba ang baba niya, mukhang o hindi nag-aahit ng kilikili ay dapat tanggap mo pa rin siya. Kung ang amoy ammonia niyang hininga natanggap mo, e yun pa kayang wasak niyang hymen di mo pa matanggap-tanggap? Wala namang masama sa ganyan. Kung mahal ka talaga niya, lilipas din yan at matutunan niya rin niyang tanggapin yan kung gugustuhin niya. Wala na rin naman siya magagawa e, kundi tanggapin ang katotohanang di ka virgin. Saka pano na lang rin kung after niyong ikasal malaman mong di na pala siya virgin? Mailuluwa mo pa ba ang mainit na kaning naisubo mo na?

Di ko rin lubos maisip sa mga lalaking naman na hindi makuntento sa isang babae at nakukuha pang tumuhog ng iba't-ibang babae. Mga inaanak siguro ng Haring Solomon wala na yatang iba pa sinumpaang tungkulin ang mga yan kundi 'tumuhog at magparami!'  Labas na dito ang mga Muslim at syempre hindi sa mga nagpapaka-Muslim? May kota ba kayong hinahabol? May trophy ba o medalyang isasakal sa inyo kapag nakatuhog ka ng 5 hanggang pataas na birheng kababaihan at maipagmamalaki mo sa kapwa kalalakihan? Kung iniisip niyong sikat ka na sa ginawa mo sa ibang kalalakihan, ang dapat sa'yo hampasin ng tropeyong hugis ng 'ARI NG LALAKI" (ANL) hanggang sa matauhan. Ang dapat sa inyo pinuputulan ng kinabukasan! Wala kayong karapatang magsabi ng 'sorry, tao lang..." hindi dahil sa gasgas ang linyang 'to. Binigyan tayo ng Diyos ng pag-iisip para malaman kung anong tama't mali at hindi para mag-asal hayop tayo!

Naalala ko tuloy nung mga nakaraang buwan habang nakikinig ako sa radyo, naabutan ko ang isang caller na tumawag sa DJ sa isang programa na madalas kong sinusubaybayan gabi-gabi. Nagpakilala ito at kinwento niya ang nangyari sa kanilang ng bf niya. May nangyari sa kanila ng bf niya. Pero sobrang broken hearted yung girl dahil matapos na may nangyari sa kanila ay nakikipagbreak na sa kanya ang guy. Habang nagkuwekwento siya, na sa di ko malaman laman kung naiputan ba ng kamalasan (singlaki siguro ng hollow-block ang ipot), ay sakto pang nakikinig din ng radyo (at sa mismong programa ding yun) ang ermat niya! Anak ng Wild Confession nga naman! Binaba kagad ng girl ang telepono habang binubungangaan siya ng ermat niya! Ayun matapos binaba ay sinundan ng tawanan. Masakit. Makirot. Mahapdi. Pero walang mas sasakit pa kapag nalaman pa lalo ng magulang mo ang bagay na di dapat malaman!

Sa mga babaeng hanggang ngayon iiniyakan ang virginity nila dahil naibigay nila sa maling tao. Tahan na. Itigil mo na yan, Kahit ano namang iyak mo, hinding-hindi na maibabalik ang virginity mo. Kahit anong hinanakit mo, hindi na mabubuo ang wasak na hymen. Tapos na at nangyari na ang lahat. Lahat ng mapapait na alaala, ibaon mo na sa limot. Pero kung dinadamdam mo pa rin yung sakit na iniwan sa'yo, pwede mo rin naman siyang balikan...tapos ibaon mo na rin sa lupa para wala ka nang problema! Move on, move on din pag may time. Di pa tapos ang kabanata ng buhay mo at lalo na sa pag-ibig. Ipagpaubaya mo na lang sa itaas ang mga taong nanloko sa'yo. Kakarmahin din mga yan! Tamaan sana mga yan ng kidlat at ibigti ang kanilang junior sa puno ng kamatisan! Darating din ang tamang lalaki para sa'yo at tatanggapin ka. Hindi importante kung kanino ka nauna. Ang mas importante ay kung sino ang magiging huli mo at makakasama mo panghabangbuhay. Sa mga babaeng still virgin dyan out there, kung ayaw mong magasgasan ang dangal at pagkatao mo, pakaingatan mo.

Kung tunay kang lalaki at mahal mo talaga ang babae nandyan sa tabi mo, maging virgin man ito o hindi na, papakita mo pa rin na kahit na marami siyang pagkukulang at mga peklat ng nakaraan na nakikita mo sa  babaeng mahal mo ay nandyan ka pa rin para kumpletuhin ang mga pagkukulang na iyon para maging kumpleto't maganda siya sa paningin mo at sa paligid niya. Women should be treated nicely at lalo na ang kanilang virginity ay dapat pinaiingat-ingatan at hindi gagawing sex objects ng mga kalalakihan.  They should deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Kung may toyo man sila, unawain mo na lang para di na humaba pa ang gulo. Lilipas din yan. Sabi nga nila, pasayin mo sila at gawin mo ang lahat lahat iyong makakaya para maging 'scar-free' ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi kailanman pwedeng maging sukatan sa pagmamahalan ang virginity. Dahil ang virginity ng taong mahal mo pinagkaingatan mo man yan ng matagal ay darating din ang araw mawawasak at mawawala yan. Pero ang totoong pag-ibig na pinagkaingatan mo nang matagal ay tumatagal, sumasaya at sumasarap at panghabang-buhay yan..

Ikaw, kung papipiliin ka. What is the greatest gift of a woman can give a to man? Is it her virginity or her heart?  Whatever u choose, don't take it for granted! ;)



-nin0ybaltazar09-


Ang bata, ang batang gamu-gamu at ang gasera

Ang bata, ang batang gamu-gamu at ang gasera
24 July 2012; 9:37am

Sa isang gabing mapayapa na nababalot ng dilim ang buong kapaligiran at tanging nagniningning ay ang mga bituin at ang bilog na buwan ang siyang nagbibigay iliwanag sa kalangitan, may isang bahay sa isang bayan na tanging ilaw sa gasera ang siyang nagbibigay liwanag sa isang silid. Isang silid na kung saan ay naroon ang isang ina na tinuturuan ng kanyang anak sa takdang aralin nito para sa kinabukasang pagpasok. habang nagtuturo sa takdang aralin ay napansin ng ina na hindi nakikinig ang kanyang anak. Sa halip nakatingin lamang ito sa isang gamu-gamung lumilingid lingid sa ningas ng ilaw ng gasera.

"Makinig ka anak at may ikwekwento ako sa'yo" wika ng kanyang ina.

Nabuhayan ang loob ang bata. Humanda ito sa pakikinig pero di pa rin naalis ang kanyang tingin sa gamu-gamong umilingid-lingid sa ilaw ng gasera.

"Minsan daw mayroong isang batang gamu-gamu na naakit sa liwanag ng apoy.Binilinan na ito ng kanyang ina na huwag siyang lalapit sa apoy kailanman sa kadahilanang ikamamatay niya kung gagawin niya yun. Pero hindi nakinig ang batang gamu-gamu bagkus hinangad niyang lumapit sa kagandahan ng liwanag. Gustong gusto niya ang liwanag ng apoy kaya sinuway niya ang habilin ng kanyang ina. Masarap ang bawal. kaya naman lumipad pa rin siya palibot sa apoy. Palapit nang palapit sa apoy...hanggang sa nagliyab ang kanyang mga pakpak at siya'y tuluyang namatay..."

Nagulat ang bata sa nakita. Timing talaga na nasa mismong ending na ng kwento ay nakita niya kung papaano nasunog nga ang isang munting gamu-gamo nang mahagip ito ng apoy. 


"Pepe, nakuha mo ba ang ilab sabihin ng kwento ng batang gamu-gamo," wika ng kanyang inang wari'y malapit nang mapaluha. 


"Opo, inay" sagot ng bata. Nagulat ang ina at hinintay ang sagot ng bata. "Dapat hindi siya lumapit sa liwanag ng apoy nang di nabuwis ang kanyang buhay...

May BUMBILYA naman po! Atat siya! Hindi na lang niya hintayin na bumalik ang kuryente natin at brownout dito! E di hindi pa siya namatay! Buti may charge ang Ipad ko. Makapag-temple run na nga muna.."


"Ang galing mo talaga anak! Sige umpisan mo nang magtemple run diyan habang hinahanap ko ang hustisya ng patpat na mahahambalos sa pwet mong punyeters ka! SIGE TAKBO! "

True Story.

Paalam, Lola Remy

8/16/13 2:00 AM



Musmos pa lang kami noon nung kami'y iniwan sa piling niyo
ng aming magulang para mangibang bansa't doon magtrabaho
dalawang taong gulang pa lang ako ng kami'y iniwan sa inyo
magkaroon lang ng magandang buhay. kami'y sinakripisyo


sinubaybayan niya kami hanggang sa aming paglaki't inalagaan
ang aming lumbay sa pagkawalay pinunuan niya ng kasiyahan
kapag ako''y may sakit, nandyan siya sa tabi't ako'y inaalagaan
hindi siya aalis hangga't hindi umiigi ang aking karamdaman 


sa pagtuturo ng pagsusulat at pagbabasa kami ay tinuruan
para lang kami matuto't makapasok kaagad sa eskwelahan
sa pagpasok at pag-uwi namin sa eskwela kami'y inalalayan
ilang taon ding siyang nagtiyaga sa aming mga kakulitan


kami'y nilingap at inaruga na puno ng pagmamahal 
Pinalaki niya kami't binusog ng mga pangaral
tinuruang magpahalaga at ginabayan sa pag-aaral
tinuruang may takot sa Diyos at sa araw-araw magdasal


ilang taon din nagdaan, ang paglingap ay naghanggan
nang mga magulang nami'y umuwi na sa bayang sinilangan
nagkaroon ng maikling na pagtatalo't biglaang napagdesisyunan
kami ng pamilya'y luluwas at sa Las Pñas na doo'y manirahan


lumipas din ang maraming taon, samaan ng loob ay humupa
ang di pagkakaunawaan sa pamilya ay lumipas at naglaho na
kami niya ay idinalaw at nang makita'y niyakap nang mahigpit
oh, anong saya ng makita namin ulit ang lola na masaya!


ilang panahong nagdaan, sa kanya'y nababatid na rin 
kayumanggi't kulubot na katawan na sinubok ng panahon
ang kanyang buto't kalamanan na binanat ng kahirapan 
pagod na ugat na siyang lantad at bunbunang puno ng uban


isang araw ng ika-12 ng Agosto nang ika'y nabalita
nakagugulat na balita na ang aking lola'y pumanaw na
ikaw daw ay na-stroke at huli ka nang ika'y naagapan 
30% natitirang buhay sa utak nang naisugod sa pagamutan

kasabay ng pagbuhos ng ulan sa kalangitan,
ang pag-agos ng mga luha dahil sa'yong paglisan
masakit mang na isipin na ikaw ay wala na
dahil ang misyon mo dito sa lupa ay tapos na


di na masisilayan pa ang mga ngiti sa'yong labi
di na madadama pa ang yong halik sa aming pisngi
di na masusulyapan pa mga guhit sa'yong mukha
pagka't ika'y masisilayan na lang sa mga litrato't alaala


lungkot at tangis man naghahari, may saya pa ring nadarama
lungkot dahil ika'y wala na't di na makikita't makakapiling  pa
saya dahil alam ko na di ka na maghihirap at ika'y payapa na
Marahil sa oras ding 'to'y kapiling mo na sa langit ang Diyos Ama


Paalam lola, hindi ka namin malilimutan. nawa'y maging payapa ka na..
Maraming Salamat po sa lahat, nawa'y sa piling ng lumikha'y ika'y liligaya
Habang buhay naming sasariwain ang iyong pagmamahal at aruga.. 
Paalam po Lola Remy, hanggang sa muling pagkikita... 




 - nin0ybaltazar09






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger