Ang bata, ang batang gamu-gamu at ang gasera
24 July 2012; 9:37am
Sa isang gabing mapayapa na nababalot ng dilim ang buong kapaligiran at tanging nagniningning ay ang mga bituin at ang bilog na buwan ang siyang nagbibigay iliwanag sa kalangitan, may isang bahay sa isang bayan na tanging ilaw sa gasera ang siyang nagbibigay liwanag sa isang silid. Isang silid na kung saan ay naroon ang isang ina na tinuturuan ng kanyang anak sa takdang aralin nito para sa kinabukasang pagpasok. habang nagtuturo sa takdang aralin ay napansin ng ina na hindi nakikinig ang kanyang anak. Sa halip nakatingin lamang ito sa isang gamu-gamung lumilingid lingid sa ningas ng ilaw ng gasera.
"Makinig ka anak at may ikwekwento ako sa'yo" wika ng kanyang ina.
Nabuhayan ang loob ang bata. Humanda ito sa pakikinig pero di pa rin naalis ang kanyang tingin sa gamu-gamong umilingid-lingid sa ilaw ng gasera.
"Minsan daw mayroong isang batang gamu-gamu na naakit sa liwanag ng apoy.Binilinan na ito ng kanyang ina na huwag siyang lalapit sa apoy kailanman sa kadahilanang ikamamatay niya kung gagawin niya yun. Pero hindi nakinig ang batang gamu-gamu bagkus hinangad niyang lumapit sa kagandahan ng liwanag. Gustong gusto niya ang liwanag ng apoy kaya sinuway niya ang habilin ng kanyang ina. Masarap ang bawal. kaya naman lumipad pa rin siya palibot sa apoy. Palapit nang palapit sa apoy...hanggang sa nagliyab ang kanyang mga pakpak at siya'y tuluyang namatay..."
Nagulat ang bata sa nakita. Timing talaga na nasa mismong ending na ng kwento ay nakita niya kung papaano nasunog nga ang isang munting gamu-gamo nang mahagip ito ng apoy.
"Pepe, nakuha mo ba ang ilab sabihin ng kwento ng batang gamu-gamo," wika ng kanyang inang wari'y malapit nang mapaluha.
"Opo, inay" sagot ng bata. Nagulat ang ina at hinintay ang sagot ng bata. "Dapat hindi siya lumapit sa liwanag ng apoy nang di nabuwis ang kanyang buhay...
May BUMBILYA naman po! Atat siya! Hindi na lang niya hintayin na bumalik ang kuryente natin at brownout dito! E di hindi pa siya namatay! Buti may charge ang Ipad ko. Makapag-temple run na nga muna.."
"Ang galing mo talaga anak! Sige umpisan mo nang magtemple run diyan habang hinahanap ko ang hustisya ng patpat na mahahambalos sa pwet mong punyeters ka! SIGE TAKBO! "
True Story.
No comments:
0 comments:
Post a Comment