Nakaw Tingin

8/29/08 7:42 PM



Sa umagang pagising ko
Anong saya aking nadarama
Nasasabik nang pumasok sa eskwela
Para lang masilayan ka sinta

Nasasabik na talaga akong
Masilayan ka sinta ko
Di na talaga mapagpigil pa
Ang puso ko na ikaw palaging sinisigaw

Nais ko muling masilayan
Mga mata mong nakakaakit
Na wari mo'y nakakabighaning
Mga bituing nagniningning sa kalangitan

Nais ko muling masilayan
Ang namimiss kong ngiti mo
Nasa bawat kislap nito'y
Ligaya ang tinataglay

Nais ko muling masilayan
Ang malaanghel mong mukha
Na nagbibigay saken ng ng sigla
at nagbibigay kulay saking buhay

Sana'y mapagbigyan
Na ika'y muling masilayan
Kahit na sa isang nakaw tingin lang
ay para nang ako'y nasa langit na!



-nin0ybaltazar09-


Posted by
nin0ybaltazar09

More

MakaBaGong SaLawiKain ng Pinoy!

>"Di bale nang MagnakAw.......
Wag lang MamamakLa!"



>"An apple a day...
makes efren bata reyes and ronnie alcano cry
everyday.(they have NO TEETH)"



>"Kung kaya ng iba...
Ipagawa mo sa kanila!"



>"Di Bale nang tamad...
huwag lang pagod!"



>"try & try until you cry!"



>"Kapag maiksi ang kumot...
sa baby ipagamit."



>"Mas mabuti pa ang tamad....
kaysa sa pagod."



>"Laging nasa huli.....
ang pinakamatangkad. "



>"Aanhin pa ang damo....
kung sementado na ang hardin!."



>"Magkulang ka na sa magulang...
huwag lang magkulang sa tubig habang
naghihilamos."



>"Kapag ang ilog ay tahimik.....
walang nagsi-swimming."



>"When all else fails...
buti nga bhelat!"



>"Sa larangan ng digmaan.......
nakikilala kung sino ang bading...
Ay! diyos koh day!"



>"Pag may usok.........
mas maganda ang show dahil may special effects!"



>"Batu-bato sa langit..........
ang tamaan sana mga kagalit!



>"Papunta ka pa lang........
ako rin sabay na tayo!"



>"Kung pukulin ka ng bato.....
tinapay ang iganti mo, na may lason!"



>"Huwag magbilang ng manok.......
kung duling!"




>"When the cat's away.....
sabihin mo lang, wissss wisss wisss wisss.
pra lumapit s u."



>"Magkulang ka na sa magulang......
huwag lang sa pagiisip!



>"Ang taong naglalakad nang mabagal......
bagong tuli!!!"



>"Ang iyong kakainin........
sa kaldero manggagaling."



>"Tell me who your friends are...
and ill tell you who is cute!=)"




>"Ang taong naglalakad nang mabagal..
matanda na."



>"If you cant beat them...
i2yak mo nalang."



>"Ang taong ngigipit......
lahat ng pwedeng utangan kinukulit!"



>"Pag may usok......
kawawa ang may hika!"



>"Ang taong naglalakad ng matulin......
magling sa walkathon."



*Ang sakit ng kalingkingan.......
dapat ipatingin sa doktor."



>"Walang matiyagang lalake......
na manligaw sa mukhang binabae."


*tinipon ko pa yan! Oha, oha!*
PAALALA : Di po ito sa akin. Inipon ko lang ito bilang koleksyon. Ipapagulpi ko sa  
Salisi Brief Gang ang sinumang magdudugtong ng mga kowts na to sa pangalan ko..

Posted by
nin0ybaltazar09

More

Nalilitong Pag-ibig

8/29/08 6:39 PM



Kanina pa kita tinititigan
Kanina pa kita pinagmamasdan
Kanina pa ako sa'yo'y tulala
Pinagmamasdan ang iyong mukha

Di ko talaga maintindihan
Sarili ko talaga'y nagugulumihan
Ano bang hiwaga ang meron sa'yo
at inalis mo ang lungkot sa puso ko?

Di ko talaga mapagtanto
Sa isipan kong gulong-gulo
Papaano mo naalis siya sa isipan ko
Pinalitan ng saya ang lungkot sa puso ko?

Ikaw na kaya ang hinahanap ko
na magpapasaya sa puso ko?
Ikaw na ba ang hinahanap kong ilaw
na magbibigay ng bagong liwanag sa buhay ko?

Kaya eto nagyo't nandirito
Nakatitig pa rin sa iyo
Naghahanap ng mga kasagutan
sa mga tanong sa aking isipan



-ninoybaltazar09-

Posted by
nin0ybaltazar09

More

Pag pinanganak ka nga namang pangit!


"walang taong panget. nagkataon lang na yung mukha nila hindi uso at hindi IN" - Bob Ong

Pango ang ilong. Mahaba ang baba. Kapal labi. Maitim. Malaki ang ngipin..Mukhang rabbit. Malaki ang bunganga. Mukhang isda. Mukhang 'monster'.. Mukhang Mamaw..Mukhang planggana. Yan ang ilan sa mga katangian na nalagap ko sa mga ilang mga pinoy na nagsabi ng mga pananaw nila tungkol sa katangian ng isang panget. Kahit siguro naman sa sarili mo ay may standard ka rin ng pangit sa maganda. Di ba?

Pero paano mo masasabi ang isang tao ay pangit? At talaga ba ang taong 'to ay pangit talaga? Hinde naman natin masisisi ang mga magulang natin. E bunga ka nga ng pag-iibigan nila hindi ba? Kung panget ka, e di pangit ka!

*biglang may pangit na batang sumingit*
"Kung pangit ako, E di pangit din si Lord.. kase we are created in the image and likeness of God diba? IMAGODEI?" *Nagpalakpakan. Standing ovation. Nagbunyi ang mga pangit*

Diyos ko! Patawarin niyo po sana 'to! Hindi ko rin masasabi na may pangit talaga. Sabi nga ni Bob Ong, wala naman talagang taong pangit. Oo, tama yung batang sumingit. Wala talagang taong pangit. Bawat tao ay may kagandahang taglay. Kung meron man nagpauso ng pagkakaroon pangit at maganda, isisi niyo yan sa mga Espanyol. Ang mga Espanyol ang nag-impluwensya sa atin kung ano ang standard ng kagandahan. Naimpluwensyahan tayo ng mga Western culture na ang matatangos ang ilong, maganda. Ang mapuputi na maputla pa sa balat ng labanos, magaganda. Yan ang pinamana sa atin ng mga Espanyol na nararapat lang lagyan ng mga bulak sa kani-kanilang mga ilong. Sila rin ang nagimpuwensya't nagbigay ng  'fashion101' sa mga katutubo kaya ang mismong nakabahag, may malisya na sa ibang tao. Ginawa nila yun para mas mapababa tayo sa kanila.

Huwag kang mag-alala kung naging maitim ka man o kung ano mang kapangitan ang sinasabi sayo ng lipunang ginagalawan. Subukan mong magpunta sa ibang bansa, at baka sakaling dun ka IN! di ba? Tulad kung matim ka punta ka ng Africa? Di ka talaga ididiscriminate nilka doon! Tulad na lang ng mga ibang pangit na pinay (pasensya na sa mga tinamaan)..pangit man sila rito, pero sa mga mata ng mga ibang lahi (tulad ng mga Kano), parang Miss Universe na ang turing sa inyo! O di ba?..kung nakakarelate man kayo..

Oo inaamin ko, di naman ako kagwapuhan... nasa middle lang..pero kung pipiliin ako sa dalawa - gwapo o panget..direct to the point na ito....PANGET ako! haha!! Proud pa ako niyan.gusto niyong isigaw ko?

"PANGITT AAKKOO!!!!"
*nag-echo*
"SINUNGALING, SINUNGALING!"

Pero hindi ko naman pinoproblema ang kapangitan ko..(kung pangit man ako...) ang dami daming problema na sa buhay ko, dadagdagan ko pa?

Pero aaminin ko, tingin ko a sarili ko talaga, pangit nga ako. Pero hindi ko rin talaga mapagtanto kung bakit sa kabila ng 'yon may nagkakagusto pa rin sa akin. Miski sa aming campus, meron! Parang gusto kong tanungin: "Malabo na rin ba ang paningin niyo katulad ko?" Naalala ko noon nung nasa hayskul pa ko nun, di ko ma-imagine na sa lahat ng mga gwapung lalaki sa amin, sa akin pa nagkagusto ang 2 Koreana sa akin..i repeat 'dalawa (2)' yon! liban sa dalawang koreana, may mga iba rin mga nagkakagusto sa akin nun. Gayunpaman kahit marami ang nagkakagusto sa akin, hindi pa rin lumaki ang ulo ko..nasa lugar pa rin ako..at 'yon ang maganda run..

Kung sakali mang panget ka, magsumikap ka sa sarili mo. Magsumikap kang maging maganda. Hindi man sa panlabas na anyo, kahit sa panloob na anyo. kung panget ka, gumawa ka ng paraan para maging maganda ka sa pangingin ng ibang tao.Nasa tao lang yan kung pano mo dadalhin ang sarili mo..panget naman kung panget ka na nga, panget pa ang ugali mo?.di ba? Wag niyong hayaan ding manatili kayo sa pagiging pangit at paninindigan niyo nang forever pangit kayo, subukan mong gumawa ng paraan para maging maganda ka sa ibang tao..Di niyo tularan yung nasa telenovela ng ABS-CBN na si "Just Like Betty"? di ba?..kahit na pangit siya, di yon naging hadlang sa kanyang pag-unlad. Saka wag mu ring isipin ang mga iniisip ng mga ibang tao sa iyo, bakit? Sila ba ang nagpapakain sayo? Responsibilidad ba nila kayo? Wala silang pakialam sa inyo liban na lang kung bibigyan ka nila ng P5000 - pataas, para lang asarin ka, pakieaaman ang buhay niyo PWEDE! kahit ilang daan pang comment yan! Haha! Kung nababayaran lang ang ganito,, tsk2...sigurado.Mayaman na ako..Mayamang mayaman..BWAHAHA!!!

Siguro nga mahalaga nga ang pagiging maganda o gwapo lalo na ngayon dahil asset kasi natin yan sa magandang kinabukasan. At aminin man natin sa hindi ay kahit sino ay nangarap ring magkaroon ng gf na maipararampa natin sa malls, at sa mga girls na nangarap ring magkaroon-bf na maipagmamalaki nila sa mga kaibigan nila at sa mga magulang nito. Kahit sino ay parang naka'jackpot' na sa lotto kapag nakamtan mo ang pangarap na yan na noon pa'y naglalagablab na sa puso't isipan mo.

Pero sa panahon natin ngayon ay parang bihira na ang ganyan. Bakit?  Tatanungin kita.  Sa dami ng mga gwapong hunk nagkalat ngayon sa mundo, SURE ka bang tunay na lalaki ang mga 'to? Sa mga nagdagsaang mga magagandang chinita, morena, mestiza, magaganda, nagmamaganda at mga seksing binibining mukhang hipon; SIGURADO ba kayo na totoong babae ang mga 'to?

Sa pagiging praktikal na rin ng mga tao ngayon, di na panlabas at panloob na anyo ang tinitingnan ngayon. Di na mukha ng isang tao kundi mga mukha na nina Jose Abad Santos, Gen.Vicente Lim at Josefa Llanes o di kaya naman si Ninoy Aquino na!  Tinitingnan na natin kung ilan sila na makikita niyo sa bulsa ng isang tao! hahaha!..in short tinitingnan na lang ngayon ang laman ng bulsa mo - kung may pera ka o wala! ...bakit nga pala natin napag-usapan ang pera? hmmm...

Sa panahon rin kasi ngayon na may mga makabagong teknolohiya na, di rin natin masasabi kung ang kagandahang panlabas ba ng isang tao ay natural ba o isang artipisyal..Dahil na rin sa mga makabagong teknolohiya ngayon, marami na ang mga facial surgeries na nagsulputan. Isang halimbawa  na lang dito ay ang nose lift, napapatangos na nila ang ilong ng isang pango. Ang sikat na sikat sa mga matatanda na 'face lift', na tipong ang 50-anyos na lola ay magmumukhang 49! Kaya di na rin natin masasabi ngayon kung natural ba yang mukha niya o tipong niretoke na lang ng mga makabagong teknolohiya ngayon. (mas masakalap pa kung nagdaan pa sa sex change! Mahabaging Maria! Kelan mo pa tinalikuran ang pagiging Adan! ) Pero syempre hindi ka rin makakapagparetoke ng instant kung wala rin sa pera. Kaya marami talaga ang nagagawa rin ng pera.

Siguro, mas maganda pa rin kung hindi tayo basta basta tumitingin sa mga panlabas na kaanyuan ng isang tao. Tingnan mo rin ang panloob ng isang tao. Malay mo sa pagtingin mo sa loob, di lang pala Ninoy Aquino o ubeng Manuel Roxas ang makita mo dyan. Baka dollars pa? Ikaw din! *toinks!*

Pwera biro. Hindi dapat tayo basta tumitingin sa mga panlabas na kaanyuan ng isang tao. Tingnan mo rin ang panloob na kaanyuan ng isang tao. Dahil ang panlabas na katangian ng isang tao ay kumukupas, pero ang panloob na katangian ng isang tao, hindi...

Pero dahil aanhin mo nga naman ang kagandahan sa panahong 'to, kung 'GUTOM' lang ang kahihinatnan niyong dalawa? Hmm..



Tingnan mo na lang ang loob ng bulsa niya para walang away..



- nin0ybaltazar09

Posted by
nin0ybaltazar09

More

Senate Bill No.2464: ANTI-OBSCENITY AND PORNOGRAPHY ACT OF 2008

Senate Bill No.2464:
ANTI-OBSCENITY AND PORNOGRAPHY ACT OF 2008


"AN ACT PROHIBITING AND PENALIZING THE PRODUCTION, PRINTING, PUBLICATION, IMPORTATION, SALE, DISTRIBUTION AND EXHIBITION OF OBSCENE AND PORNOGRAPHIC MATERIALS AND THE EXHIBITION OF LIVE SEXUAL ACTS, AMENDING FOR THE PURPOSE ARTICLE 201 OF THE REVISED PENAL CODE, AS AMENDED"


Sa panahon natin nge0n, umuunlad na ang panahon ng teknolohiya.. ang dami nang lumalabasang mga hi-tech na gadgets tulad ng celfone na may camera, may video, atbp. Itong mga bagong imbensyong ito ay nagbibigay sa atin ng kasiyahan nguinit magpagunpaman, karamihan naaabuso naten ang paggamit sa mga makabagong teknolohiyang ito..

Sa internet, nde mapagkakaila ang mga naglalabasang mga pornographic materials. at nagagamit na ito ng mga ilang mga bugaw sa prostitusyon...

Nung Sabado, napanood ko ang XXX sa ABS-CBN na kung saan pinalabas nila ang mga babaeng naging biktima ng mga rape at binablackmail gamit ang mga teknolohiyang ito..

Sa aking napanood, may isang estudyanteng babae na na-gang rape ng mga kapwa ring mga estudyante at ngeon kumakalat na ang video na ito sa mga bangketa sa Quiapo at Cubao. Kung mapapanood ño, nakakaawa ang mga nagiging biktima nito. At kahit na masampahan ng mga biktima ang suspek ay wala ring mangyayari dahil magaan lang ang parusang binibigay sa mga ito. Kaya naman ang mga ibang kababaihan ay nananahimik na lang at hinahayaan na lang silang abusuhin sila ng ganitong krimen..

Buti na lang at may bago nang pinapatupad na batas - ang "Senate Bill No.2464: ANTI-OBSCENITY AND PORNOGRAPHY ACT OF 2008." Itong batas na ito ay pinapakita na pinagbabawal na ang paglalabas ng mga obscene at pornographic materials dahil mapapatawan na ng kaparusan ang sinumang gumawa ng ganitong gawain...hindi lang ito simpleng regulation ang ipinupunto ng batas na ito, kundi ang total BAN na talaga...WHHAAATT??!!!! As in TOTAL BAN?!

Ilab sabihin ba nun hinde na pwedeng maglabas pa ng mga men's magazines tulad ng FHM at MAXIM?

Hinde na pwedeng maglabas ng mga dyaryong 'tiktik' at kahit anu pamang dyaryong may nakahubad na babae?

Hinde na rin ba pwede ang mga nude paintings kahit na nasa larangan pa ito ng ARTS?

Ang korni ñ0 ha?? Hekhek!! Super okay un!!! Tanggal lahat ng mga malalaswa! Magsasarado na rin ang mga beerhoUse...ala nang 'TAGPUAN' at 'Pegasus'!!

E panu naman yung mga pinapalabas sa mga komersyal na breastfeeding?? Bawal na rin ba un?? Kita kaya ang sus* ni mommy dun huh???

O cge po hanggang dito na lang aq!

^^,




-nin0ybaltazar09-

Posted by
nin0ybaltazar09

More

Pamamaalam sa katangahan ng pag.ibig

8/25/08 8:38 AM



Buti ka pa masaya ka na sinta ko
dahil natagpuan mo na minamahal mo
Habang ako ganun pa rin, nasa ulan
Naglalakad sa madilim na daan

Buti ka pa't nahanap mo na siya
ang taong magbibigay sa'yo ng ligaya
Habang ako nama'y naghahanap ng bagong daan
Makalabas lang sa malungkot na nakaraan

Pero ngayo'y di ko na papaasahin pa
Na magkakaroon pa 'ko ng pag-asa
Hinde na ako magpapakatanga pa
Sa pag-ibig ko sa'yong wala ring patutunguhan pa..

Sana nga'y mahalin ka niya
at sana rin nga'y nag-iisa ka lang sa puso niya
Wag sanang dumating na ika'y lokohin niya
at masaktan ka lubos sa kanya..

Sa oras na dumating na maghiwalay kayo
Di na ko muling magdadalawang-isip sa'yo
Ang kabanata ng pag-ibig ko sayo'y lumipas na
Hindi ko na muling mababalikan pa

Ngayong may mahal ka na
Ako sa'yo magpapakalayo na
Titigilan na kita aking sinta
Di na muling lilingon pa sa nakaraan, sinta...



-nin0ybaltazar09-




Posted by
nin0ybaltazar09

More

♠♠♠




"Walang taong pinanganak na bobo. 
May mga tao lang talagang naging libangan na 
ang magpakatanga."

-ninoy baltazar






Posted by
nin0ybaltazar09

More

PULUBI LANG ako, bakit kaya niyo ba ginagawa ko?!..

8/12/08 4:39 AM
 

"karpintero lang ako..."
"katulong lang ako...."
"isa lang akong hamak na pulubi...."

ANO?! Bakit "LANG"? ang hirap kaya niyan? tapos nila"Lang" niyo lang?....

Ang hirap kayang maging karpintero? Bakit kaya ba ng iba na gumawa ng bahay na walang nirereklamong hirap? Kaya ba nilang magbilad sa arawan sa pagsesemento lang? Kaya ba ng iba na tumulong sa pagtayo ng gusali na di iniindahin sakit ng katawan sa pagpasan ng mga semento, kahoy o bakal at ang tanging kadamay lang ay Alaxan iF-R? Kayo ba nila yan Dong?

Hirap kayang maging katulong? Di kayang madaling maglaba at mamalantsa ng tambak tambak na mga damit ng buong pamilya? Bakit kaya niyo bang gumawa ng mga gawaing bahay na sa'yo lang nakaasa? Kaya niyo bang indahin kung sakaling pagalitan ka na ng amo mong palautos habang siya nman ay wiling-wili sa panunuod ng 'Eat Bulaga' habang kumakain ng tokneneng at nakapatong ang paa sa ibabaw ng mesa? Hindi rin kaya biro ang maging isang 'taga' sa loob ng bahay - tagalaba, tagahugas ng pinggan, tagaplantsa, tagalinis ng bahay, tagalampaso ng sahig, at tagahugas ng pwet ng amo (at kung mamalasin pa ay kung manyakis pa ang amo mo!)? Ikaw kaya, kaya niyo?

At ang hirap rin kayang maging pulubi?!!..hirap magbilad sa arawan para lang may malimos....bakit kaya ba nilang mamalimos sa buong araw para lang may makakain? Kaya ba nilang magmakaawa sa ibang tao na mahihingian ng makakain at tanggapin na lang ang mga pagdedema ng mga taong nakapaligid lang sayo?
Bakit ba minamaliit natin ang mga sarili natin? E kung yan talaga ang nasa atin eh, ipagmalaki mo! wag niyong maliitin ang sarili niyo!...ipagmalaki kung anuman ang meron kayo!

Buti nga marangal ang ginagawa niyo eh, hindi atlis hindi gumagawa ng bagay na nakakasakit sa ibang tao. Hindi gumagawa ng mga masasamang gawain para lang mabuhay sa mundo..Pero kahit na ganun, nauunawaan ko parin ang mga ibang mahihirap na gumagawa ng mga masasamang gawain..Oo nga dahil sa hirap nga ng buhay kaya nila ginagawa yun..ang hndi ko lang matanggap ay yung mga ibang mayayaman, lalo na sa ibang pulitikong na mismong nakaupo na sa gobyerno natin. Kung sino pa ang mga nasa posisyon at may kapangyarihan, yun pa biniyayaan ng mga malilikot at makakating kamay! Di ko lang alam kung binabawi lang nila ang mga nagastos nilang pera sa eleksyon o sadya talagang galing sa angkan ng mga balat buwayang mga 'to! Patuloy paring nagnanakaw mula sa kaban ng bayan..Bakit kaya ganun? Kung sino pa yung mga mayayaman na, yun pa ang garapalang nagnanakaw? Parang ang labo naman ng mundo habang tumatagal? Nakakawindang!!

Sa mga taong hindi makontento sa buhay na tinatamasa nila, abay tumino-tino naman kayo! Makontento kayo kung anuman meron kayo..Wala akong pakialam kung isinilang na talaga kayong balat BUWAYA pero sana inisip niyo rin na marami sa atin ang naghihirap sa mga pinaggagawa niyo! Na nailuklok kasyo dyan sa mga posisiyon niyo dahil tinawala sa inyo ang mga taong bayan at hindi para gaguhin lang ang sambayanang Pilipino! Kaya rin dumarami ang mga kriminal na mahihirap dito dahil na rin sa inyo eh!!
Hindi niyo ba alam dahil rin sa kasakiman na yan ay naging Satanas si Lucifer? Hindi nakontento si Lucifer sa pagigi niyang angel. Gusto niyang maging makapangyarihan tulad ng Panginoong Diyos, kaya nasan na siya ngayon? Pinarusahan siya ng Diyos at binaba sa langit. At doon na siya nagbebenta ng mga ice water, halo-halo, buko juice at electric fan sa impyerno dahil infairness daw talaga ang init sa ibaba!
Alam niyo lahat ng mga bagay sa atin, maliit man o malaki...mahirap man o madali...,ay kailangan nating ipagmalaki..huwag nating ikahiya. kung yan ang binigay ng Diyos sa atin eh, ipagmalaki natin sa sarili naten..baket ung iba ba kayang gawin ang mga bagay na ginagawa niyo? hindi di ba?.

Wag ring gumawa ng bagay na masama...makontento sa anumang bagay na meron tayo.....yun lang!

Brothers and sisters, kindly all stand and pray..

-nin0ybaltazar09-


phototaken by : ejsabandal

Posted by
nin0ybaltazar09

More

♠ ♠ ♠




"Lahat ng talento natututunan. May mga tao talagang pinanganak nang sadyang may talento, husay at talino. Pero di ibig sabihin nun ay di rin natin magagawa ang ginagawa rin nila.." 



- ninoy baltazar

Posted by
nin0ybaltazar09

More





Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger