10/31/08 4:25 PM
Sabi ng lola ko, ibang-iba na raw ang mga kabataan ngayon kumpara sa kapanahunan nila. Kung dati raw napakakonserbatibo, ngayon masyado na raw liberated ang mga kabataang babae ngayon.
"E ganun ba?," biglang umepal ang isang bata.
"Ala e, wala yan sa lola ko!" *facepalm*
Ano na nga ba ngayon ang kabataan? Pag-asa pa ba tayo ng Inang Bayan o Problema na ng Bayan?
Isa sa problema sa kabataan ngayon ay pagiging mapusok sa panahon natin. Karamihan sa atin nadadala sa mga peer pressure at kaya naman natututunan na natin ang mga bisyong dumedemonyo sa ating pagkatao. Tulad na lamang ng paninigarilyo, pag-iinom ng alak, sugal, premarital sex. at kung minsan pa nga'y nalululon na sa pinagbabawal na droga. Karamihan, nasisira na ang mga buhay dahil sa mga bisyo nila na kagagawan ng mga B.I. (bad influence) na mga barkada nila o maaring impluwensya sa paligid nila. Karamihan sa rin atin, puro kamunduhan na ang nasa isipan. Nawawala na ang pagiging rehiliyoso nila sa buhay. Mga naliligaw ang landas.. Mas napupusok pa nga sila ngayon sa mga masasamang gawain kaysa sa maging tamang huwaran bilang isang kabataan e..
Isa pang problema, ang pagiging tamad na raw ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa atin, materialistic. Umaasa na lang sa mga makabagong teknolohiya na lumalabas sa panahon natin. Hindi na katulad nung dati na pinaghihirapan pa ng mga naunang kabataan sa atin ang mga gawain nila. Ngayon iba na. Katulad na lamang sa paggamit ng internet ng mga kabataan ngayon.. Kung dati, sa panahon ng nanay at tatay natin, nagpapakahirap silang maghanap sa mga library ng mga assignments nila. Ngayon di na masyadong nabibigyang pansin ng karamihan ang library sa halip sa mga computers na sila naghahanap. Dahil sa ilang click mo lang sa internet, makiita mo na ang mga gusto mong hanapin. Hindi pa time consuming dahil sa isang 'copy-paste' lang, may instant report ka na! Relaxing pa dahil nakaupo ka lang..di tulad sa library, halos maglalakad-lakad ka isang kuwarto at maghahanap sa mga sections na gusto mong hanapin na libro..Mas madali di ba ang una? At kaya naman naaabuso naman ng ilan sa atin ang paggamit ng mga bagong teknolohiya at nagiging dahilan upang sila'y maging tamad.
Pangatlo, ang paghihinto na rin ng ilan sa ating mga kabataan sa pag-aaral. Kadalasan, kinatatamaran na nila ang pag-aaral nila. Tipong gusto nang magtrabaho? at yung iba naman happy-go-lucky! masasarap ang buhay! imbes na nasa eskwelahan para mag-aral ay kung anu-anong mga kabalastugang ginagawa. Makikita mo minsan nasa harapan ng bilyaran. Parang nagklaklase sa bilyaran? Di naman mga koreano't intsik para isama nila sa curriculum ng P.E. nila ang 'billiard'? Meron naman nagpakababad naman sa computer sa kakalaro ng on-line games at kadalasan DOTA! Ayos! mga pag-asa pa ba kayo ng bayan? 5v5 ba yan? Teka sali ako!
Ano ba? Problema ba ang mga kabataan ngayon o may mga problema lang tayo kaya't ginagawa natin 'to?..Karamihan sa atin, may mga problema sa pamilya kaya naman ginagawa nila 'to. Iba ay lumaki na hinde man lang inaayos ng kanilang magulang. Walang mga disiplina. Kaya naman nawawala tayo sa tamang landas dahil wala tayong tino sa sarili natin..
Siguro nga problema natin ay ang SARILI natin. Wala tayong mga disiplina sa sarili. Kung ano ang mali ginagawa pa rin natin. At ang masama pa niyan nakikita pa sa mga matatanda ang mga masasamang gawain kaya naman nila ito ginagaya. Bakit ganun tayong mga kabataan? Di ba sa atin rin nakasalalay ang pag-unlad ng bansa? Gaya nga ang sinasabi ni Jose Rizal na "ang kabataan ay pag-asa ng bayan" kaya kung alam natin mali, wag nating gawin..Wag na nating i-tolerate 'yon. Lalo na't tayo ang mga susunod na maglilingkod sa bansang ito. Bakit kaya di tayo magpakahuwaran din? Magpakahuwaran sa mga kapwa nating Pilipino - sa mga kapwa rin nating kabataan at sa mga nakakabata rin sa atin? Magpakahuwaran tayo. Hinde porke di tayo kasali sa mga organisasyon o di kaya mapasama sa 'Sangguniang Kabataan (SK)' ay hindi na ilab sabihin nun ay hindi na tayo gagawa ng kabutihan.gumawa parin tayo ng mga kabutihan lalo na sa mga kapwa. Walang exempted dito. Tayo ang gumagawa ng ikauunlad natin sa ating sarili at sa bayan. Nasa atin rin ang ikauunlad ng bansa natin.
Kung isa ka sa mga nakasali sa mga organisasyon o isa sa mga SK Kagawad, panindigan mo yan. Hindi yan binabandera na parang daig mo pa ang rumampa sa kalsada na nakabrief lang na may printang 'AKOMISMO' tapos ikaw rin pala ang promotor sa pagkakalat ng basura sa baranggay niyo! Kung ano mang pwesto mo, may responsibilidad yang kasama. Panindigan mo't maging huwaran sa mga taong nakapaligid sayo.
Wag na nating i-tolerate pa ang mga gawaing di mabuti. Wag natin itong dalhin at ipamana pa sa mga susunod na henerasyon natin. Gusto niyo bang hanggang sa pagtanda natin di pa rin umaangat ang kalagayan ng bansa natin? Dumarami ang mga buwayang nangungurakot sa kaban ng bayan? Gusto niyo ba yun? Sana tumino-tino na tayo kung may natitira pa kayong pagmamahal sa Inang bayan natin..yun lang!
-ninOybaltazar09-
hello po^^
ReplyDeleteyour piece was fascinating to me!! and the moment i scroll down to read the next lines, it's really nice and striking especially to the youth.
i hope marami pang makabasa ng piece mo and surely it will be a great help that would make them realize their importance to our Inang bayan.
Continue to inspire us with your striking piece.
^^more power to us
ahm. hi.:). i just want to ask you if your a batanguenyo?
ReplyDeleteAla eh,, NDE!! hahaha!
ReplyDeletexenxia na,, nde po aq batangueño..
nangyari lang na may friend ako who is a bAtangueño...
kaya ayun, napapagaya na ko..
pero nde ako yung nambabastos ng ibang diyalekto,, ang totoo nga nyan interesado akong matuto ng iba't-ibang diyalekto at gayun din sa iba't-ibang lenggwahe ^^
hi....tnx to your web post...
ReplyDeleteit really helps a lot...
this is true .
ReplyDeletegood job.
Thank you! APIR! :D
ReplyDeleteThanks for reading & commenting! Cheers! :D
ReplyDeleteMaraming Salamat po sa magandang kumento! Sana nga may mga makabasa pa ng piece ko lalo na sa mga kabataang Pilipino at matutunang mahalin ang kanilang bayan. Thanks again, cheers! :D
ReplyDeleteSo true :(
ReplyDelete