Matalino o Bobo?? Sipag lang yan sa pag-aaral..

Sa studies, pagnakakuha ka ng high grades o napabilang ka sa mga outstanding (nde sa labas nakatayo ha? meritorious students ang tinutukoy ko!), masasabing isa kang matalino..pero kung isa ka naman sa mga kabaliktaran nito, isa kang dakilang...'BOBO' ......sa pinakabobo!! *tsakit naman un*....

Kung tatanungin ninyo ako,Nde ako maTalino..inuulit ko po..HumBle Lang ako...este, HinDe Nga Ako Isang matalinO e, na isang estudyante na nerd baga!!.......katuLAd ño lang ako..Genius lang ako (joke lang!)..simpleng estuyante lang din ako. Nag-aaraL lang ang ako..sipagan lang yan sa pag-aaral!

Sa tingin ko, wala namang taong bobo..nasa sipag lang yan sa pag-aaral..wala namang taong pinanganak na bobo, Nde ba?? Lahat ng tao'y pinanganak nanG may kanya-kanyang talino..

huwag ño sanang isipin na hinde ño kaya. Na hinde mo kakayanin yang mga sUbJects na yan. Kaya ba nagpapakasasa na kau lang sa bilyaran, sa paglalaro ng DOTa o anumang computer games pa yan, sa paglalakwatsa o sa anu pa yan...dahiL lang sa dahilan na yan? Pwede ba? huwag mong idahilan sa akin yan! Tinatamad ka lang sa pag-aaral..

Oo, alam ko na nakakatamad na rin minsan ang pag-aaral. Minsan sa buhay estudyante, dumarating talaga sa buhay natin ang ganito. Minsan maiisip mo rin na sana makatapos ka na't magkaroon na ng trabaho. Pero pano ka naman makakakuha ng magandang trabaho kung hinde mo naman tatapusin ang pag-aaral mo? Paano mo tutuparin ang pagiging isang doktor, abogado, inhinyero o isang nurse o direktor ng isang kumpanya kung ngeon pa lang tinatamad ka nang mag-aral?

O anu? Titigil ka na lang ba sa pag-aaral mO't makapagtrabaho na kaagad?.. magpapakasasa na lang sa pagiging isang service crew, janitor, o kahit anu pang trabaho na pwede sa isang 'undergraduate?? Kuntento ka na ba sa buhay ng ganyan ang trabaho mo??

Pero sa ginagawa mong ganyan, makatapos ka ba sa ginagawa mo??..May kinabukasan bang naghihintay sayo kung idadaan mo ang sarili mo sa paglalaro ng bilyar, paglalaro ng computer games, paglalakwatsa o kahit anu pa yan?

Sana isipin mo sana ang mga magulang mo na nagpapakahirap magtrabaho para lang makapag-aral ka. Sana maisip mo na nagpapakahirap sa pagkayod ang mga magulang mo para lang magkaroon ka ng magandang edukasyon. Para makapagtapos ka at magkaroon ng magandang trabaho sa pagdating ng araw. Hinde naman yan para sa kanila ang pagpapakahirap nila, di ba? Para sa'yo yan! at ayaw niLang sa pagdating ng araw ay makikita ka na lang na nagpapakasasa a pagtanim ng 'kamote!!' Ayaw nilang sa pagdating ng araw ay pulutin ka na lang sa kangkungan..

Sana maisip mo ang mga bagay na ganyan. Huwag mong sayangin ang mga bagay na binigay sa'yo Huwag mong hintayin na sa isang araw ay wala ka nang madatnan..wala ka nang makapa. wag mong hintayin na batiin ka ng isang grupo: "WELCOME TO THE SLUMS!"

Siguro naman nde mo inambisyon sa sarili mo ang pagiginG isang squatter? nde ba?? nde mo naman matagal na pinag-isipan 'yon hinde ba??

"Nais kong magsakripisyo para maabot ko ang mga inaasam kong pangarap...
para abutin din ang mga bituin at anihin ang bunga ng aking pagod....
handa na po akong lumipad na parang lawin....at ibuka ang aking mga pakpak...
ipagaspas at salubungin ang mga daluyong tungo sa bagoing liwanag...!!!!

harangan man ako ng sibat kahit anu pang harangan sa akin di ako matitinag...
Nais kong matupad ang aking mGa pangarap...
Gusto kong matupad na maging isang.................

Squatteeer!...
.*toinkz*" Yan ang sabi ni Karding na ginanap ni Ramon Bautista!

Hay naku! ayaw ko pa namang magpatawa dito..dahil seryoso ako d2..Gumising- gising ka na! Mag-aral ka ng mabuti para makamit mo ang mga pangarap at ambisyon mo sa buhay..
Magsipag ka na sa pag-aaral mo.....Habang may oras pa, magbago ka na!..Kaya mo yan mga 'tol!
Dahil ang edakasyon ang magdadala sa'yo ng magandang bukas......


Ang magtataguyod sa buhay mo at makamit ang inaasam m0ng pangarap......




ang pagiging....




isanG.......




successful....



na....



squatter!

-nin0ybaltazar09-

1 comments:

  1. Hanggang d2 na lng muna aq...'
    a total of 63 post...

    magfifinals na!!
    Gudluck sa mg San Juan!
    Lalo na sa mga 2nd year!!

    ReplyDelete






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger