Na-Car ACciDent aq!!......

Totoo 'to walang biro......

Aaray!! ang saket! di ku akalaing ma-eexperience ko 'to!...mantakin niyong hindi man lng nafeel ng driver ang powers ko?!!....Ang T*Nga nun ah?!!!.......hekhek! may tama ba aq magbiro pa??...
Kanina lang nangyare yun.....ayun....tumatawid kase aq sa may TIMES.....ang saya saya ko pa nung araw na yun....may mga kasabay naman aq sa pagtawid... mga matatanda pa nga e....san pa kau...! Ayun dahil sa tiwala ko naman sa mga kasabay ko, kampante ako.....nagsesenyas naman aq...... sa paglalakad q bigLa na lng aqng naguLat nang mabangga na q ng kotse....HONDA...( nde q na sasabihin ung plate no. para privacy naman......XUV.153!....hekhek! jokE lng!).......kalain niyong para akong Chris Brown (yung sa music video niyang 'With You') sa kaLsada nang napaikot ako nung mabangga aq.......tapos, bigLang bagsak sa kalsada...
KaLa q nga nkita ko na c San Pedro nunbg time na yun...hinde pala Traffic Enforcer pala un!......HiLong hilo talaga aq nung pagkatayo q..... naguLat na lng din ako....Kala q naHIT & RUN na q......nahiya aq sa mga taong naktingin saken.....SUPER talaga qng nahiya....Buti hindi pa uso nun ang Picture-then-post-sa-Facebook dahil panahon pa 'to ng Friendster!.Pero nakakahiya pa rin sa tulad kong gandang lalaki ko..sino ba namang hinde, di ba?.....
Tapos nun biglang may lumapit saken na babaeng nursing student.....tinan0ng niya ko kung okei lang ako...Gusto ko sanang sabihing, "Ay, HINDI ikaw kayang mabunggo tapos tanungin kita kung 'ok lang sayo?!'.Pero ko syempre nasabi yun, nagulat talaga ako.Taga-PERPS siya.....naTOUCH naman aq nung natanong niya ako.... dinaLa niya ko sa ospital ng PERPS....grabeh nasa isip ku.... She's MY SAVIOR! maganda rin siya pero may minamaHal na ako e...sayang lang talaga....
Nahiwagaan ako sa babaeng tumulong saken.....nagtataka naman ako kung bakit niya ko tinutulungan. Muntik na ring mahulog ang brief ko este ang loob ko sa kanya pero hindi nangyari yun. Nagulat ako nung malaman ko na siya pala ang nakabangga sakin..WHAAAAAAAAAATTTTTTT!!!!??.. ..anu ule?? ulitin mu nga??!!

Gaya ko, 2nd year college din siya. Kasing edad ko rin. Buti na lang mabaet din siya.....dahil imbes na tinakbuhan niya ko...tinulungan pa niya ko....siya pa ang nagbayad sa ospital.
Sa awa naman ng Diyos....wala naman akong natamong injury...abrasions (galos) lang.....
Grabeh sakit pla talagang mabangga kahit na medyo mabagal ang takbo ng Kotse (yung nsa tipong 20kph ha? ) kala ko talaga katapusan ko na nung araw na un......ayoko nga?!! Marami pa kong gustong gawin sa buhay tulad na lang nung pagflat ng gulong at galusan ang pintura ng kotse ng bumunggo sakin? Joke lang!

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan 'tong araw na ito saken......ito rin ang araw na nagABSENT ako sa RE...tapos pinahiya pa ko ng prof. ko sa ANA LEC!!!! SAAARRRRAAAP!!

Kung hahayaan lang ako...

6/30/08 7:40 PM



Kung hahayaan lang akong
Pagbigyan ng Bathalang Maykapal
Na bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon
Ang pagkakataong ito'y ilalaan para lang sa'yo

Kung ako may mapagbigyan ng isang pagkakataon
Na maibalik pa ang mga nakaraang nasayang....
Ang mga ito'y di na sasayangin pa't itatama na
At aking susulitin bawat oras para sa'yo..

Nais kong sabihin sa'yo ng harap-harapan
Sa harap mo na walang kaba't pag-aalinlangan
Na sabihin sa'yo na mahal na mahal ko
Ikaw lang at wala nang iba pa

Kung bibigyan pa 'ko ng pagkakataong ipadama
Nais kong hawakan 'yong kamay at pisngi
Nais kong ring hagkan ka nang mahigpit at
Isigaw sa CamPus na "IKAW LANG MAHAL KO!"

Nais ko ring iparinig at ipadama sa'yo
Ilalagay ko ang kamay mo saking dibdib
Ipapadama ang puso kong tumitibok
Tumitibok na kasing bilis ni LYDIA DE VEGA!

Kung mabibigyan rin ako ni Bathalang Maykapal
ng isang kapangyarihang magpapahinto ng oras
di ako mag-aalinlangang pahintuin ang oras
upang ang pagkakataong ito'y di na matapos pa...



-nin0ybaltazar09-

Cammylflor

6/29/08 2:21 PM



O Giliw ! Namumukod tangi kang sinta!
Bulaklak ka ng Pag-ibig at Buhay 
Natatangi kang pabango saking dibdib!

Ganda mo'y walang kaparis sa ibang bulaklak
Ipikit man aking mga mata'y nasisilaw pa rin ang ganda!
O Giliw! Parang sa puso ko'y ika'y nakatanim na!

O Giliw, huwag mo sanang isipin
Na pag ika'y nalanta na ika'y aking iiwanan
Dahil sa puso't isipan ko'y wala kang kalantahan

Sa oras na ika'y kukunin ko aking ipapangako
mula sa ugat at kinalulupaa'y kukunin ko
Ilalagay sa munting paso't doon papakaingatan!

Huwag mo sanang uhawin aking sinta
itong puso kong sabik na sabik na
sa humahalimuyak mong bango ng 'yong pag-ibig!







-nin0ybaltazar09-

Ang PagMamaHal ay DaPat Ganito!

Tanong q lng, kau ba naranasan ninyo nang magmahal? Nde sa pagmamahal mo sa magulang o sa kamag-anakan mo.... o sa mga kabarkada mo o freiends mo...sa mga alaga niyong aso, pusa, tuta, kuting, manok, kalabaw, baka,baboy, kuto, lisa, atbp......what I mean to say ay ung magmahal ng ibang tao?.... Kung naranasan niyo na, anong FEELING? Masaya Ba?....Sure ka ba naman na pagmamahaL yang nararamdaman mo sa kanya??.....oowws!


Kung ako ang tatanungin, OO naranasan ko na...At ang sarap sa feeliNg pag nagmamahal ka pala! Tipong gusto mong ibagsak lahat ng subjects mo! joke! Sure rin naman akong pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya..kase ibang iba talaga ang feeling na naramdaman ko...basta kakaiba...na sa tuwing nakikita mo parang nasa alapaap ka.. ambilis tumibok ung puso mo sa tuwing makikita mo siya parang kasingbilis ni LYDIA de VEga baga!...Napapasaya ka at gumaganda ang araw mo sa tuwing makikita mo siya.... Basta yUn na yUn!...tingin mo dun sa taong un espesyal siya sau...at dahiL sa kanya, kahit na waLa siyaNg ginagawa, tinuruan niya ako kung ano ang meaning ng LOVE!! kaya nandito ako ngeon para maiShaRe ko ang natutunan ko...

Pagmahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya para lang mapasaya siya...kahit na magpakaalalay ka sa kanya, gawin mo ung assignments, projects o thesis niya, libre mo ng load sa cellphone, libre mo araw-araw ng meals, isigaw mo na mahal mo siya, magpagulong-gulong ka sa harapan niya MaGhApon! (hekhek! anu un OA?) o gumawa ka kahit anu pang bagay yan basta mapapasaya siya ...Kase nga mahal mo...MAHAL mo xia....! At kahit anu pang bagay na imposible gagawin mo para sa kanya.....

E pano kung nDe Ka Niya MahAL
(sob* T_T)..mamaHaliN mo pa rin ba siya??
...SyemPre naman! Baket NdE?...HinDe mo Naman MinAhaL yang ta0ng yan dahil lang sa siya ang lumilibre sau...siya ang gumagawa ng assignments mo...may nAgPapAkaALaLay sau....Siya ang lage m0ng kasame kahit saan..na parang tUta mo na?....e Kung ganYan paLa ang pagKakaIntinDi mo, CONGRATS!! ABNORMAL Ka!! Ang sarap m0ng ihagis sa itaas ng TaiPei 101! Ang sarap mongf ipadala sa Mindanao, itapon sa gitna ng labanan sa pagitan ng mga sundalo at MILF..! Ang Babaw mo!! MahaL mo nga ung tAo diBa? Hinde mo xia kailangang kaliMutan...ang KailanGan mo Lang TanGgapin Ang LaHat sa KaNya....(Parang hirap nun ah? Ako din nahirapan din ako dun eh! hekhek!)


HiNdE ProbLema ang maGMahal, gawin mo lang sa kaPwa mo ang Gusto mong gawin niLa sau..gumawa ka ng bagay na magpapasaya sa taong yun...saka pagmagmamahal ka, it DoesN't nEed To havE Criteria...na dapat maganDa o gwapo...na dapat mala ToM CrUise angGwapo o di kaya mala ANgEl Locsin ang ganda!....na dapat artistahiN ang dating.... parang Joaquin BorDado ang dating! mabait o unDerstanDing..mataliN0 o GanGSter!!...kahit anu paNg chAracTeristics pa ng Dreamboy o DreamGirl....kasi ang LOvE, bigLa na lng dumarating yan sau....parang KiDlAt yan na gugulatin ka na lang... nDe yan DumedePenDe sa Criteria mo.... Pano na lang kung tip0ng may tama ka na sa ta0ng un? at ang masakLap pa ñan wla sa mga Criteria mo ang taong un? MapipiLit mo pa bah ang Criteria moh? Nde na diBa? ako sa totoo Lang, may mga CritErias din ako...guSto ko sa babae long hair na sumunOd sa galaw!...maPuti na kung iLaLagay mo sa dilim makikita mo...kase parang flourescent Light!...maTangKad...magaNda o di masyaDong kaganDahan basta mabait, may takot sa Diyos na tulad ko ^^,..conservative, understanding, loyal at mapagmahal sa mga love ones ña...at SIMPLE lang....o diBa? DreamGirl! Per0 nung dumating ung LOVE q, di ko na pinansin ung mga CRITERIA q... TanGgap ko na kase xia sa buong puso't isipan ko.......Okei na? wag ño lang sakin tatanungin kung ako ba'y TaNGgap ña na rin....dahil..EWAN kO!!

Balik na tayo s usapan...yun nga...khit kabaliktaran pa siya ng criteria mo, pag Mahal mo TatanGgapin mo xia...kahit na kamukha pa yan ni Kingkong....napakaKuripot na tao...Matakaw kUMain...madaLdal....maLakas HumiLik...kahit na Hari siya ng SabLay...kahit na sobrang MaArTe as in...na parang Gusto mo nanG sabunutan!! (BRuha Ka ha! Eto sau!!! um..um..aGuY!! HAHAHA!!)...at kahit anu pang bagay na mag-tuturn off sa'yo....kase nga mahal mo siya...TANgGap Mo siya kahit aNu pa Siya!....at kuNg may minamahal ka man, wag ka nang mag-isip kung bakit mahal mo xia mAhaL...! "Accepting That PeRsOn FuLLy" (yan ha English na yan! May nagrerequest i-arabo ko raw: قبول هذا الشخص تماما ......ano, okei na??)..Kung iisipin mo nga eh...gagawin mo ang lahat para sa kanya...susubukan mong ayusin ang sarili mo at tatanggalin ang "negative attitudes" mo para maging maganDa ka sa paningin ña....At saka sa relationship, di rin ikaw ang matututo dun, pati rin ang minamahal mo....Lahat ng tao nagbabago at wala sa Mundo ang permanente kundi "pagbabago"...lahat ng bagay sa mundo nagbabago...but if you accept that person, you'lll never hurt in the end bcoz' you kn0w it will come...(naks, EnGlish yun ah! papaChizburGer nga aq!! hekhek!) Nde mu siya kailangang kalimutan!! dahil ang mga bagay na minahal mo nang totoo, ImpoSibLeng maKalimUtan!....kaya kung ako sayo, kailangan mo lang na tanggapin ang lahat sa kanya...


Mahirap talagang gawin pero masarap din subukan...at kung sakaling nasa stage ka palang na ipagtatapat mo palang nararamdaman mo........wag mo nang palampasin ang mga bagay na iyan....wala rin naman mawawala sau qng sasabihin mo nararamdaman mo diBa???... atlis na-Try mo... atlis nasabi mo ang nilalaman ng damdamin mo..magaan pa sa kalooban mo pag nasabi mo! mas masasaktan ka kung hinde mo yan gagawin....lubos mo yang paghihinayangan sa buhay mo pag hinde mo yan nasabi sa kanya... At kung ikaw ay nasa stage na nanliligaw pa lang....gawin mo nang walang pang-aalinlangan...gumawa ka ng bagay na mapapasaya siya...(nde ung magpapakaPayaSo ka sa harap ña..nDe ka naman komedyante nun diBa??) Bahala na xia kung narerealize n iya ung mga effort mo para sa kanya....kahit na MaBasTed ka atlis nagawa mo..diBa? Atlis NaExperience mong manligaw...


Kung ako tatanungin.....(sabay nasa hot seat daw ako! nakatutok sa akin ang ilaw ng spotlight).."Ano ba ang mas maganDa: ang nagmamahal o yun minamahal ka?" ang pipiliin ko ay ang nagmamahal ka kase walang mas gaganda pa kung ipapakita mo o ipaparamdam mo sa minamahal mo na MAHAL na MAHAL mo siyaa at ginagawa mo ang lahat sa kanya w/o asking for return...HANEP!! Ang sarap kaya ng feeling lalo na pag nasiyahan ang minamahal mo sayong mga ginagawa sa kanya...parang ung mga paghihirap mo masusuklian ng saya!....at dun mo masasabi na un pala ang PAGMAMAHAL!!......hay, sarap talagang magMaHaL! Ang sarap din magbagsak ng major subjects!! joke!!!



PS: Syempre i-prioritize ninyo muna ang pag-aaral niyo, 'wag niyong sisirain ang pag-aaral dahil lang dito.. hinde porket sinulat ko 'tong article na 'to ay biniB.I. (o bina-bad influence!) ko na kayo dito...Laging tandaan na mas importante sa estudyante ang pag-aaral dahil kung iisipin niyo 'sure ball' ka't may patutunguhan ang buhay mo pag nakatapos ka kung ito ang prinaoritize mo ..pero kung ang isa ang prinaoritize mo, sa tingin mo may patutunguhan ang buhay mo? E pano kung sakaling mabigo ka at maging malungkot ang love life mo?.....byebye na lang sa mga pangarap at ambisyon mo...hanggang d2 na lang po!



-jiro_garcia09-


Para k tlgang *SCoTch TapE* s biBig q...

Hahaha! anU bah NaMan 2ng buhay na i2... ang dami kong gustong sabihin sa kanya, pagkatap0s pagdating sa harap-harapan niya...aun wla na! Ang hirap ah!....Nde ko talaga alam sa sarili ko ha? Binibigay na nga saken ng pagkakataon, niLuLuwa ko pa!! Parang sinasayang ko lang ang mga pagkakata0n ko! Ang sarap magWaLa!! HanGgang kaiLan kaya ako ganito?? Na pag nasa harapan niya nauutaL-utal pa aq?? Hirap talaga...1st time ko palang kase nangyare saken 2 e!......Ahhh!!! ASAR!!!! Ang tipo ko talaga ang SARAP ipaTap0n sa TAIPEI 101!!! ANg sarap ipaBugBog sa isang GrUpo ng FraterNity!!! AbN0rMal ba aq??.... Ano Bah??!!!!! Sa tuwing kakausapin ko xia, parang wLa lng! walang nangyayare!! Wlang masabi! Parang di ko siya katabi!! Anu ba yan Chard??? KakaUsapin mo ba xia o nDe? HanGGang kaiLan ka na Lng ba GanYaN!!!!!!!!

SimuLa taLaga nGeon, titinuin ko ang sarili ko!!! IniS talaga ako sa sariLi ko!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ano? Binasa mo?!!!
Anak ng pito'tpung-pito na inakay na baboy NAMAN OO!! Ang KuLet!! di parin nakinig??..... Yan na nga ba mahirap sa atin eh..."Simple Instruction, di parin sinusunod!!"
Ano bang probLema sa aten ha? Napakadaling instruksyon, di magawa? Kaya di umuunlad ang bansa naten eh...dahil wala rin tayong disiplina sa sarili naten.. tpos sinusumbat pa naten ang kahirapan sa gobyerno...Huh??!

Di ko talaga alam sa atin kung ba karamihan sa aten gustong-gustong gumawa ng bawal. Kung anu pa ang bawal un pa ang ginagawa.!.Bakit ba? Anu bang probLema ño ha?....Sabi nila, "Masarap ang bawal!" Anong masarap dyan? Bakit nalasahan ñu na?...Ano ang lasa? matamis ba ang lasa? Kumusta naman yun noh?......

Eto ang mali sa ating mga Pinoy rin..ang pagkakulang naten sa disiplina.. Nde naten madisiplina ang sarili naten sa tama hangga't hindi tayo napapahamak (o kahit na napahamak na, ginagawa parin!)... Ang kukulit din natin e noh? Mga Pasaway!!!

Sa mga kalsada at sa iba pang mga pampublikong lugar, saan mang sulok nito, marami tayong makikita na mga babaLa.. "BawaL magtapon ng Basura," "Bawal Umihi dito" at "Bawal Tumawid dito" ay ilan sa mga halimbawa nito. Pero parang likas na yata sa atin ang pagiging isang 'pasawai!'... na kahit na sa harap-harapan pa ng karatula, ginagawa pa rin naten ang BAWAL!! Alphakapalmuks! Mga 'KUPS' talaga, as in!

Sa kaLsada, kahit na may mga babala panG na "Bawal TUMAWID, NAKAKAMATAY," go parin ang mga pilipino sa pagtawid...kahit na tabi pa nila ang OVERPASS o UNDERPASS!....kahit na nakared-light sa traffic light, tuloy parin ang ibang mga kotse sa pagtakbo.....

May mga babala ring "bawal magtap0n ng Basura dito," pero ang kukulit parin ang iba sa atin... Patuloy parin ang pagtatapon ng basura..ang masaklap pa ay halos tabunan na nila ang babala! Tigas talaga ng MukHa!

Inaamin ko...ako din, isa rin akong pasaway...Maganda naman ang resuLta dahil na-CAR ACCIDENT tuloy ako!! (wag ñu nang basahin...kalaking katangahan!) naalala q nung araw na un...Lunes yun..tatawid ako nun sa may TIMES... isang malaking kapasawayan ang ginawa q na siya namang nagpahamak rin saken... tumatawid aku nun...nasa may ilalim ng OVERPASS aq nun.... nagdadalawang isip kung sa overpass aq dadaan o sa kalsada na lng para mabilis (pasawai!)....dagdag pa nun may nakalagay na babala na "BAWAL TUMAWID!".... pero kahit na may nakalagay na babala na ganito, nakakawindang parin isipin na kung sino pa ang mga matatanda, sila pa ang nagiging pasawai!...imbes na sa may OVERPASS sila dumaan, lahat ng nakasabayan kong matatanda ay sa kaLsada dumaan!...HANEP! akalain ñung dinaanan lng nila ung nakasulat na babala!....graBEH! mag idol ko na kayo!! Ang sarap niyong saksakin, kung wala lng akong respeto sa matatanda!.Ako naman, syempre bilang isang mabait at masunurin namang tao....sumabay na aq sa kanila! Ahihi!.... katwiran ko rin kase nun " Sa mata ng bata, ang gawain ng matatanda nagiging tama... "...kaya un sumabay na q s kanila.! Naging masaya naman ang kinahinatnan q dahil sa pagsunod ko sa kaniLa, nabundol aq ng kotse!...wag ñu nang tanungin sakin ang kwento nito....dahil 'katangahan' lang ang pinakabuod kong ikwekuwento ko ito!.... Buti naman hindi aq na-HIT and RUN ng nakabundol sakin...pinagamot niya aq sa hospital ng PERPS...

Ayun, dahil n rin sa nangyari, nagtanda na aq sa sariLi na nde na ku tatawid ng kaLsada...Di na ku magiging 'PaSaWai" pa....SA KALSADA LNG!! inulit ko, sa KALSADA LANG!! BWAhaha!!

Kay eto lng talaga ang probLema naten sa mga Pilipino e...wla taung disiplina...wala taung disiplina sa sarili...di ko alam kung ginagamit ba talaga naten ang mga pag-iisip naten..lalo na sa mga matatanDa, na siyang nagiging modelo pa ng mga batang pliipino! na katulad ko!! hekhek! :))....

Ang problema sa ating mga Pilipino, panay tayo rekLamo nang rklamo na wala raw ginagawa ang gobyerno at lagi na lng korupsyon ang dinadahilan..kapag may project naman ang gobyerno di nila ginagamit at kung anu-ano na lang na paninira sinasabi nila tungkol sa mga pulitiko...

Kung tutuusin nga'y may punto rin tayo na korupsyon ang dahilan....dahiL marami sa mga pulitiko rin na wala ring disiplina sa sarili at hinahayaan nilang mabulag ang kanilang sarili sa mga salapi...maiintindihan ko pa kung ang mga mahihirap ang magnanakaw..... Pero dito sa atin, mga mayayaman pa ang makakati ang kamay... mga edukado, titulado, at nasa gobyerno...Amf talaga! dahil kung sino pa ang mga nakahiga na sa pera, yun pa ang mga may ganang magnakaw!

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hinde parin umuunlad ang bansa natin kahit na tayo'y mayaman sa likas na yaman? Ang Japan, di naman mayaman sa likas na yaman pero mas maunlad silang bansa kumpara sa atin...

Ciguro nga talaga...disiplina lang talaga ang problema sa `tin....... Katulad na lang, sa mga sandaling 'to....may nagbabasa parin nito kahit na pinagbabawalan na "bawal basahin ang nakasulat dito!"......Sana naman wag nang PASAWAI uli!!!

Per0 cge ngA, tingnan nga naten kung nagtanDa ka na?

pano kung sabihin ko seo nge0ng "DON'T CLICK THIS!!"....SUSUNDIN MO PA BA o HINDE?
It's up to you kung di ka parin nagtanda....



-nin0ybaltazar09-

What nin0ybaltazar09 means?




What Nin0ybaltazar09 Means?



You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.

You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts.

You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.



You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing.

You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don't stick with any one thing for very long.

You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start.



You are a free spirit, and you resent anyone who tries to fence you in.

You are unpredictable, adventurous, and always a little surprising.

You may miss out by not settling down, but you're too busy having fun to care.



You are full of energy. You are spirited and boisterous.

You are bold and daring. You are willing to do some pretty outrageous things.

Your high energy sometimes gets you in trouble. You can have a pretty bad temper at times.



You are usually the best at everything ... you strive for perfection.

You are confident, authoritative, and aggressive.

You have the classic "Type A" personality.



You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow.

You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily.

Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is.



You are a seeker. You often find yourself restless - and you have a lot of questions about life.

You tend to travel often, to fairly random locations. You're most comfortable when you're far away from home.

You are quite passionate and easily tempted. Your impulses sometimes get you into trouble.





You are incredibly wise and perceptive. You have a lot of life experience.

You are a natural peacemaker, and you are especially good at helping others get along.

But keeping the peace in your own life is not easy. You see things very differently, and it's hard to get you to budge.





You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something.

You have a ton of energy, and most people can't handle you. You're very intense.

You definitely are a handful, and you're likely to get in trouble. But your kind of trouble is a lot of fun.

(\( ^ __ ^ )/)



Pasasalamat ng 'sang Makata

6/22/08 12:47 PM



Ako'y nagpapaSalamat sa'yo
mula sa taos ng aking puso
sa pagiging inspirasyon sa pag-aaral ko...
sa pagiging inspirasyon ng buhay ko...


Ako'y nagpapasalamat sapagka't
ikaw ang nagbigay sakin ng sigla't saya...
ikaw ang lunas saking lungkot at lumbay...
ikaw ang nagbigay ng kulay saking buhay...


Ako'y nagpapasalamat uli
pagka't ikaw nagturo saking maging Makata..
ikaw nagturo sakin kung panong magmahal..
at ikaw ang naggising sa puso kong natutulog..


Ako'y hahalik sa dulo ng aking kamay
Aking iihipan at isasabay sa hanging lumilibot
Umaasang sana'y makarating sa'yo ang halik
ng aking pag-ibig na puno ng pasasalamat...

Salamat...

Salamat...




-ninoybaltazar09-


Sa mga tropa kong tunay

6/20/08 10:24 PM



Nasasariwa pa rin saking isipan
Ang nakaraan na tila kahapon lang
Mga alaala ng samahang nagpatibay
nung tayo'y nasa hayskul pa lamang

O kaysarap talagang balikan
ang mga kalokohang di maawat
mga simpleng tampo't damayan
iyakang nagpatibay din sa samahan

Nakakamiss talaga ating samahan
Walang iwanan sa abot makakaya
Kahit may problema ka nandun sila
Upang damayan ka sa bawat sandali

Nakakamiss naman talaga hindi ba?
Kaya sana ganun parin tayo
Na kahit magkakalayu na tayo
Wala parin kalimutan mga katoto!

Tropang wlang iwanan
Kaya maraming salamat sa inyo
Mga mahal kong kaibigan
Sa akaAla ng masayang barkadahan



-ninoybaltazar09-

* * *


♠♠♠


6/20/08 8:28 PM 


" It's HARD TO PRETEND  you like someone when you don't,


but it's harder to pretend you don't love someone


when you really do... "



-emoterong ninoy


-

Nasa Huli ang Pagsisisi

Siguro'y nagtataka kayo kung bakit nakakagulat na lang mga bagay na ginagawa ko para lang mapakita ko sa kanya na mahal ko siya...

Alam niyo ngayon ko lang kase napagtanto sa buhay ko ito e... isang bagay na nagmulat sa aking pagkatao...
ang buhay ng tao ay sadya palang maliit lang...at di natin alam kung kailan tayo kukunin ng Diyos na Maykapal...kung tutuusin nga e parang nung nakaraan lang nung tayo mga nasa hayskul pa lang...tap0s ngeon nasa kolehiyo na.... tapos nasa 2nd Year College na!...parang ang bilis talaga ng panahon!...kung tutuusin mo parang ang bilis talaga ng oras...at sa mga oras na lumilipas, ay nakakapagsisi lang ay yung mga bagay na gusto mong gawin sa oras na un pero di mo na magagawa pa..dahil di na pwedeng mabalik pa ang nakaraan..at lagi talagang nasa huli ang pagsisisi...

Saken, napakarame kong mga bagay na gustong kong balikan... pero huli na ang lahat... at ngeon ako'y nagsisisi... di ko man lang nagawa ang mga bagay na nais kong gawin sapagkat huli na ang lahat...

Inaamin ko sa buong buhay ko... lagi akong tutok sa pag-aaral ko...isang LONER.... buong taon sa hayskul ko, pag-aaral ang tinutok... mga bagay na magbibigay saken ng saya ay pinalampas ko...at nge0n nagsisisi ako...at dala ko iyon sa aking sarili...

NGeon, sumampa na ako ng kolehiyo... at dito na nagsimula ang pagbabago saking buhay... nde ko alam kung anu na nangyare saken...nang una ko xiang nakita... Nakita ko xia nung mga araw na nag-EEMO ako...ewan ko basta nung makita ko xia, binigyan ña ako ng NGITI at napawi ang lungkot at lumbay sakin sarili.... at mula nun naging misteryo siya sa buhay ko...

Naging inspirasyon ko xia sa akin pag-aaral... at habang tumatagal parang nahuhulog na ang sarili ko sa kanya...Sinubukan kong pgilan ang nararamdaman ko pero sa tuwing siya'y makikita ko ang puso ko'y tumitibok kasing bilis ni LYDIA DE VEGA! Inaamin ko ilang beses ko siyang tinangKang tinanGGi na mahal ko xia...at nandito ngeon nagsisisi....ilang beses ko rin na siyaNg kinalimutan, pero di pa rin maalis-alis sa isipan ko....

Dahil sa kanya, natuto akong gumawa ng tula ...natuto akong makapAgDrawing ng Mukha ng Tao (unang portrait na ginawa ko ay siya..)..at nagsimula akong gumawa nun dahil sa kanya....

Ang nakakasar lang sa aking sarili...sa tuwing makikita ko siya, lagi ko xiang iniiwasan...sa tuwing lalapitan ko siya, nauunahan na ng kaba saking dibdib... in short, TORPE!...Ang DakilanG Torpe ng BSN 1-D!!!!

Mga Oras at araw sinayang ko....mga linggo at buwan pinalipas ko.... di ko xia man laNg xia naging kaibigan...dahIL saking kahiyaan sa sarili....at dame ko talagang mga pagkakataong sinayang na labis ko nang pinagsisisihan...

Sinubukan ko na talaga xiang kalimutan talaga...gumawa ako ng blog sa kanya..nagmessage ako sa kanya ng pamamaalam....haysst....kala ko katapusan na nga ng lahat...pero nde! mantakin ñung magiging kaklase ko siya ngeong 2nd year...! Ang kulit ng buhay ko...parang pinaglalaruang Kapalaran!! Ewan ko ba qng 3p lang 2 ni LORD...!! Pero insip ko na lang pagsUbok din ito!!

Alam ko rin sobrang Napakamahiyain ko...at kaya naman siguro binigay sa akin 2 ng Panginoong Diyos, itong pagkakaton na ito...yun ay upang malabanan sa ang pagiging mahiyain q na nangingibabaw sa aking sarili... malabanan q ang mga takot q... at para maBOOST q ang katatatagan saking sarili...

Ngeon, nagsilbing aral na saken 2... gagawin ko ang mga bagay na nde na kailangang ipalampas pa... Gusto kong naman maExperience ang mga bagay na hinde ko pa nagagawa sa buhay ko...Di ko na kailangang pang ipalampas pa dahil baka magsisi na naman ako kung di ko gagawin...

Sa totoo lang alam ko naman talagang wala akong pag-asa sa isang tulad niya......kaya nde talaga ako umaasa sa kanya...gusto ko lang ipakita sa kanya kung gaano siya kaespesyal sa akin.... na parang isang bituing namumukod-tangi sa aking sarili sa itaas ng kalangitan... anu ba yan nagmaMAKATA ba ako?......
inaamin ko...Mahal ko siya...at tatanggapin ko kung anu man siya......kahit iwasan ña ako...o di pansinin...o magalit man sa akin...okei lng sakin basta't sa akin alam qng MAHAL ko siya... at lahat ng ginagawa ko sa kanya...ginagawa ko dahil mahal ko siya at wala aqng hinihinging kapalit sa mga ginagawa kong ito...

okei lang naman saken kung iwasan ña ako...maBasTed man ako sa kanya kunG sakali man ako ay manliligaw sa kanya... di ko pinagsisisihan mga bagay na yun...atlis naEXpeRience ko naman kung pano ang magmahal...naipakita ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sa aking buhay...naipakita ko na MAHAL na MAHAL ko xia...


Atlis sa hanggang sa pagtanda ko, daladala ko ang mga alaalang un...mga alaalang magbibigay sakin ng ngiti sa oras na maalala ko un...at masasabi ko sa akin sarili, "ay, nagawa ko pala un..hekhek!!.."

I Still Luv You!

6/14/08 3:40 PM





Ilang beses na kitang
Pinipilit alisin
Dito sa aking puso't
Mawala sa isip ko

Pinipilit tanggalin
Itong nararamdaman
Ng puso kong ito
Na ikaw sinisigaw

Pero bakit ganito?
Hindi pa rin maalis
Ang maamo mong mukha
Dito saking isipan

Sa tuwing naririnig ko
Pangalan mong kayganda
Puso ko'y kumakabog
Di alam ang gagawin

Tuwing ika'y nakikita
Parang gustong magwala
Parang gustong isigaw
Ikaw pa rin mahal ko!

Kahit kanino ko pa
Ibaling ang pagtingin
Di pa rin mapalitan
Ikaw saking isipan

Tuwing ika'y nakikitang
May lalaking kasama
Puso ko'y nasasaktan
Di mapigil magselos

Ilang araw ang lumipas
Mula nung tayo'y nag-break
Para bang kahapon lang....
Di ka pa rin malimot....

At ngayo'y nagsisisi
Ba't pinakawalan ka
Dahil 'tong puso't-isipan
IKaw lang hinahanap!

Kung mababalik ko pa
Ang ating nakaraan
Pipiliting tuwirin
Mga pagkakamali

Mga pagkakamali
Na nagbigay sa iyo
ng lungkot, luha't sakit
Nung tayo'y mag-irog pa

E di sana'y masaya
Ngayon sa piling mo...
Di tulad ngayon..ako'y
nangungulila sa'yo..
-ninoybaltazar09-

Friday the 13, malas na araw? di kaya?

Sinasabi nila na malas daw ang Friday the 13...pagsumapit daw ang araw na ito, maraming kamalasan na mangyayari sa iyong buhay....

Kahap0n lng..June 13..Friday the 13 nung araw na un...sabi nila malas daw ang araw na iun.... sa palagay ko, oo nga........kase may nangyayari riang kamalasan sakin pag sumapit ang ganitong araw...nge0n parang naiba ang pananaw ko sa araw na ito....parang ang swerte ko ngaun araw na ito!
nung araw n un parang gus2 ko na talgang ipagtapat sa kanya na mahal ku xia..nahihirapan na q e...sumasakit na ung puso ko.....nde aq makapagsalita nang maay0s sa mga klase q...palaging nahihiya....lakas kase ng AURA ña e.......Naiilang aqng tumingin sa kanya.......para rin kasing NaFeFEeL ko na alam na nia? ganun.......... at para bang inuUsig na q nung araw na un..kaya sinabi q na sa kanya...sa KAnya ng harap-harapan?? UU............. Pero infairness ang hirap ah...
AS IN!!!
Ang kulit nang araw kung ito.... naging masaya aq...kaw ba naman natanggal ung PASAn mo sa dibdib mo n tinago mo pa nung 1st SEM p..cno bang nde?? dba??..
Pumaxok ako nang maaga para makita xia...nagbabakasakaling nag-iisa xia...pero naTRApIk ako kaya imBeS na mga b4 6 aq dumating sa eskwela, mga 6:30 na q dumating sa iskul...hmf! aun pag dating q may kasama na xia...di q na naman masasabi!! parang gusto kong lapitan xia...pEr0 pinipigilan na naman aq nG sarili q....NAHIHIYa aq........para bang nagigi aqng maamoNg Tupa pag nakikita ku xia....at saka magkakaro0n ba q ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman q pag may kasama xiang mga kaibigan ña?? anu ba namang buhay un.!...aun... hanggang sa umabot na ng 7am di ko pa nasa²bi!! NakakaAsAr na talaga aq!! Sumasakit n ung PUSO ko na parang gus2 nang ISIGAW na ......MahaL ku xia! As if qng magawa q....ALPHAKAPALMUKS un! hayzt....aun....nagkar00n n ng klase sa Phil.Go. ..... naiiba talaga ang nararamdaman q nun...parang mga opposite charges na nagwawala sa puso ko....nangYari na naman!! pero bakit sa loob ng klase p??? OUCH!!! Friday the 13! LUBAYAN mo q!!!! mga 8:30, nagkaro0n na kame ng BREAK....... ngE0n iniisip ko na qng sasabihin ku na sa kanya......tinitingNan q xia....Lumabas aq ng klase q nung bumalik na ung mga Ka-Secti0n ña BSN 1-G... ang kulet nga eh.........para bang inuUsig ña kong umamin na! ganun!! Kaya lakas ng Tama q nung araw na un.... para ba aqng umin0m ng IbufroFIN Alaxan IF-R, with Matching DiATABS, SinuTabs, BioGesic, NeoZep at StreSSTab!!! ang lakas ng tama noh?? dinaig ko pa ung nakaDRUGS!!! Nag lumabas ako, nasa harapan pala cla ng pinto...aun...di ko ngeon alam kung san pupunta...parang kitikiting di alam kung saan pupunta...punta ako sa baba.....punta ako ng CANTEEN para bumili ng kendi....tap0s nun....balik ako sa taas....dun muna q 2mambay sa labas ng room namen......tp0s nakita kung Umalis xia.....may pinuntahan lang...s locker ata........habang ako sinusulyapan q xia habang xia'y palayo nang palayo.....Natatawa nga q e...kinausap ako ni NINa...alam nia kunga baket di ako mapalagaysa isang lugar.......alam nia ung DAHILAN?? hekhek! pinakilala nia ako sa klasm8 ña...kakagulat nga e kilala nia aq....pero di q alam ang name nia...cnubukan qng tanungin ang name nia...ang pangalan pala nia ay..............................................................ay nakalimutan ku! wakekek!! xuri po! p0axenxia na qng nakalimutan q...........gulong gulo kase isip ko.....sna naintindihan ño po sana ako........nung pagkatap0s nun...Buo na loob qng sabihin sa kanya ang nararamdaman q....Hinhintay ko xia! Ayun saklap lang kasama nia ung 2 kaklase namen....cna kuya Charles at c ms. CUEVAS....pero cge na 2loi ku na 2!! tutal nanjan na aq eh......kinausap ko xia kung pwede koNg makauSap lang xia kahit sandali lang...... AYUN.....dun ku na sasabihin...pero ang problem lng nangangatog ako nang sasabihin ko...ang dame kong sasabihin pero....di ko alam kung pano q sisimulan...ANG HIRAP!!! Parang Gus2 kong UMATRAS pERO NASIMULAN KU N!!!! NAnjAN Na E!!!!! Kay pautal-utal akong umamin sa kanya.....nahihiya.....inamin ko sa kanya na ako c ninoy baltazar.....cnabi q sa kanya na ako ung ninoy na naging friend nia sa FRIENDSter.....Grabeh din un....iisa plang ung salitang sasabihin ko, bale bente na ang nasabi nia? isa siyang tao na masayang kasama dahil ndeng nde xia nauubusan ng topic pag nakausap mo....!! grabe!! nabigLa aq sa kanya....pero kailang ko paring magsalita.....kahit na parang manoNOSEBLEED na q sa harap ña! grabeh.....!...tapos tinan0ng q sa kanya qng nabigay na sa kanya ni Anika ung mga tula ko at drawing ko....nagulat naman ako dun..!...di pa pla ña natatanggAp...ummm...nakakapagtaka naman yata........cgur0 nakalimutan lang ni Anika.............Naaasar rin ako sa sarili ko dahil binulong ko lang s hangin ang sasabihin ko sa kanya na: "MAHAL na MAHAL kita! na noon pa man ay ikaw na ang nilalaman ng aking puso!!" ........................aun bagu kami umalis binigay ko sa kanya ung 2 tula ko para sa kanya..... ANG T*NGA ko !!!!!!!!!! binigay ko sa kanya na nakasulat lang sa isang manipis na papel na pinunit lng sa kwaderno....? OUCH! nakakahiya naman ako....di ba ako nag-iisip????? parang t*ngengot lang ako nung araw n un....pra aqng tuliro rin sa harap nia.....pero nabigay ko na e......nangangatog na rin ung tuh0d ko sa pag-amin sa kanya.....HIRAP PLANG MagSalita sa Harapan ng MInaMahal mong babaE pero ang masaya naman dun,, atlis naEXPERIENCE ko!!.....ang sarap ng FEELING.....parang nabunutan talaga ako ng Malaking tinik sa dibdib ko.... Di man maayos nang sinabi ko sa kanya, atlis malalaman naman nia sa 2 tula na binigay ko sa kanya! ayun, tapos nun....hinatid ko na xia sa room namen..........darating na rin c Ms. Dones.....pero bago kame makapunta sa room namen cnabihan ña kong wag mahihiya sa kanya dahil magkaklase pa naman kame... Nabuhay aq sa sinabi niyang un.......nasiyahan din dahil imbes na ako'y iwasan niya o mailang man sakin ay pinayuhan pa niya ko...di ko akalain un.....
AyUn tap0s nun, naguLat aq...nilapitan ako nina Charles at ms.Cuevas at tinan0ng kung anu pinag-uspan namen ni Cammyl.... grabeh naintriga pala aq dun!! Ayun...cnabi q naman na pinagtapat ku lang ang nararamdaman q....... GRABEH HIRAP GAWIN!!!!! PERO MASARAP SA FEELING!!!! papachizBurgEr nga q DUn!!!! saya saya q kase e........................sinabi q rin kna KAKA ung nangyare...LAKAs daw ng Loob q.....wahekhek!!!
Pero Kahit nasabi ko sa kanya ng harap harapan....nde parin aq nakuntento dun...xempre sinendan q n nma nxia ng MEssaGe at dun ko sinabi ang mga dapat talagang sabihin ko!! buong-buo pa at halos lahat ng nais kong sasabihin ay nandun n...sana mabasa ña........
Okei na rin sakin na sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko.... atlis makakaFoCus na q s studies ko dahil wla nang bumabagabag sa damdamin ko...........
SALAMAT kay LORD at sa araw na ito.... kakaibang araw i2 para sakin.....dahil sa halip na kamalasan ang binigay saken ng araw na i2 ay pinalitan ng kasiyahan na siyang nagpabago saken ng paniniwala na malas ang araw nang Friday the 13..

Mapaglarong Tadhana!

6/7/08 8:30 PM



Minsan sa buhay ng tao
na sa daming pwedeng gawin ng mundo
ay ikaw pa ang mapagtripan at
mangialam na sa istorya ng buhay mo


 Anu ba? bakit nga ba ganito?
Sa dami daming mga bagay dito sa lupa
Dami raming mga ungas na pwedeng pagtripan
Kapalaran ko pa ang napili mong paglaruan?

Isip ko'y naguguluhan na....
sa mga tanong saking isipan
Bakit kasi sa dami-daming estudyante pa
ay siya pa ang naging kaklase ko!

Hindi ba dapat masaya ako?
Na pumapalakpak na ko sa tuwa?
Pero hindi dapat mangyari yun e..
Hindi dapat dahil ayoko na..

Nakakatuwa kasing isipin
na ako'y namamaalam na sa kanya't
nagsabing magpapakalayo-layo na
Pero sa sitwasyong 'to may magagawa pa ba?

Ano ba ang gusto ng mundong 'to?
Paglaruan talaga ang buhay ng tao?
O harapin ng isang duwag na tulad ko
ang pagsubok na ilang beses tinatakas-taksan?

At kung ito ma'y isang laro niya lang
Handa akong maglaro sa kanya
tanggapin ang linsiyak na walang pakundangan
asumunod sa agos ng mapaglarong tadhana!





-nin0ybaltazar09-

DakiLanG torpe ng BSN 1-D

6/6/08 3:27 PM




torpe



Eto na naman ako
Naghahanap ng tiyempo
Na sabihin sa kanya
Nilalaman nitong puso

Naghihintay ng tamang oras
Naghihintay ng tamang sandali
Na aminin na sa kanya
Na ang puso kong ito'y sa kanya lang umiibig

Pero bakit kaya ganito?
Sa tuwing siya'y makikita ko
Animo isa siyang 'scotch tape'
Na tumatakip sa bibig ko?!

Bakit kaya ganun?
Ang daling sabihin, ang hirap gawin!
Sa tuwing siya'y makikita
Nauunahan na ng kaba sa aking dibdib

Akalain mong para siyang 'U-TURN' sign
sa tuwing siya'y makikita ko
Direksyon ng pupuntahan ko'y nagbabago
Na wari di pa handang sabihin sa kanya ang totoo!!

Ilang araw at linggong pinagpaliban
Ilang buwan na ang nasayang
Simula pa nung 1st SEM, umabot ng SUMMER
Eto pa rin...wla pang nangyayari!!


Anak ng Jueteng!!! AMfnezz!!!
Kailan pa kaya sa kanya masasabi?
Kung ganito na naman ako
Isang torpeng duwag na naghihintay ng sandali!

Pasensya na talaga
Kung ganito ako katorpe
Ngayon ko lang kasi naramdaman ito
Ang umibig ng buong puso't isipan sa isang babae

Kaya eto ako ngayon
Dinadaan na lang sa pagsulat ng tula
Sinasayang ang natitirang sandali't
Itatago na lang ang nilalaman nitong puso :(



T _ T-ninoybaltazar09-

TpOs n b ExAm mo? Pra Aq NmAn SaGuTin Moh!

6/6/08 3:26 PM



Sa tuwing papasok sa eskwela
Ikaw lang laging hinahanap-hanap
Para ka kasing CENTRUM
Kinukumpleto mo araw ko!!

Nagtataka talaga ako sa iyo
Kung pinaglihi ka ba sa KUPIDO?
Tinamaan mo kasi ang puso ko
At nandito ngayon sayo'y umiibig !

Iniisip ko nga'y liban sa pagiging dAncEr,
Magaling ka rin palang DRIVER!
Siguro'y nagtataka ka kung bakit?
Kasi "you're always driving me crazy!"

Minsan nga ay may nagtanong na saken
Kung ako ba'y nawawala sa campus?!
Ani ko'y 'OO'...'kaw kasi MAPA ko
"I always get lost without you!"

Pag sa tuwing ako'y EMO
Ikaw lang ang hinahanap-hanap
Ikaw ang PUSTISO ko.....
"I can't smile without you!"

Ako'y may itatanong lang sa'yo
Wag ka sanang magugulat
Pa-aari mo ba ang MERALCO?!
"coz' you're always light up my day!"

Pasenya na kung nakokornihan ka na
Nais ko lamang mabigyan ka ng saya
Makita ka lang na laging masaya
Araw ko'y sumasaya na din!


-ninoybaltazar09-

My 1st Portait

6/18/08 3:23 PM





Ako'y naririto
Nag-iisa sa silid ko
Pinagmamasdan litrato mo
Kung pano sisimulan pagguhit sa'yo

Ilang oras pinag-isipan
Kung bakit ikaw aking napili
Para sa aking katangi-tanging
Pagguhit ng larawan ng tao

Siguro nga'y kaya ika'y napili
Dahil sa ika'y mahal ko
Di magsasawang iguhit ka
Dahil sa ika'y inspirasyon ko

Sa pagguhit ko nilalabas
Lahat ng nararamdaman sa'yo
Pagmamahal na gusto kong ipadama
Na di pa rin maamin hanggang ngayon sa'yo

Halos isang linggong pinaghirapan
Matapos lang unti-unti
Ilang araw nagtimpi
Ilang gabing pinagtiyagaan

Hirap palang magdrawing ng tao
Lalo na't biglaan itong pagguhit
Pero di ko ito inalintana
Dahil sa'yo,alam kong matatapos ko ito

Pasensya na talaga kung hinde
Masyadong hawig 'yong mukha sa larawang ito
Pinilit ko itong ayusin
Pero hanggang dito lang ang kaya ko

Hiling ko lamang sa'yo
Sa paglipas ng mga panahon
Wag mo sana itapon larawang ito
Dahil ito lang tanging pamana ko sa'yo

Ang pamanang tinutukoy ko
Ay di sa ito'y trip ko lang na iguhit ka
Buong puso ko itong pinaghirapan
Maiguhit lamang ang minamahal ko.......... :)



-ninoybaltazar09-

Pasimpleng sulyap

6/6/08 3:22 PM



Nandito na naman ako
Naghihintay sa harap ng entrada
Inaabangan pagdating mo
Para masulyapan ka lang sinta

Sarili ko'y di mapakali
Sa paghangad na ika'y nais makita
Araw ko'y di nakukumpleto
Hangga't di ka nasisilayan

O kay sarap pagmasdan
Ang maamo mong mukha
Na wari mo'y isang pustiso
Na nagpapangiti saken ng bigla!

At sa mga mata mong nakakaakit
At ngiti mong nakakahumaling
Tila ba ako'y nagayuma na
At sa isipan ko'y di na maalis!

Sa oras na ika'y makita
Problema't pagod ko'y nawawala
Lungkot ko'y napapalitan ng saya
At para bang ako'y nasa langit na!

At sa oras na ako'y titigan mo
Mundo ko'y humihinto
Puso ko'y tumitibok
Kasing bilis ni Lydia de Vega!

Kung alam mo lang
Ikaw lang ang nasa isipan ko
Ikaw lang ang sinisigaw nitong puso't
Tanging inspirasyon sa pag-aaral ko

Kaya pasensya na talaga
Kung di ko pa maamin sa harapan mo
Na ang puso ko sayo lang umiibig
Kaya idinaan na lang dito't nawa'y maibigan mo

Kaya eto ako ngayon
Naghihintay pa rin sa iyo
Di nagsasawa sa pag-abang sa'yo
Makita ka lamang.........sinta ko :)



-ninoybaltazar09-


About Me! :)






Si Ninoy Baltazar (i. Abril 1991) ay isang rehistradong nars, kwentista, blogger at video animator. na kasalukuyang naninirahan ngayon sa lungsod ng Las Piñas.

Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa link na ito:
ANG SLUMBOOK NI NINOY BALTAZAR(SLUMBOOK NA DI DAPAT PANG PAG-AKSAYAHAN NG ORAS!!)


Sources :






No. of ViSITORS!!!
free hit counter script






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger