"Isa...dalawa..tatlo..apat..lima..lima...anim..anim...pito...tatlo...apat...lima.."
*hanggang sa umabot ng bente ang bilang niyang paulit-ulit!*
"Bente......! Yes! bente lang pala ang pimples ko! Haha!"
"Oh talaga? congrats tsong! wala nang i-space ang mukha mo!"
Sa bawat araw na paggising ko..hindi na ako nagbabalak na timingin pa sa salaming...Ayoko ko nang tumingin pa, baka bumalik lang ako sa tulog..Binabangungot lang ako..
AARRGGH!! Ayoko ng ganito! ang dami ko namang buwisita sa mukha ko! Ano ba ito?..Sabi ng nanay ko, "Ayan kase puyat nang puyat!" E anu ba naman kaseng kuneksyon ng mga dalawa sa pagpupuyat ko?..
Tigyawat. Anu ba iyon? Saan ba nanggaling ang mga 'to? Paano ba maiiwasan ang mga ito?... ang dami kong mga katangungan sa isipan (pero mas marami pa rin sa tigyawat!) at kaya atat na atat na ko malaman ang mga sagot. Kakagigil! Sarap tirisin! Kung bakit naman kasi wrong timing pa! Saka pa nagsilabasan kung kelan pang gusto mong magpaporma at magpagwapo! Arrghh!!
Sa pagtatanong ko, bigla na lang akong sinagot ng kapatid ko. Nagulat ako at agad akong napanganga sa sinabi niya. Mantakin mong nag-aaral pala ito?
Sabi niya:" A pimple is a result of a blockage of the skin's pore. Inside the pore are sebaceous glands which produce sebum. When the outer layers of skin shed (as it does continuously), the dead skin cells left behind may become 'glued' together by the sebum. This causes a blockage in the pore, especially when the skin becomes thicker at puberty. The sebaceous glands produce more sebum which builds up behind the blockage, and this sebum harbours various bacteria including the species Propionibacterium acnes......"
*Nosebleed and paranoia!* Aray, halos napanganga ako dun ah?...Dahil sa kanyang napakahabang mala-speech na explanation halos napakain na ako ng chichiria nun! Pero nagulat na lang ako nang dugtong niya ay ganito: " Kung meron ka pang tanong kuya, tingnan mu na lang sa wikipedia.com..dun ko nakuha yon! Pag bukas ko nga ng website na 'yon, agad akong napasabi ng "#$%!^" Pambihira! Sinabi niya na lang sana ang website noh? Pero infairness...copy paste talaga ang sinabi niya..Hindi rin nakapagtataka kung bakit nagkaroon rin siya ng interes dun, kase tinitigyawat rin siya..mas maraming di hamak kaysa sakin! >:)
Tigyawat...isa sa pangunahing prinoproblema ng mga kabataan ngayon..Pero saan ba talaga nanggagaling ang mga 'to...at pano kaya malulunasan ang mga ganito..
To make the explanation of my brother short and understandable, 'Acne is pustular eruptions, localized abscessed formation and local inflammatory conditions of the dermis and epidermis skin layers..' *toinkz! anu ba yun? simula pa lang pina-nosebleed ko na ang mga readers koh? Baka sa susunod langawin na itong page ko...wag sana!*
Tighiyawat..ayon sa aking pagkakaintindi, ito ay resulta ng pagbloblock ng skin ( o libag) sa oil sa mukha natin na tawagin nating 'sebum.' pag oily ang face, doon nagreresulta ng pimples...
Nagiging oily ang face natin pag pinapawisan. bumubukas ang mga pores sa face kaya naglalabasan ang oils sa sebceous gland. Ayon. pag lumabas na ung oil, di ba sticky yun? Parang ung pawis sa kilikili mo? sticky! pag may dumikit na dirt sa face, papapasukan ng dirt ung opened space sa pore, tapos aakalain ng white blood cells natin na foreign body yung dirt kaya lalabanan nila ito.. tapos, magkakaron ng infection..at doon papasok ang pimples..
E ano naman ang kinalaman ng pagpupuyat naman sa pagkakaroon ng tigyawat? Simple lang. Yun ay dahil sa kapag nagpupuyat tayo, nagiging mabilis at active ang metabolism sa katawan natin. Dahil dun, nagiging aktibo rin ang hormones natin at nagiging dahilan ng pagsesecrete ng more oil ng sebaceous sa katawan natin. At pangalawa, dahil na rin sa libagin kayo! Biro lang. May mga libag sa katawan natin at sa mukha natin, nabloblock yung oil at dun na nagsisimula ang pagtutubo ng pimples. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sa likod, may makikita rin kayong mga tigyawat sa ibang tao..tulad rin sa kapatid na wala nang matubuan sa mukha niya...JOKE ULI!!! *Bro, peace tayo!*
Meron rin nagsasabing may mga iba pang dahilan kung baket nagkakaroon tayo ng pimple. Liban sa puyat, ang stress at oily foods..Oily Foods? dahil ba sa oily ang pagkain kung kaya't bawal ding kumain nun? Sweet foods like chocolates din?...kaya ayaw kong magpapanipaniwala sa mga ganito e, pinapaiwas nila ako sa mga gusto ko! E panu kung mahilig ako sa mga oily food and sweets? May magagawa ba kayo kung gusto ko?!!
Naalala ko tuloy. Pinagsabihan ako ng tito ko na sarap na sarap sa mga chocolates na pinadala galing abroad.
Sabi niya: "Pst! bawal kang kumain nito!"
Ako: Pero, tito bakit ako pinagbabawalang kumain nito?"
Tito: "Nakakautot!"
Ako: "E anung masama kung umutot ako? gusto ninyo ututan ko kayo ngayon eh? hehehe!
Tito: "..........hindi....aamm.....nakakatigyawat ito!! OO! TAMA! kaya wag kang kumain nito..! masama sa iyo 'to! at Wag nang magtanong pa!"
*Diyos ko po! ilang taon pa lang ba ako nun. Magpipitong (7) taong gulang pa ako nun! Magkakatigyawat ba naman ako nun? Bata pa kaya ako..Dahil sa masunurin ako at wala pa ako sa mundo para malaman anag mga bagay na iyon, sumunod naman ako..Naglalaway na ang bibig ko habang siya sarap na sarap sa pagkain ng mga chocolates! Tubuan ka sana ng BAKOKANG!! Huhuhu!...T_T*
Balik na tayo sa usapan. Ayun nga. magpagayunpaman.sinusunod ko ngayon ito kahit wala ito basehan sa scentific research. Wala naman rin mawawala kung sumunod ako hindi ba? Ang nakakapaghinayang lang ay nakakapanglaway lang ang mga 'to...
Pero ngayon ang hirap nitong kalagayan ko. Lalo na nalalapit na ang finals. Magcucultivate na naman ako ng tigyawat nito. Todo sunog kilay to the max ito. Syempre ayaw ko pang mawala sa San Juan uy!...Pero pramis ko rin sa sarili ko, pagkatapos lang nitong Exam na ito, aasikasuhin ko ang mukha ko...naaawawa na ako sa mukha ko palang ngayon..iniisip ko para bang nire-rape ng mga lint*k na mga pimples na ito ang mala-birhen kong mukha! Nakakaawa.
Last na tanong lang, pano naman mapapagaling ito?
Siguro, marami sa atin ang nakasubok nang magtiris ng pimples. Bakit kaya? Kung magtanong ay parang hindi ko ginagawa ah?...akala ng iba, kapag tiniris nila liliit ang pimples nila.. Akala rin ng iba pag natiris na ung pimples, mawawala na ung fluid sa loob, kaya akala nila maaalis na ung pimples! Di ba ganun kadali?! Yun iba naman Operation exterminate tigyawat talaga! Anu ba yan?!! Ang daming kayang namamtay sa Maling Akala?? Di niyo ba alam na imbes na lumiit ito, lumalaki pa lalo pimples ninyo? Saka hindi niyo ba inisip na dindudumihan ninyo lang ang salamin nito sa oras na nagpriprick kayo ng tigyawat??
Pang-asar na pimples! Kung dati inaasar ko ang kapatid dahil sa rami ng pimples niya..ngayon mukhang makikipagkontesan na ako sa kapatid ko....Teka, anung oras na pala? O HINDDEEE! Ala 2:00am na!! Sige na nga hanggang dito na lang ako..
PS: "There are common over-the-counter medications for pimples. These are benzoyl peroxide and/or salicylic acid. Both medications can be found in many creams and gels used to treat acne through topical application. Both medications help skin slough off more easily, which helps to remove bacteria faster. A regimen of keeping the affected skin area clean plus the regular application of these topical medications is usually enough to keep acne under control, if not at bay altogether. 1-2% of the population is allergic to benzoyl peroxide treatments."
Kung meron pa kayung mga katanungan sa akin tungkol sa counter medication sa pimples, dun na lang kayo sa wikipedia.com..dun ko lang rin kase nakuha ito e! hekhek!!
Sabi nila malas daw pag kaliwete.Hinde raw maganda sa pamilya ang kaliwete dahil nagdadala raw ng kamalasan sa buhay.Parang katumbas mo na ang pagiging 'black sheep' kapag isa kang kaliwete sa pamilya mo....
Sa mesa, pag nakita ka ng tatay mo o nanay mo na kaliwang kamay ang ginagamit mo sa paghawak ng kutsara, pipilitin nilang isaksak sa kukote mo na kanan ang gamitin sa paghawak ng kutsara..
Sa eskwelahan naman, pag nakita ka ng titser mong nagsusulat ng kaliwete papaluin niya ang kaliwang kamay mo at pipilitin niyang sanayin ka sa paggamit ng kanang kamay mo sa pagsusulat...
Sa paghawak ng walis dapat kanan..paghawak ng lapis o ballpen, dapat kanan...sa pagpunas ng mesa, dapat kanan...sa pagbubuhat ng isang bagay na kaya ng isang kamay, dapat kanan!....sa pagkaway, KANAN! Kanan! Kanan! Kanan! Lahat na lang puro KANAN!! Pati pa ba sa paghugas ng puwet? dapat KANAN pa rin??
Kaliwete? Ano bang masama sa pagiging kaliwete? Ano naman kayang kamalasan dinala nito sa buhay natin? Parang walang kakonek-konek.. Para mo lang sinabing "para sa ikauunlad ng ating buhay, wag maging kaliwete!" Ano daw?
Sabi nila pag kaliwete ka raw, nangangaliwa ka! Nangangaliwa?! Hindi naman porket magkaparehas ng salitang ugat e nangangaliwa na? Mukha bang mga babaero o lalakera ang mga kaliwete? Mukha lang silang 'Cute" noh? haha. biro lang! (palibhasa kaliwete rin! hehehe! AlphaKapalMuks!)
Kaliwete rin naman sina Albert Einstein, Isaac Newton, Napoleon, Julius Ceasar, Mark Twain, Benjamin Franklin, Picasso, Michelangelo Buonarroti at Leonardo da Vinci. Gulat ba kayo? Oo. Kaliwete sila. Sinasabi nilang malas pero nasan na sila ngayon?....PURO PATAY NA hinde ba?!!
Magbibigay naman ako ng ibang kilalang tao na nabubuhay naman. Baka isipin ninyong wala nang nag-eexist na kilalang tao na kaliwete! Hehehe! Sina Drew Barrymore, Whoopi Goldberg, Keanu Reeves, Pierce Brosnan at Demi Moore ay ilan sa mga Holywood actors and actresses na kaliwete. Si Oscar de la Hoya, boksingero, kaliwete rin..Si Goerge Bush na presidente ng Estados Unidos, kaliwete rin! Teka, wala bang mga pilipino? Meron din naman! Tulad nina Manny Pacquiao at si Aiza Siguerra ay mga kilalang pinoy na kaliwete.
Siguro nagtataka kayo ngayon kung anong pumasok sa utak ko kung bakit napagtripan kong magsearch pa sa internet para makahanap lang ng mga kilalang tao na "kaliwete." Kung iniisip ninyo na interesadong interesado ako sa mga ito..puwes, nagkakamali kayo! pinagtiyagaan ko lang itong hanapin para humanap lang ng kadamay! Para sa oras na sasabunin na naman ako ng magulang ko sa paggamit ko ng kaliwang kamay, may ipapanangga ako! Hahaha! Anong malas kayo jan ha? Yan bang mga kilalang taong yan hinde umunlad sa buhay nila? Oha! Oha!
Magpagayunpaman, huwag ninyo na lang akong pansinin. Sana maisip naman natin na hindi naman sa kanan ka o kaliwete ka ay masasabing isa ka nang 'malas.' Nasa tao naman yan kung pano niya dinadala ang buhay niya. Nasa sarili lang natin kung ano bang kakahinatnan ng buhay natin - kung uunlad ka ba o hinde. Hinde naman hadlang ang pagiging isang kaliwete mo sa pag-unlad ng isang tao. At hinde naman rin sa kanan ka ay swerte ka na at iaasa mo ang pag-unlad mo doon..Nasa tao lang yan kung paano niya dinadala ang sarili niya tungo sa kaunlaran niya. Kaya kung isa kang kaliwete, huwag kang makinig sa mga sabi-sabi..think positive! Swerte ka! Don't let them bring you down in this belief!
Ika nga ni W. C. Fields :
"If the left side of your brain controls the right side of your body, and the right side of your brain controls the left side of your body, then left-handed people must be the only ones in their right minds."
-nin0ybaltazar09-
Isang gabing mapayapa
nababalot ang paligid ng kalungkutan
Mga tao'y tulog na
samantalang ako'y gising pa
nandirito nagmumukmok sa silid ko
Sa silid kong maliit
Na tinuturi kong kanlungan
Aking munting mundo
na kung saan nilalabas
lahat ng sama ng loob
Sa isang madilim na sulok
Pinipilit sinisiksik ang sarili
Maitago lang mga luhang pumapatak
at sakit at galit na nangingibabaw
sa nakakaawa kong sarili
Bakit ba ganito?
Wala na ba akong ginawang tama?
dispalinghado ba lahat nagawa sa buhay na 'to?
halos wala na akong marinig sa bawat araw
Puro na lang bulyaw..palaging pinapagalitan
Bawat araw dinaramdam
mga bulyaw at murang natatanggap
sa araw-araw na dumarating
Kaya isipan ko'y gulong-gulo ngayon
Parang gustong magwala'tilabas ang nararamdaman
Cge Na! Tanggap ko na!!
T*Nga na ako!! G*Go!! B*Bo!!
O kahit anu pang mura pa yan
Wag ño lang sanang ulit-ulitin pa
Nasasaktan na ako
Sa aking pagdaramdam
Ako'y napaisip sa isang katanungan
"Ako ba ang MALAS sa pamilyang 'to??
Kaya hanggang ngayo'y pamumuhay
di pa rin maunlad-unlad??"
Gusto ko silang sumbatan
Gusto kong sabihin aking dinaramdam
Pero hindi ko magawa...
Sin0 nga ba naman ako??
Isang hamak na anak lang naman ako, di ba?
Sawang-sawa na kong makinig
sa mga pabulyaw ninyong pangaral
na paulit-ulit na sirang plaka
na sinamahan pa ng malulutong na mura
na nakakasakit na saking damdamin
Inay...Itay...sana'y maunawaan ninyo ako
Alam kong binibigay ninyong lahat sa akin
lahat nga nakbubuti para sakin
Pero naitanong ninyo na ba sa akin?
Ako ba'y masaya sagusto ninyo?
Kaya eto ako ngayon
Inaabangan pagsikat ng araw
Umaasa sa pagdating ng umaga
na mabago ang pagtrato
ni Inay at Itay sa akin...:(
-ninoybaltazar09-
Nang aking minalas dilim ng kalangitan
Ako'y nabighani sa aking nasilayan
Isang Bituing Marikit na nagniningning sa kalangitan
Dinaig pa ang buwan na puso ang hinuhugis
Di na maalis ang titig sa Bituing Marikit na walang kapantay
Wari'y ang puso ko'y nabihag na sa kanyang kagandahan
Mga lungkot ko't hirap nabihisan ng tuwa't galak
Nang aking nasilayan Bituing Marikit na aking sinisinta
O Bituing Marikit aking pinapangarap
Nakakaakit kang tingnan sa gabing maaliwalas
Ika'y naiiba sa mga nagagandahan ding bituin
Pagka't ikaw ang nagsabog na kagandahan sa kalangitan!
AKing hiling lang itong gabi'y wag sanang matapos pa
Pagka't ayoko pang mawalay sa piling mo
Ikaw ang ningning na nagbigay ligaya at buhay
At nagtanim ng pag-ibig dito sa puso ko
O Bituing Marikit ikaw ang ilaw ng buhay
Ika'y lunas saking lumbay at dalita
Ikaw ang liwanag ng buhay ko't tanglaw
Ikaw lang Bituing Marikit, "O K.A. Kong mutya!"
-ninoybaltazar09-
"di ko makakalimutan si TOYANG na laging nakatambay sa TINDAHAN ni ALING NENA at nagpaLIGAYA sa PARE KOng mahilig kumain ng FRUITCAKE habang nago-OVERDRIVE. sabi nya, sya ang babaeng karapatdapat ihanay sa MASELANG BAHAGHARI, at handang isayaw sa HULING EL BIMBO. pero saan ka di nya kayang HARANAhin ito, dahil napakalaki nyang TORPEDO. di ko lam kung KAILAN nya maiisipang isama ito sa ALAPAAP sapagkat MINSAN lang dumating ang SEMBREAK.its HARD TO BELIEVE pero basta daw PARA SA MASA, he can do it, WITH A SMILE! pero sayang dahil LIGHTYEARS ang pagitan nilang dalawa. kaya, HEY JAY, HUWAG MO NG ITANONG SA AKIN kung bakit sa TUWING UMUULAN AY AKO KAPILING NYA at ako ang centerfold nga MAGASIN nya! "
..Sabi ito ng isang ka-bobongpinoy group member ko. Galing niya noh? Pinagsama-sama niya ang mga ibang kanta ng Eraserheads sa isang paragraph lang! Ayos noh? Ayus trip!
..Grabe kahit wala nang bandang ito, marami pa ring mga die-hard fans tulad ka sa bandang ito.Malaki ang naging kontribusyon ng mga bandang ito sa musika ng industriya ng Pilipinas. Sayang nga lang hinde na nabuo ang miyembrong ito..
..Bata pa lang ako (nung nasa elementarya pa lang ako) ay hilig ko na ang Eraserheads. Lalo na ang kanta nilang "Ang Huling El Bimbo" na favorite song ka pa rin hanggang ngayon. Kahit na wala na sila, patuloy ko pa ring tinatangkilik ang mga kanta niLa. Sayang nga lang talaga hinde ako nakapanood ng concert niLa. Mahal kase eh.. Pero sana nga'y magkaroon nng part 2 nito.. at sana libre na! Para everybody happy! hekhek!! Eraserheads! Saludo kame seño!!
Cge po! Kuya Ely, pagaling ka ha? Take Care coz' I care! ^^,