9/18/08 8:19 PM
Sabi nila malas daw pag kaliwete.Hinde raw maganda sa pamilya ang kaliwete dahil nagdadala raw ng kamalasan sa buhay.Parang katumbas mo na ang pagiging 'black sheep' kapag isa kang kaliwete sa pamilya mo....
Sa mesa, pag nakita ka ng tatay mo o nanay mo na kaliwang kamay ang ginagamit mo sa paghawak ng kutsara, pipilitin nilang isaksak sa kukote mo na kanan ang gamitin sa paghawak ng kutsara..
Sa eskwelahan naman, pag nakita ka ng titser mong nagsusulat ng kaliwete papaluin niya ang kaliwang kamay mo at pipilitin niyang sanayin ka sa paggamit ng kanang kamay mo sa pagsusulat...
Sa paghawak ng walis dapat kanan..paghawak ng lapis o ballpen, dapat kanan...sa pagpunas ng mesa, dapat kanan...sa pagbubuhat ng isang bagay na kaya ng isang kamay, dapat kanan!....sa pagkaway, KANAN! Kanan! Kanan! Kanan! Lahat na lang puro KANAN!! Pati pa ba sa paghugas ng puwet? dapat KANAN pa rin??
Kaliwete? Ano bang masama sa pagiging kaliwete? Ano naman kayang kamalasan dinala nito sa buhay natin? Parang walang kakonek-konek.. Para mo lang sinabing "para sa ikauunlad ng ating buhay, wag maging kaliwete!" Ano daw?
Sabi nila pag kaliwete ka raw, nangangaliwa ka! Nangangaliwa?! Hindi naman porket magkaparehas ng salitang ugat e nangangaliwa na? Mukha bang mga babaero o lalakera ang mga kaliwete? Mukha lang silang 'Cute" noh? haha. biro lang! (palibhasa kaliwete rin! hehehe! AlphaKapalMuks!)
Kaliwete rin naman sina Albert Einstein, Isaac Newton, Napoleon, Julius Ceasar, Mark Twain, Benjamin Franklin, Picasso, Michelangelo Buonarroti at Leonardo da Vinci. Gulat ba kayo? Oo. Kaliwete sila. Sinasabi nilang malas pero nasan na sila ngayon?....PURO PATAY NA hinde ba?!!
Magbibigay naman ako ng ibang kilalang tao na nabubuhay naman. Baka isipin ninyong wala nang nag-eexist na kilalang tao na kaliwete! Hehehe! Sina Drew Barrymore, Whoopi Goldberg, Keanu Reeves, Pierce Brosnan at Demi Moore ay ilan sa mga Holywood actors and actresses na kaliwete. Si Oscar de la Hoya, boksingero, kaliwete rin..Si Goerge Bush na presidente ng Estados Unidos, kaliwete rin! Teka, wala bang mga pilipino? Meron din naman! Tulad nina Manny Pacquiao at si Aiza Siguerra ay mga kilalang pinoy na kaliwete.
Siguro nagtataka kayo ngayon kung anong pumasok sa utak ko kung bakit napagtripan kong magsearch pa sa internet para makahanap lang ng mga kilalang tao na "kaliwete." Kung iniisip ninyo na interesadong interesado ako sa mga ito..puwes, nagkakamali kayo! pinagtiyagaan ko lang itong hanapin para humanap lang ng kadamay! Para sa oras na sasabunin na naman ako ng magulang ko sa paggamit ko ng kaliwang kamay, may ipapanangga ako! Hahaha! Anong malas kayo jan ha? Yan bang mga kilalang taong yan hinde umunlad sa buhay nila? Oha! Oha!
Magpagayunpaman, huwag ninyo na lang akong pansinin. Sana maisip naman natin na hindi naman sa kanan ka o kaliwete ka ay masasabing isa ka nang 'malas.' Nasa tao naman yan kung pano niya dinadala ang buhay niya. Nasa sarili lang natin kung ano bang kakahinatnan ng buhay natin - kung uunlad ka ba o hinde. Hinde naman hadlang ang pagiging isang kaliwete mo sa pag-unlad ng isang tao. At hinde naman rin sa kanan ka ay swerte ka na at iaasa mo ang pag-unlad mo doon..Nasa tao lang yan kung paano niya dinadala ang sarili niya tungo sa kaunlaran niya. Kaya kung isa kang kaliwete, huwag kang makinig sa mga sabi-sabi..think positive! Swerte ka! Don't let them bring you down in this belief!
Ika nga ni W. C. Fields :
"If the left side of your brain controls the right side of your body, and the right side of your brain controls the left side of your body, then left-handed people must be the only ones in their right minds."
I found your article very informative and entertaining, I was wondering if I could include some parts of your blog as part of my research paper under Filipino beliefs on handedness. :)
ReplyDelete