Tigyawat!

9/24/08 1:45 AM


"Isa...dalawa..tatlo..apat..lima..lima...anim..anim...pito...tatlo...apat...lima.."
*hanggang sa umabot ng bente ang bilang niyang paulit-ulit!*
"Bente......! Yes! bente lang pala ang pimples ko! Haha!"
"Oh talaga? congrats tsong! wala nang i-space ang mukha mo!"

***

Sa bawat araw na paggising ko..hindi na ako nagbabalak na timingin pa sa salaming...Ayoko ko nang tumingin pa, baka bumalik lang ako sa tulog..Binabangungot lang ako..

AARRGGH!! Ayoko ng ganito! ang dami ko namang buwisita sa mukha ko! Ano ba ito?..Sabi ng nanay ko, "Ayan kase puyat nang puyat!" E anu ba naman kaseng kuneksyon ng mga dalawa sa pagpupuyat ko?..

Tigyawat. Anu ba iyon? Saan ba nanggaling ang mga 'to? Paano ba maiiwasan ang mga ito?... ang dami kong mga katangungan sa isipan (pero mas marami pa rin sa tigyawat!) at kaya atat na atat na ko malaman ang mga sagot. Kakagigil! Sarap tirisin! Kung bakit naman kasi wrong timing pa! Saka pa nagsilabasan kung kelan pang gusto mong magpaporma at magpagwapo! Arrghh!!

Sa pagtatanong ko, bigla na lang akong sinagot ng kapatid ko. Nagulat ako at agad akong napanganga sa sinabi niya. Mantakin mong nag-aaral pala ito?

Sabi niya:" A pimple is a result of a blockage of the skin's pore. Inside the pore are sebaceous glands which produce sebum. When the outer layers of skin shed (as it does continuously), the dead skin cells left behind may become 'glued' together by the sebum. This causes a blockage in the pore, especially when the skin becomes thicker at puberty. The sebaceous glands produce more sebum which builds up behind the blockage, and this sebum harbours various bacteria including the species Propionibacterium acnes......"

*Nosebleed and paranoia!* Aray, halos napanganga ako dun ah?...Dahil sa kanyang napakahabang mala-speech na explanation halos napakain na ako ng chichiria nun! Pero nagulat na lang ako nang dugtong niya ay ganito: " Kung meron ka pang tanong kuya, tingnan mu na lang sa wikipedia.com..dun ko nakuha yon! Pag bukas ko nga ng website na 'yon, agad akong napasabi ng "#$%!^" Pambihira! Sinabi niya na lang sana ang website noh? Pero infairness...copy paste talaga ang sinabi niya..Hindi rin nakapagtataka kung bakit nagkaroon rin siya ng interes dun, kase tinitigyawat rin siya..mas maraming di hamak kaysa sakin!  >:)

Tigyawat...isa sa pangunahing prinoproblema ng mga kabataan ngayon..Pero saan ba talaga nanggagaling ang mga 'to...at pano kaya malulunasan ang mga ganito..

To make the explanation of my brother short and understandable, 'Acne is pustular eruptions, localized abscessed formation and local inflammatory conditions of the dermis and epidermis skin layers..' *toinkz! anu ba yun? simula pa lang pina-nosebleed ko na ang mga readers koh? Baka sa susunod langawin na itong page ko...wag sana!*

Tighiyawat..ayon sa aking pagkakaintindi, ito ay resulta ng pagbloblock ng skin ( o libag) sa oil sa mukha natin na tawagin nating 'sebum.' pag oily ang face, doon nagreresulta ng pimples...
Nagiging oily ang face natin pag pinapawisan. bumubukas ang mga pores sa face kaya naglalabasan ang oils sa sebceous gland. Ayon. pag lumabas na ung oil, di ba sticky yun? Parang ung pawis sa kilikili mo? sticky! pag may dumikit na dirt sa face, papapasukan ng dirt ung opened space sa pore, tapos aakalain ng white blood cells natin na foreign body yung dirt kaya lalabanan nila ito.. tapos, magkakaron ng infection..at doon papasok ang pimples..

E ano naman ang kinalaman ng pagpupuyat naman sa pagkakaroon ng tigyawat? Simple lang. Yun ay dahil sa kapag nagpupuyat tayo, nagiging mabilis at active ang metabolism sa katawan natin. Dahil dun, nagiging aktibo rin ang hormones natin at nagiging dahilan ng pagsesecrete ng more oil ng sebaceous sa katawan natin. At pangalawa, dahil na rin sa libagin kayo! Biro lang. May mga libag sa katawan natin at sa mukha natin, nabloblock yung oil at dun na nagsisimula ang pagtutubo ng pimples. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sa likod, may makikita rin kayong mga tigyawat sa ibang tao..tulad rin sa kapatid na wala nang matubuan sa mukha niya...JOKE ULI!!! *Bro, peace tayo!*
So, alam niyo na?

Meron rin nagsasabing may mga iba pang dahilan kung baket nagkakaroon tayo ng pimple. Liban sa puyat, ang stress at oily foods..Oily Foods? dahil ba sa oily ang pagkain kung kaya't bawal ding kumain nun? Sweet foods like chocolates din?...kaya ayaw kong magpapanipaniwala sa mga ganito e, pinapaiwas nila ako sa mga gusto ko! E panu kung mahilig ako sa mga oily food and sweets? May magagawa ba kayo kung gusto ko?!!
Naalala ko tuloy. Pinagsabihan ako ng tito ko na sarap na sarap sa mga chocolates na pinadala galing abroad.
Sabi niya: "Pst! bawal kang kumain nito!"
Ako: Pero, tito bakit ako pinagbabawalang kumain nito?"
Tito: "Nakakautot!"
Ako: "E anung masama kung umutot ako? gusto ninyo ututan ko kayo ngayon eh? hehehe!
Tito: "..........hindi....aamm.....nakakatigyawat ito!! OO! TAMA! kaya wag kang kumain nito..! masama sa iyo 'to! at Wag nang magtanong pa!"

*Diyos ko po! ilang taon pa lang ba ako nun. Magpipitong (7) taong gulang pa ako nun! Magkakatigyawat ba naman ako nun? Bata pa kaya ako..Dahil sa masunurin ako at wala pa ako sa mundo para malaman anag mga bagay na iyon, sumunod naman ako..Naglalaway na ang bibig ko habang siya sarap na sarap sa pagkain ng mga chocolates! Tubuan ka sana ng BAKOKANG!! Huhuhu!...T_T*

Balik na tayo sa usapan. Ayun nga. magpagayunpaman.sinusunod ko ngayon ito kahit wala ito basehan sa scentific research. Wala naman rin mawawala kung sumunod ako hindi ba? Ang nakakapaghinayang lang ay nakakapanglaway lang ang mga 'to...

Pero ngayon ang hirap nitong kalagayan ko. Lalo na nalalapit na ang finals. Magcucultivate na naman ako ng tigyawat nito. Todo sunog kilay to the max ito. Syempre ayaw ko pang mawala sa San Juan uy!...Pero pramis ko rin sa sarili ko, pagkatapos lang nitong Exam na ito, aasikasuhin ko ang mukha ko...naaawawa na ako sa mukha ko palang ngayon..iniisip ko para bang nire-rape ng mga lint*k na mga pimples na ito ang mala-birhen kong mukha! Nakakaawa.

Last na tanong lang, pano naman mapapagaling ito?
Siguro, marami sa atin ang nakasubok nang magtiris ng pimples. Bakit kaya? Kung magtanong ay parang hindi ko ginagawa ah?...akala ng iba, kapag tiniris nila liliit ang pimples nila.. Akala rin ng iba pag natiris na ung pimples, mawawala na ung fluid sa loob, kaya akala nila maaalis na ung pimples! Di ba ganun kadali?! Yun iba naman Operation exterminate tigyawat talaga! Anu ba yan?!! Ang daming kayang namamtay sa Maling Akala?? Di niyo ba alam na imbes na lumiit ito, lumalaki pa lalo pimples ninyo? Saka hindi niyo ba inisip na dindudumihan ninyo lang ang salamin nito sa oras na nagpriprick kayo ng tigyawat??

Pang-asar na pimples! Kung dati inaasar ko ang kapatid dahil sa rami ng pimples niya..ngayon mukhang makikipagkontesan na ako sa kapatid ko....Teka, anung oras na pala? O HINDDEEE! Ala 2:00am na!! Sige na nga hanggang dito na lang ako..

***

PS: "There are common over-the-counter medications for pimples. These are benzoyl peroxide and/or salicylic acid. Both medications can be found in many creams and gels used to treat acne through topical application. Both medications help skin slough off more easily, which helps to remove bacteria faster. A regimen of keeping the affected skin area clean plus the regular application of these topical medications is usually enough to keep acne under control, if not at bay altogether. 1-2% of the population is allergic to benzoyl peroxide treatments."

Kung meron pa kayung mga katanungan sa akin tungkol sa counter medication sa pimples, dun na lang kayo sa wikipedia.com..dun ko lang rin kase nakuha ito e! hekhek!!

^^,



-nin0ybaltazar09-

7 comments:

  1. I like you page. love it. the playlist you have. galing mo talaga sa mga program, videos, at punong puno ka talaga ng mga ideas.. more power sa iyo, and God bless. mwahh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! salamat sa comment niyo! Sorry for late reply. ngayon ko lang din kasi napansin sa post kong 'to na may mga comments pala ako hihi!
      Thank you ulit! God Bless din! :)

      Delete
  2. Hey Mr.Baltazar.. i really like ur page although hnde ko pa nababsa lahat ay bongga sya ganda nya. so intersting.. i love it...super..napaka inteligent mo naman at super talented.. pahingi nman ako ng konti.. but its really nice.. keep it up. god bless you. and always take care....muahhhhhh!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure! sensya na for very late response hehe! Apir tayo dyan! yeah!
      Thank you sa pagview! :D

      Delete
  3. paano nmn po maiiwasan ang pag ooily ng face

    ReplyDelete






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger