Black Sheep

9/9/08 12:33 AM


* * *



Black Sheep


Isang gabing mapayapa
nababalot ang paligid ng kalungkutan
Mga tao'y tulog na
samantalang ako'y gising pa
nandirito nagmumukmok sa silid ko

Sa silid kong maliit
Na tinuturi kong kanlungan
Aking munting mundo
na kung saan nilalabas
lahat ng sama ng loob

Sa isang madilim na sulok
Pinipilit sinisiksik ang sarili
Maitago lang mga luhang pumapatak
at sakit at galit na nangingibabaw
sa nakakaawa kong sarili

Bakit ba ganito?
Wala na ba akong ginawang tama?
dispalinghado ba lahat nagawa sa buhay na 'to?
halos wala na akong marinig sa bawat araw
Puro na lang bulyaw..palaging pinapagalitan

Bawat araw dinaramdam
mga bulyaw at murang natatanggap
sa araw-araw na dumarating
Kaya isipan ko'y gulong-gulo ngayon
Parang gustong magwala'tilabas ang nararamdaman

Cge Na! Tanggap ko na!!
T*Nga na ako!! G*Go!! B*Bo!!
O kahit anu pang mura pa yan
Wag ño lang sanang ulit-ulitin pa
Nasasaktan na ako

Sa aking pagdaramdam
Ako'y napaisip sa isang katanungan
"Ako ba ang MALAS sa pamilyang 'to??
Kaya hanggang ngayo'y pamumuhay
di pa rin maunlad-unlad??"

Gusto ko silang sumbatan
Gusto kong sabihin aking dinaramdam
Pero hindi ko magawa...
Sin0 nga ba naman ako??
Isang hamak na anak lang naman ako, di ba?

Sawang-sawa na kong makinig
sa mga pabulyaw ninyong pangaral
na paulit-ulit na sirang plaka
na sinamahan pa ng malulutong na mura
na nakakasakit na saking damdamin

Inay...Itay...sana'y maunawaan ninyo ako
Alam kong binibigay ninyong lahat sa akin
lahat nga nakbubuti para sakin
Pero naitanong ninyo na ba sa akin?
Ako ba'y masaya sagusto ninyo?

Kaya eto ako ngayon
Inaabangan pagsikat ng araw
Umaasa sa pagdating ng umaga
na mabago ang pagtrato
ni Inay at Itay sa akin...:(


-ninoybaltazar09-



1 comments:

  1. dedicate ko 'to sa mga taoNg EMo dahil iniisip niLa "black Sheep" sila sa pamilya niLa...

    nirerespeto ko ang mga taong ito, kaya naman inaalay ko sa kaniLa ang tulang 'to..

    ReplyDelete






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger