Ano? Binasa mo?!!!
Anak ng pito'tpung-pito na inakay na baboy NAMAN OO!! Ang KuLet!! di parin nakinig??..... Yan na nga ba mahirap sa atin eh..."Simple Instruction, di parin sinusunod!!"
Ano bang probLema sa aten ha? Napakadaling instruksyon, di magawa? Kaya di umuunlad ang bansa naten eh...dahil wala rin tayong disiplina sa sarili naten.. tpos sinusumbat pa naten ang kahirapan sa gobyerno...Huh??!

Di ko talaga alam sa atin kung ba karamihan sa aten gustong-gustong gumawa ng bawal. Kung anu pa ang bawal un pa ang ginagawa.!.Bakit ba? Anu bang probLema ño ha?....Sabi nila, "Masarap ang bawal!" Anong masarap dyan? Bakit nalasahan ñu na?...Ano ang lasa? matamis ba ang lasa? Kumusta naman yun noh?......

Eto ang mali sa ating mga Pinoy rin..ang pagkakulang naten sa disiplina.. Nde naten madisiplina ang sarili naten sa tama hangga't hindi tayo napapahamak (o kahit na napahamak na, ginagawa parin!)... Ang kukulit din natin e noh? Mga Pasaway!!!

Sa mga kalsada at sa iba pang mga pampublikong lugar, saan mang sulok nito, marami tayong makikita na mga babaLa.. "BawaL magtapon ng Basura," "Bawal Umihi dito" at "Bawal Tumawid dito" ay ilan sa mga halimbawa nito. Pero parang likas na yata sa atin ang pagiging isang 'pasawai!'... na kahit na sa harap-harapan pa ng karatula, ginagawa pa rin naten ang BAWAL!! Alphakapalmuks! Mga 'KUPS' talaga, as in!

Sa kaLsada, kahit na may mga babala panG na "Bawal TUMAWID, NAKAKAMATAY," go parin ang mga pilipino sa pagtawid...kahit na tabi pa nila ang OVERPASS o UNDERPASS!....kahit na nakared-light sa traffic light, tuloy parin ang ibang mga kotse sa pagtakbo.....

May mga babala ring "bawal magtap0n ng Basura dito," pero ang kukulit parin ang iba sa atin... Patuloy parin ang pagtatapon ng basura..ang masaklap pa ay halos tabunan na nila ang babala! Tigas talaga ng MukHa!

Inaamin ko...ako din, isa rin akong pasaway...Maganda naman ang resuLta dahil na-CAR ACCIDENT tuloy ako!! (wag ñu nang basahin...kalaking katangahan!) naalala q nung araw na un...Lunes yun..tatawid ako nun sa may TIMES... isang malaking kapasawayan ang ginawa q na siya namang nagpahamak rin saken... tumatawid aku nun...nasa may ilalim ng OVERPASS aq nun.... nagdadalawang isip kung sa overpass aq dadaan o sa kalsada na lng para mabilis (pasawai!)....dagdag pa nun may nakalagay na babala na "BAWAL TUMAWID!".... pero kahit na may nakalagay na babala na ganito, nakakawindang parin isipin na kung sino pa ang mga matatanda, sila pa ang nagiging pasawai!...imbes na sa may OVERPASS sila dumaan, lahat ng nakasabayan kong matatanda ay sa kaLsada dumaan!...HANEP! akalain ñung dinaanan lng nila ung nakasulat na babala!....graBEH! mag idol ko na kayo!! Ang sarap niyong saksakin, kung wala lng akong respeto sa matatanda!.Ako naman, syempre bilang isang mabait at masunurin namang tao....sumabay na aq sa kanila! Ahihi!.... katwiran ko rin kase nun " Sa mata ng bata, ang gawain ng matatanda nagiging tama... "...kaya un sumabay na q s kanila.! Naging masaya naman ang kinahinatnan q dahil sa pagsunod ko sa kaniLa, nabundol aq ng kotse!...wag ñu nang tanungin sakin ang kwento nito....dahil 'katangahan' lang ang pinakabuod kong ikwekuwento ko ito!.... Buti naman hindi aq na-HIT and RUN ng nakabundol sakin...pinagamot niya aq sa hospital ng PERPS...

Ayun, dahil n rin sa nangyari, nagtanda na aq sa sariLi na nde na ku tatawid ng kaLsada...Di na ku magiging 'PaSaWai" pa....SA KALSADA LNG!! inulit ko, sa KALSADA LANG!! BWAhaha!!

Kay eto lng talaga ang probLema naten sa mga Pilipino e...wla taung disiplina...wala taung disiplina sa sarili...di ko alam kung ginagamit ba talaga naten ang mga pag-iisip naten..lalo na sa mga matatanDa, na siyang nagiging modelo pa ng mga batang pliipino! na katulad ko!! hekhek! :))....

Ang problema sa ating mga Pilipino, panay tayo rekLamo nang rklamo na wala raw ginagawa ang gobyerno at lagi na lng korupsyon ang dinadahilan..kapag may project naman ang gobyerno di nila ginagamit at kung anu-ano na lang na paninira sinasabi nila tungkol sa mga pulitiko...

Kung tutuusin nga'y may punto rin tayo na korupsyon ang dahilan....dahiL marami sa mga pulitiko rin na wala ring disiplina sa sarili at hinahayaan nilang mabulag ang kanilang sarili sa mga salapi...maiintindihan ko pa kung ang mga mahihirap ang magnanakaw..... Pero dito sa atin, mga mayayaman pa ang makakati ang kamay... mga edukado, titulado, at nasa gobyerno...Amf talaga! dahil kung sino pa ang mga nakahiga na sa pera, yun pa ang mga may ganang magnakaw!

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hinde parin umuunlad ang bansa natin kahit na tayo'y mayaman sa likas na yaman? Ang Japan, di naman mayaman sa likas na yaman pero mas maunlad silang bansa kumpara sa atin...

Ciguro nga talaga...disiplina lang talaga ang problema sa `tin....... Katulad na lang, sa mga sandaling 'to....may nagbabasa parin nito kahit na pinagbabawalan na "bawal basahin ang nakasulat dito!"......Sana naman wag nang PASAWAI uli!!!

Per0 cge ngA, tingnan nga naten kung nagtanDa ka na?

pano kung sabihin ko seo nge0ng "DON'T CLICK THIS!!"....SUSUNDIN MO PA BA o HINDE?
It's up to you kung di ka parin nagtanda....



-nin0ybaltazar09-

2 comments:

  1. ahhaha! galing mo kuya! add mo o mizukie018@yahoo.com! add na rin mkabasa nito! hahaha =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure! Cheers tayo dyan! Sorry for my late reply. ngayon ko lang nadaanan tong post kong 'to. Anyway, thanks for viewin'! :)

      Delete






Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Click Me

Powered by Blogger.

Copyright © / abRNnplako?!

Template by : Urang-kurai / powered by :blogger